06/03/2022
Grabe na pala binaba ng price ng Shih tzu :( Pag ganyan di na siguro ako mag brebreed ng Shih, Pagod, puyat, gastos sa pagkain ng nanay, vitamins tapos pag lumalaki na tuta papagatasin mo at idodog food din plus vitamins, dewrm at vaccine? Sabay ang asking sayo nasa 5-6k? Lugi kana pagod ka pa. Haha laging binabarat eh. Nakakalungkot isipin. Yung iba demanding pa gusto with PCCI pero yung budget gusto halos hingiin na lol!
FYI - 10k up po talaga ang standard price ng Shih Tzu na no papers :) Mas mahal pa noon.
Possible may magbigay ng 5-7k pero note lang karamihan no vaccine at deworm yan or either mixed breed ang ibigay sayo.
Tandaan kung gusto ng quality na a*o yung walang sakit at di kayo mag kaproblema wag po niyo baratin. (Y)
Iba kasi pag alagang a*o at quality compare sa ina-out lang basta ng walang vacc, deworm o vitamins. Kawawa ang ibang puppy mabenta lang kahit di naalagaan. Maging responsible pet owner po sana. Ang pet hindi yan basta pinagkakakitaan, inaalagaan po yan. Minamahal po, pag nag alaga ka ng may breed hindi yan kagaya ng mga a*o sa kalye na pwede mo pakainin ng kung anu-ano lang, maselan po yan :) Inshort di biro gastos diyan, kaya kung mag pet ka at wala kang knowledge sa may breed, wag kana bumili, kawawa lang po ang puppy.
Bilang owner po at kung maayos na breeder/pet owner ka dapat may care ka po sa pet mo. Hindi mo i-out yan ng alam mong delikado. Maselan po yan kaya importante na naka Vaccine at deworm po sila with vitamins.