27/05/2021
Rabbit Sisig! Tagalog tayo since lutong pinoy ito. Game?!
All time pulutan ng mga pinoy mas pasarapin pa natin!! Rabbit sisig pampakilig!
Ingredients:
1 whole rabbit meat (skinned/deboned)
5pcs rabbit liver
Rabbit chicharon
1pc big White onion
1/2 cup fried garlic
3pcs green chili (chopped)
2pcs red chili (chopped)
1 egg
1/4 cup premium soy sauce
4tbsp calamansi
1/4 cup mayonnaise
1/4 cup butter (salted)
1tsp salt
1tsp ground black pepper
Procedure:
Rabbit Chicharon:
Ipressure cooker mo ng 20 mins yung buong balat ng rabbit. (kung walang pressure cooker pakuluan mo in high heat ng 1 hr) pag lumambot na yung balat hiwa hiwain mo na ng 1x2 inches (kabisado niyo yan magrarabbit kayo😂) hagis mo sa freezer hanggang lumamig bago mo ibalibag sa kumukulong mantika (takpan mo yung kaldero kung ayaw mong maliguan ng mantika) . Voila!! May rabbit chicharon ka na!! 😁👌
Sisig:
Ihawin mo yung karne at atay ng rabbit. Habang nagiihaw pagsamahin mo na yung sibuyas na puti, sili pansigang at siling labuyo. Pagsamahin mo narin yung premium soy sauce, kalamansi, asin at durog na paminta. Pagtapos ihawin yung karne at atay ng rabbit, tadtarin mo na. Tadtarin mo maigi, sige pa tadtarin mo pa. Okay?! Okay. Magpainit ka ng kawali tapos lagay mo yung butter, wag mo hayaan masunog ilagay mo agad yung pinaghalo mong sibuyas at mga sili, igisa mo lang sandali tapos ilagay mo din agad yung tinadtad mong rabbit meat at atay. Ilagay mo narin ung hinalo mong toyo (ingat mga sir baka maihalo niyo yung asawa niyo😂), igisa mo lang ng konti tapos patayin mo na apoy. Kaya pa? Konti nalang patapos na tayo. Assembling nalang ng rabbit sisig na nakakakilig. Game?! Kuha ka sizzling plate, painitin mo maigi tapos ilagay mo yung sisig, lagay mo na yung mayonnaise tapos haluin mo lang ng konti. Lagyan mo ng itlog then itopping mo yung pinritong bawang at rabbit chicharon. Voila! May rabbit sisig ka na! 👌🐇
Cheers! From your friendly rabbit, BBR!! 🥃
Eat rabbit, make it a habit! 🥂