01/09/2022
FACT OR MYTH ABOUT OUR SHIH TZU
Tanong: Totoo po ba na may "princess type", "imperial type", at "tea cup" shih tzu?
Sagot: MYTH. Wala pong "princess type", "imperial type", o "tea cup sized" na shih tzu. Hindi po accredited ng AKC (American Club Kennel), UKC (United Kennel Club), at iba pang mga Kennel Clubs around the globe, ang "princess, imperial, o tea cup" shih tzu na tinatawag ng karamihan sa atin. MARKETING STRATEGY lang po iyon ng mga breeders at sellers. Kapag maliit, tea cup daw. Kapag mas malaki, imperial type daw. Kapag naman hanggang sahig ang haba ng buhok, princess type daw. Pero, HINDI po iyon totoo. Lahat ng shih tzu humahaba ang buhok hanggang sahig o lagpas pa. Siguro ginaya lang ng mga sellers o breeders yung tawag sa ibang dog breeds na totoong may tea cup, imperial, o princess type. Pero kung titignan mo naman sa PCCI papers, walang princess type, imperial, o tea cup na naka-indicate doon. Isa lang po ang type ng shih tzu na mayroon. Yun ay ang "STANDARD TYPE". Hindi lang talaga maiiwasan na magkakaiba ang sizes ng mga shih tzu puppy. May mas maliit, may mas malaki. Pero again, standard pa rin yun. Basta ang shih tzu natin, hindi yan bababa ng 7 inches tall at hindi tataas ng 11 inches tall. Maliit man o medyo malaki ang shih tzu mo, standard pa rin yun. So, kung gusto mo magalaga ng shih tzu, kahit ano pa mapunta sayo, basta pure breed yan, shih tzu pa rin yan. Mamahalin ka niyan kahit ano pang "--type" ang gusto mong itawag sa kanya.
=====================
Tanong: Ang isang ordinary tricolor/bicolor na shih tzu at isang pure liver ay maaaring magkaanak ng pure liver din.
Sagot: MYTH. Liver happens if (1) Both parents are liver, (2) One parent is liver while the other parent is liver carrier, (3) Both parents are liver carrier.
"Liver carrier" po ang term sa AKC (American Club Kennel) which is dito sa atin sa Philippines ay tinatawag natin na "Liver line". Liverline po ang puppy kapag black ang nose nito pero ang parents o isa sa parent nito liver.
Para mas maintindihan:
LIVER x LIVER = LIVER
LIVER x LIVER LINE = LIVER and/or LIVER LINE
LIVER LINE x LIVER LINE = LIVER and/or LIVER LINE
*parent x parent = litters
=====================
Tanong: Magkakaiba po ba talaga ang kulay ng shih tzu depende sa line ng lahi nila?
Sagot: FACT. Opo. Iisa man ang type (standard) na shih tzu mayroon. Pero maraming kulay ang shih tzu, depende sa genetic line nito.
EIGHT (8) OFFICIAL COLORS ACCREDITED BY AKC (American Club Kennel)
1. Black – All black. Rare sa shih tzu ang all black, as in walang ibang halong kulay. Pure black means that there are no other colors at all on the coat. Dahil rare ang pure black, price range is ₱7,000-₱9,000.
2. White – All white pero kulay black ang nose. Usually, sa kanila nagmula ang bicolor at tricolor. Yun ang pangkaraniwan natin na nakikita sa ngayon. Price range: ₱5,000-₱8,000. So kung naghahanap ka ng 2k-3k budget na shih tzu, aba waw.
3. Silver – Sa malayuan mapagkakamalan na kulay white. Pero pag lumapit ka makikita mo na makintab na may pagka-silver ang kulay lalo na pag natatamaan ng liwanag o natural light.
4. Blue – Kahit na ang official color sa AKC ay "Blue" sa totoo, may pagka-charcoal o gray ang kulay ng shih tzu. Kung ganun ang shih tzu mo, under sya ng color Blue. Blue kasi kapag natatamaan ng natural light ay kitang kita ang pagka-tingkad ng kulay blue tone nito.
5. Red – Kapag dark orange po ang kulay ng shih tzu.
6. Liver – Hindi ibig sabihin na Liver ay kailangan na kulay liver na ang coat o buhok nito. Liver ang shih tzu kung kulay brown ay ang nose, paws, etc. nito. May mga white at black na shih tzu pero classified as liver because kulay brown ang nose nito. Price range: ₱20,000-₱35,000.
7. Gold – kapag yellowish brown ang kulay ng shih tzu.
8. Brindle – kapag nagiiba ang shade o tone ng balahibo. Halimbawa, ang kulay ng buhok malapit sa anit ay light brown tapos nagiging dark brown sa dulo ng buhok. Kumbaga, may shading ang kulay ng hair. Streaked through colors kumbaga. Price range: ₱6,000 -₱8,000
OTHER COLOR COMBINATIONS:
TWO COLOR COMBINATIONS
1. Whiite and Black
2. White and Red
3. White and Grey
4. White and Charcoal
5. White and Gold
6. White and Brindle
7. White and Blue
8. Red and Black
9. Red and Gold
10. Red and Charcoal
11. Red and Grey
12. Red and White/ Silver
13. Black and gold
14. Black and Brindle
15. Black and Silver
16. Black and Liver
THREE COLOR COMBINATIONS
1. Black, Silver, and White
2. Silver, Gold, and White
3. Black, Gold, and White
4. White, Gold and Red
5. White, Black, and Gold
Ikaw, anong kulay ng shih tzu mo? Comment down below and share a photo of your furbaby. ❤️🙂
Note: Ang prices po na nakaindicate ay estimated at forecasted lang. It may change depending pa rin sa diet, health, vaccines, etc. before irelease.(ctto)