07/04/2023
🐇PAANO ANG TAMANG PAGBREED NG RABBIT🐇
✓🐰Ang doe/Female Rabbit dapat nasa 6 months up na ang age Bago ipakasta sa buck/Male Rabbit Bakit?dahil ito ang Adult stage nila kong San Nasa tamang edad sila para mag handle ng kits.Sa Age na 3-4 months pwd na Sila mabuntis pero Not advisable Kc baka hnd nila kayanin ang pangaganak worst pa baka ikamatay nila at pati na din ng kits,or else kayanin man nila sa panganganak hnd din alagaan ang Anak kaya don tayo sa sure 😊
✓🐰Then check Ang Private Part ng doe,pag nakita niyo itong redish,purple at parang namamaga,ibig sabihin fertile or inheat na Si doe/Female rabbit,pwede na ipastud kay Buck/Male Rabbit
✓🐰Si Buck Naman Sa age 4 mos and up,Basta meron na syang eggball litaw na Pwede na ito makabuntis ng doe.
✓🐰Before ipa Stud ang doe,make Sure na cheneck muna at nilista Ang Timbang nito for Monitoring kong bumigat ba sya after a weeks.
✓🐰Laging Tatandaan na ang Doe ang Dadalhin sa kulungan ni Buck pag ipapa stud ito masyadong territorial ang mga doe, aawayin Lang Yung buck Kung buck Ang ilalagay sa kulungan nya.
✓🐰Make Sure Na maka 3-5 na success ang buck para sure na mabubuntis Yung doe.,although May iba na nabubuntis kahit 1 success lang pero don Tau sa sigurado 3-5 down para hnd bitin✌️🤣
✓🐰Huwag kalimutan ilista Yung araw na pina Stud Ang doe Para macheck Kung successful Yung mating Nila.,
Dapat pagkalipas ng ilang araw,may Mabago sa behavior ng doe/female Rabbit 🐰
>🐇Kagaya ng pag hahawakan mo humuhuni.
>🐇Masungit Nangangagat ayaw pa istorbo
>🐇Laging naghuhukay Hindi Mapakali
>🐇Maraming kinakain kaysa nong hnd pa nasstud inshort laging Gutom
>🐇Pag ipapa Stud mo ulit sa buck ayaw nya na at aawayin lang Si buck
>🐇Nag Momolting
✓🐰After 2 Weeks Timbangin ulit Doe, pag mas mabigat siya kesa sa unang timbang niya. Baka possible na buntis na nga.
✓🐰Palpating - Ito ay ginagawa after 2 weeks matapos ipa stud sa buck si doe,Yung paghawak sa may bandang tiyan ng doe.Dahan dahan Lang wag idiin masyado Baka mapaano ang kits pag dininan.Dapat may mararamdaman kayong bilog bilog or parang grapes sa tiyan ng Doe Sureball buntis na Ito🤩
✓🐰Pag naconfirm na buntis Yung doe.Wait hangang sa mag 28-35 days,manganganak na Yan.3 days before manganak,maghanda na ng nest box Parang basket na maliit,kailangan may butas butas yon para may lusutan ng wiwi.Medyo malaki dapat,Yung magkakasya ang doe para pag magpapadede di maipit or maapakan mga kits.Wag Maglalagay ng nextbox ng maaga kc Bakit gagawin lang itong Taehan😁
✓🐰Pag gumawa na ng NEST ang doe at NAGBUNOT na ng fur/Balahibo. Malapit na manganak Yan mga minutes nlang aantayin natin nga Ka Rabbit🤩 excite kana ba tapusin mo muna ang pagbasa🤣
✓🐰Huwag masyado tignan o icheck Ang doe kapag malapit na manganak or nanganganak.Naiistress Kasi sila pag Hindi sanay.Huwag din gambalain dahil baka imbis na manganak na eh hnd matuloy.Pagbigyan ang doe ng privacy After manganak saka muna icheck ang kits nya Kung nasa nestbox ba nanganak.Kung di, Pwedeng itransfer Ang mga kits sa nextbox pero kailangan hawak muna sa doe bago hawak sa kits para di magbago amoy.Laging Tandaan Kinakain ng Doe ang anak or aabandonin kapag nastress sila.
✓🐰Dagdagan ang food Ng doe ng mas maraming food sa usual na binibigay natin and more malunggay para makapag produce siya marami milk para sa kits.Also unli water
✓🐰Tuwing Gabi or madaling araw magpapadede Ang doe Kaya huwag na magtaka Kung bat Parang tingin niyo eh di pinapadede. Di sila kagaya ng pusa at a*o na madalas natin nakikita na nagpapadede ng anak at nag sstay sa Nest box pumupunta lang sila once na nagpapadede kaya akala natin wala sila p**i alam pero ganon lang talaga ang mga Rabbit pag nanganak,
✓🐰Kadalasan sa Mga Rabbit once or twice a day Lang magpadede, 3-5 mins Lang.Pero May ibang Bunny kahit umaga tanghali nagpapadede at minsan matagal.
✓🐰every morning Icheck Ang mga kits Kung nakadede silang lahat.Pag malaki at may color white/yellow sa tiyan ng kits,nakadede yan.Pero pag payat tas kulubot Yung balat,di nakadede.Pag may di nakadede sa kanila, maaaring iforcefeed sa doe.Pwede habang kumakain Yung doe, ilagay sa may ilalim niya at tulungan dumede Yung kit. Pwede ring hawakan Yung doe at padedein Yung kit.
✓🐰Pag walang gatas Ang doe,namatay or nagkasakit. Pwedeng bumili nang:
>🐇Goat's milk
>🐇Kittens milk
>🐇Pet's milk.
✓🐰Forcefeed mga kits nito gamit syringe, dropper or Kaya pwede rin buy po Kayo ng Bottle na pang small animals,2 days kayang itagal ng kits na di nakadede.
✓🐰Sa 1st 2 weeks of age ng kits,maselan sila Kaya need sila bantayan or icheck lagi.Baka langgamin, lamigin, dagain and etc.Make sure na Yung cage or lagayan nung doe,di mapapasukan ng kahit anong peste lalo na Daga 😁
✓🐰Iwasan din Ang maingay na paligid,or mga pwde makastress sa doe. Pwede Kasi nitong kainin ang sariling anak pag na stress sya.
✓🐰Pag dating ng 6 weeks 8 weeks ng kits,Pwede na ihiwalay or iwean sa doe.Pinakaedad na maganda iout Ang kits talaga is 2 mos or 8 weeks since Marunong na sila kumain ng Pellets at damo nito, di na rin dumedede. Mataas na rin Survival Rate.
✓🐰After ihawalay ang kits pahinga si doe ng 10 days,pagkatapos pwd na ulit ibreed si doe YES 🤩More Kits to Come Mga Ka Rabbit🤩
Yan ang Tinawag na 70 days Breeding cycle
30 days sa pagbubuntis
30 days na pagpapadede
10 days na pahinga
Sanay nakatulong Mga Ka Rabbit🐰💖🐰
Ccto:Reyanne Rabbitry