01/06/2021
Rabbit pizza!! Pampakalma!!
Game?!
Simulan na natin, turruh!!
Ingredients:
Dough:
2.5cups all purpose flour
1tsp instant yeast
2tsp sugar
1/2tsp salt
2tbsp olive oil
1cup warm water
Toppings:
1/2 rabbit meat fillet
1 whole red onion
2 packs (400g) emborg 3 cheese bake
250g parmesan cheese (shredded)
400g tomato sauce/ puree
Sauce:
1tbsp worcestershire sauce
1tbsp smoked paprika
1/2 tsp liquid smoke
1/8 cup honey
1/8 cup mustard
1/4 cup dark soy
Procedure:
Dough muna! Paghaluin mo lahat ng dry ingredients, flour, yeast, sugar and salt tapos imix mo muna. Pagtapos mo paghaluhaluin lagyan mo ng olive oil saka water tapos i-knead mo na hanggang maging smooth yung dough, roughly 15 mins mo kailangan i-knead yung dough. Pag okay na irest mo muna yung dough then iprepare mo na yung toppings. Kunin mo yung rabbit meat mo tadtarin mo ng parang paadobo(para mas madali himayin) tapos pakuluan mo sa tubig na may asin, paminta at dahon ng laurel hanggang lumambot. Pag malambot na himayin mo (para ka lang magsosopasπ. Mas maganda gawin mo ito ng una kasi medyo matagal palambutin yung rabbit meatπ).
After magrest ng dough mo for about 1 hour, ihugis mo na siya na parang pizza, depende sa trip niyo, circle, square, oblong, triangle pwede din abstract, alam mo na yan malaki ka na.π Pag nagawa mo na yung shape ng pizza mo ilagay mo na yung tomato sauce, then yung 3 cheese bake tapos. Eto na malupet, paghaluin mo lang lahat nung ingredients na nasa sauce sa itaas, haluin mo ng mabuti, haluin mo itodo mo baka haluin ng iba! πππ After mo mahalo ilagay mo yung rabbit meat, hayaan mo masoak yung rabbit meat dun sa sauce quality yan promise! After ma-soak maigi itopping mo na sa pizza mo ung rabbit meat then lagay mo na din yung onions tapos paliguan mo ng parmesan cheese! Pag satisfied ka na sa itsura ng pizza mo ihagis mo na sa pre-heated oven. Ibake mo hanggang mag golden brown yung crust and yung cheese! Voila!! Rabbit pizza!! Kumalma ka ba?! πππ
Eat rabbit, make it a habit!