Mikko already calm na.. makakapag rest kami ng sabay.. need din gumising ng maaga para mapaarawan ang Mikko Baby namin..
July 08 : We decide to discharge na po si Mikko..
Dahil na din po sa nakita naming condition nya at sa update kaninang umaga na restless na din daw sya.. madalas pagod dahil s pain..
Kung sakali na gumanda pa ang condisyon nya while continuing his home treatment at ibless pa sya ni Lord na madugtungan pa ang kanyang buhay ay kami po ay babalik sa kay Doc Tin sa 07/18 para sa another shot ng Imidocarb for treatment ng babesiosis infection while mikko still fighting the Distemper..
July 07 : 4th day and 3nights na ni Mikko sa Petlink Canine Distemper Center Nabawasan na daw po ang pagmumuta at sipon ni Mikko.. ganun din ung paglalaway ay nabawasan pero nagkaroon n ng panghihina sa sa dalawang paa nya (front feet).. pinipilit nya pong tumayo ngungit ung dalawang paa nya lang sa likod ang nakakaya nyang itukod..
Ito din daw po ay maaring cause ng blood parasitism.. hindi nmn daw po paralyze ang mga paa ni mikko dahil nagagalaw naman nya ito..
payat parin po at mas pumayat sya and need parin iforcefeed mapa pagkain at inumin..
Looks like nakakakilala parin sya samin dahil nung narinig nya boses ng tita ko na lagi nyang tinatabigan matulog at tila ba pinipilit nyang bumangon.. kaso hirap sya g tumayo dahil sa lagay nya ngayon..
Mikko’s 3rd Day at Petlink Canine Distemper Center.
Ps: Dont mind those tiny pieces of dogs food sa face ni mikko sa Video.. medyo madungis lang po talaga dahil katatapos lang ng forcefeed at need pa syang linisan..
Pagpasok namin sa room kung saan nandun si doc at ang mga aso ay una muna naming binati si doc ng magandnag hapon.. at palagay ko narinig ito ni Mikko kaya nakita ko sya na tumayo at lumapit sa pintuan ng cage nya..
Nung syay aming lapitan tila gusto nyang magpabuhat.. ngunit dahil sa takot na baka mahila namin ang swero hindi na namin sya binuhat bagkus nilapit ko na lang ang aking katawan at mukha ny habang hinihinas ang gilid ng kanyang magkabilaang panga habang syay kinakausap upang di nya maramdaman na syay aming inabanduna at araw araw namin syang binibisita..
Mikko’s 2nd Day at Petlink Canine Distemper Center..
Mikko shows very light improvement masasabi kong very light improvement dahil nagreresponce na po sya tuwing tinatawag sya.. unlike nung pinasok namin sya s center na hindi tlaga sya kumikibo.. Force Feeding parin sya as per her Vet nurse and doctor.. wala na din syang sound n nacreate na sounds like he’s in pain..