22/10/2022
CTTO
HOW TO TREAT YOUR FLOWERHORN
1. nangangati alaga mong fh? kinakaskas katawan nya sa salamin? may puti puting pulbos sa katawan?
sakit nyan "white spot"
gamot nyan - iheater mo lang, set mo sa 32° hanggang sa mawala mga nakakapit na pulbos na puti. (bantayan mo, baka malaga isda mo.) ibaba mo setting sa 30 kapag mainit na.
2. lumabo mata ng isda mo? nagkulay puti?
sakit nyan "cloudy eye"
gamot nyan - iheater mo lang. set mo sa 32° kung masipag ka, mas mabilis gumaling yan kung lalagyan mo ng "tetracycline" capsule. sa generic pharmacy mo mabibili. wala pa sa 5 pesos yan. hatiin mo capsule at ibudbod mo sa tubig ung laman. gaano kadami? hanggang sa pumula ung tubig at bumula. normal un. water change ka lang after 3 days. pag meron pa. ulitin mo lng procedure.
3. lumuwa mata ng fh mo?
sakit nyan "popeye"
gamot nyan - same sa #2.
4. lumaki bibig ng fh mo? kumapal?
sakit nyan "duck lip"
gamot nyan - same sa #2 pero mas effective kung combinations ng flagyl at tetracycline. flagyl is a brand of metronidazole mabibili mo din sa pharmacy.
5. may lumalabas na bituka sa pwetan ng fh mo?
sakit nyan "bulging a**s"
gamot nyan - Hernia, heater set mo sa 30° degcel, and add heavy aeration. Get EPSOM salt, not rock salt, sea salt or table salt but EPSOM salt. Get 2 and a half tablespoon for every 5 gallons of tank water, dissolve total amount in a cup with tank water then distribute evenly in the tank. After 24 hrs, do a 30% wc then re-dose same amount of epsom salts. ulitin mo for 5-7 days o hanggang sa pumasok ung bituka.
hernia labas masok yan. makulit yan sakit na yan eh. kakalabas kasi nyan. lumalaki ung butas kaya pag pumasok madali na lumabas uli kasi malaki na butas. pero pag napansin nyo na naghihilom na ung butas. bumabalik na sa normal size, posible na hnd na lumabas uli.
6. dumudumi ng kulay puti ung isda mo?
sakit nyan "hexamita"
gamot nyan - wc ka 30-50% heater mo set sa 30°
lagyan mo ng kahit anong metronidazole, nabibili sa pharmacy.. gamit ko flagyl brand. 3 pcs. sa 35 gal. after 3 days.. repeat repeat lng hanggang mag normal yung p**p. ung ibang commercial meds for fh na for hexa.. mabisa din. pero metronidazole lang din yan na tinunaw.. imo.. 🤔
7. umeembang langoy ng isda mo. tumatambling, nagsisirko, tricks nya yun? loko hindi..
sakit nyan SBD.. naguumpisa sa bloat. bloat kasi lakas mo magpakain. bondat na isda mo. d natunawan.
gamot nyan - heater mo set 27-29° para stable water temp. hnd tamaan ng ibang sakit habang ginagamot mo. unang step. less feeding. d ako sure kung nakakatulong pagpapakain ng green peas (d ko triny.. tamad ako) next is babaan mo water.. malakas na aeration para reach nya proper amount of oxygen. depende sa sbd.. 99% hnd nakakasurvive, pinapatagal lng ung buhay. wala ako masabing eksaktong gamot, pero kapag bumabaliktad na, ginagawa ng iba is binababaan ang tubig kasing taas ng isda mo pag lumalangoy + 1" at iniipit sa divider hanggang sa constant change if umaayos na langoy. less feeding pa din. may good news dito. kapag early stage.. umaayos pa.. kapag acute sbd na, magipon ka na pamalit dyan.. 😊
8. napupudpod ang buntot at pectoral fins? (ung kaliwa at kanan na fins na malapit sa hasang)
sakit nyan finrot.
gamot nyan - wc ka 30-50% iheater mo.. set mo sa 30°, maraming pedeng gamot dyan, ako kasi rocksalt o tetracycline o pimafix o ridall general aid o potassium permanganate tapos pag gumaling na, naglalagay ako ng melafix para mas mabilis ung pag "regeneration" ng mga naupod na part ng fins and tail.
9. may nakakapit na kung ano sa buntot at fins ng fh mo.
sakit nyan - fungus
gamot dyan same sa #8
10. may tumubong parang puting pimple sa katawan, fins, buntot, mukha ng fh mo.
sakit nyan - pimple (bago lng yang sakit na yan, bihira yan dati,
gamot nyan - same sa #8, pero mahirap yan gamutin, matagal mawala/matanggal/matunaw. ginagawa ko dyan, "inooperahan" ko san pamamagitan ng "scrape" yes.. scrape, iniscrape ko, kinakayod ko using blade or anything na pede pang scrape, tapos proceed ako sa gamutan na #8..
11. lumaki tyan ng alaga mo.
sakit nyan bloat
gamot nyan - wag mo pakainin hanggang sa lumiit.
fyi: may mga fh na ang genes nila is malalaki ang tyan, meaning parang normal na sa kanila ung laki ng tyan, akala mo bloated, pero sadyang malaki talaga tyan, so sadyang bloated talaga ung genes nya. wag mo lang din pakainin, hanggang sa lumiit or minimal feeding.. mga 1 - 2 pellet a day, yan ay kung gusto mo lumiit ung tyan nya. in my experience, lumiliit talaga, pero lumalaki din uli. so para kaming naglolokohan ng alaga ko, pag maliit tyan nya, kakain sya, pag malaki, d sya kakain o 1 pirasong pellet lng kakainin nya kahit umabot pa ng 1 week basta hnd lumiit tyan nya.
12. nagkaroon ng butas ung kok/face ng isda mo? una tuldok, lumalaki katagalan. tumatamlay.
sakit nyan hole in the head/face hith/hitf
gamot nyan - same sa #4 or may options ka kung ayaw mo madumi
sana makatulong to sayo sir/maam😉❤