16/03/2022
"Ang hirap nang magbenta ngayon dahil napakarami nang breeders, iilan na lang ang buyers." ~karaniwang naririnig mo ngayon sa rabbit industry
📣Ito ay resulta ng maling mindset ng mga pumapasok sa rabbit farming.
Nung nag-promote tayo ng rabbit raising, ang purpose natin ay meat production. Nagkabentahan ng mga meat type breeds, na kadalasan ay mga 2 months old pa lang (or less). Nag-invest ka, at natuto kung paano mag-breed at magparami. Inisip mo na malaki ang kita ng mga breeders sa kits kaya mababalik mo agad ang puhunan. 🤔
Wala namang pumigil sayong kumita, at tama lang naman na habulin ang kita, pero nakalimutan mo na ang main purpose natin ay meat production. 🤘
Ang problema, ayaw mong magpalaki ng pangkatay, ayaw mong magkatay, at ayaw mo ring tumikim ng rabbit meat. 🙅♂️ Nakalimutan mo ring i-introduce sa mga pamilya at kaibigan mo ang karne ng kuneho. 👎
👉Ito yung katotohanang nararanasan ng marami ngayon.
Biglaang investment, walang plano, maling mindset.😥
Kung ang habol mo ay magbenta lang ng kits, wala namang problema, basta sigurado ka. 💪 Pero babaan mo ang expectation mo, dahil sa sobrang daming breeders, malaki ang tsansa na mahihirapan ka.💯
Aminin na natin sa sarili natin na pagdating sa mga kits, lalo na ang mga pwedeng gawing foundation stocks (breeders) ng iba, mas nakakabenta yung mga nauna, yung mga sikat, yung mga may hawak ng mas mabibigat na breed. Kung makikipagsabayan ka sakanila, good luck at sana'y magtagumpay ka.🏆
👉Pero kung ang habol mo ay meat production, maraming paraan para kumita. Buksan mo lang ang isip mo, at wag maniniwala dyan sa mga negative na kuro-kuro.🔇
📌Eto ang ilan lang sa mga paraan para matuloy mo pa rin ang negosyo:
1️⃣ Tanggapin mo na ang rabbit meat. Masarap at masustansiya.
2️⃣ Mag-aral ka kung paano magkatay, o kaya kilalanin mo kung sinong marunong magkatay sainyo.
3️⃣ Kung kaya, gumawa ng colony / free range area para sa mga pangkatay. Mas madali ang maintenance kaysa cage at mas madaling magpakain ng mga dahon at damo. Mas tipid ka pa.
4️⃣ Aralin mo kung magkano ang totoo mong gastos sa pakain, tubig, maintenance, etc. Tingnan mo kung ilan ang average produce mo, at doon ka mag-compute kung magkano ang presyo mo para kumita.
5️⃣ Mag-attend ka kasi ng mga seminar. Okay lang ang Youtube, pero hindi ba mas masaya kung nakakasalamuha mo ng personal ang trainer at mga kapwa breeders? Mas marami kang matutunan, mas madali ring magtanong,
6️⃣ Alamin mo kung anong mga pwedeng produkto mula sa rabbit. Kung kaya mong gawin, edi simulan mo. Kung hindi, edi irekomenda mo sa mga kagrupo.
7️⃣ Sumali ka sa mga grupo lalo na sa mga coop. Nagsisimula pa lang ang rabbit industry kaya napakarami pang pagbabago at mga challenges na hinaharap. Kung solo ka lang, wala kang karamay. Wala ka ring makukuhanan ng updated na advice. Kung may coop ka, wala ka nang problema sa training, sa market, kahit sa mga kailangan mo sa rabbitan.
8️⃣ At pinakaimportante... Huwag mong siraan ang iba. Dahil ang kasiraan ng bawat breeder, ay kasiraan ng buong industriya. Paano pa tayo pagkakatiwalaan ng mga baguhan lalo na yung gustong mag-invest?
Pinakamahalaga sa ngayon ang pakikisama. Kung gusto nating umasenso lahat, dapat makiisa naman lahat.
Gaya ng rabbit, walang tapon dapat.
📣📣📣Kung lahat ng yan ay hindi mo magawa, at hindi ka naging successful, wag mo nang ipangalandakan sa iba.
Dahil yung kapalpakan mo, hindi naman kasalanan ng lahat.
Kung hindi ka successful, hindi ibig sabihin ganun din ang iba.
👉Ang rabbit industry, marami nang napa-graduate na estudyante, kaya kung sasabihin mong lugi, baka mindset mo lang ang may problema.
Ulitin natin:
Baguhin mo ang mindset mo, at makisama ka.
Maniwala tayo, magtatagumpay ang industriya. 🙏
Friendly real talk from your friends in Sorsogon