07/05/2024
Ang ultimate goal lang po namin ay dumating sa point na hindi na natin need magrescue kasi may safe space na para sa lahat.
Habang nasa shop tayo, may napadaan na mag-asawa na may kasama ng 4 na a*o. Inabutan natin sila ng dog food at kitang kita sa mga furbaby na ito ang kasiyahan.
Sabi ko sa kanila, daan lang sila ulit if naubos na pero hindi pala mangyayari kasi pauwi na daw sila ng Calaca Batangas. Ndi naman natin sila matulungan makarating sa destination nila. Wala din sila phone number kasi ninakaw daw sa may bandang Cabuyao yung phone nila habang natutulog.
Binigay na lang natin number natin para in case na makarating sila sa destination nila ay makapagbigay pa tayo ng tulong sa kanila.
Bottomline po, Sana patuloy niyo pa suportahan ang Chuckie Chows kasi ang business po na ito ay hindi talaga business, ito ay advocacy natin para mas madami pa tayo matulungan. Okay lang kami hindi kumita para sa sarili.
Ang mahalaga sa Chuckie Chows, makapagbigay kami ng trabaho, at makatulong kami sa mga katulad nila.
Masurvive lang po namin ang operational expenses masaya na po kami. Malayo pa tayo sa katotohanan, Pero darating din tayo dyan.
P.S. natuwa ako sa sagot ni nanay nung tinanong ko sila kung may anak ba siya, ang sabi niya, "SILA" sabay turo sa mga cute na to.
I am always amazed by these people na kahit walang wala financially, punong puno naman ng humanity and love for other well being. Mabuhay kayo!