15/06/2021
FACT OR MYTH ABOUT OUR SHIH TZU
Tanong: Totoo po ba na may "princess type", "imperial type", at "tea cup" shih tzu?
Sagot: MYTH. Wala pong "princess type", "imperial type", o "tea cup sized" na shih tzu. Hindi po accredited ng AKC (American Club Kennel), UKC (United Kennel Club), at iba pang mga Kennel Clubs around the globe, ang "princess, imperial, o tea cup" shih tzu na tinatawag ng karamihan sa atin. MARKETING STRATEGY lang po iyon ng mga breeders at sellers. Kapag maliit, tea cup daw. Kapag mas malaki, imperial type daw. Kapag naman hanggang sahig ang haba ng buhok, princess type daw. Pero, HINDI po iyon totoo. Lahat ng shih tzu humahaba ang buhok hanggang sahig o lagpas pa. Siguro ginaya lang ng mga sellers o breeders yung tawag sa ibang dog breeds na totoong may tea cup, imperial, o princess type. Pero kung titignan mo naman sa PCCI papers, walang princess type, imperial, o tea cup na naka-indicate doon. Isa lang po ang type ng shih tzu na mayroon. Yun ay ang "STANDARD TYPE". Hindi lang talaga maiiwasan na magkakaiba ang sizes ng mga shih tzu puppy. May mas maliit, may mas malaki. Pero again, standard pa rin yun. Basta ang shih tzu natin, hindi yan bababa ng 7 inches tall at hindi tataas ng 11 inches tall. Maliit man o medyo malaki ang shih tzu mo, standard pa rin yun. So, kung gusto mo magalaga ng shih tzu, kahit ano pa mapunta sayo, basta pure breed yan, shih tzu pa rin yan. Mamahalin ka niyan kahit ano pang "--type" ang gusto mong itawag sa kanya.
Tanong: Magkakaiba po ba talaga ang kulay ng shih tzu depende sa line ng lahi nila?
Sagot: FACT. Opo. Iisa man ang type (standard) na shih tzu mayroon. Pero maraming kulay ang shih tzu, depende sa genetic line nito. Halimbawa ng mga kulay ay:
1. Black and White or Brown and White - ito ang pangkaraniwan at madalas natin na nakikita na kulay ng shih tzu. Price range: ₱5000-P7000, kaya sa naghahanap ng 2k o 4k budget medyo kabahan po tayo.
2. Tricolor - Combination ng White, Black, and Brown color.
3. Red - ito naman ang "mahogany" color natin kung tawagin. Madalas, dark brown ang kulay kapag puppy pero pag laki nito ay nagiging light brown o cream na ang kulay nito.
4. Pure Liver - also known as choco liver. Ito ang kulay ng genetic line ng shih tzu na mas mahal ang bentahan dahil kakaiba ang kulay nila compared sa nakasanayan na dualcolor at tricolor. Kulay liver lahat ang buhok nito pati ilong at paa. Tanging liverline lang ang may kulay brown an ilong. Nagre-range ang price nito sa ₱20,000 - ₱35,000.
5. Liver line - ito naman ay kapag ang dual color, tricolor, o red, etc. ay nalahian ng pure liver. Ang difference nito sa pure liver ay ang kulay ng ilong. Brown kapag liver, black kapag liverline. Price range: ₱7,000 - ₱10,000.
6. Silver and White - ito yung combination ng pilak at white color. Rare ang color na ito. Kaya swerte ka kapag nagkaroon ka nito.
Note: Ang prices po na nakaindicate ay estimated at forecasted lang. It may change depending pa rin sa diet, health, vaccines, etc. before irelease ksma na din dyan kung my pcci ang doggie..