Cats of Tugatog Malabon

Cats of Tugatog Malabon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Cats of Tugatog Malabon, Animal Rescue Service, tugatog, Malabon.

28/10/2024

Pangalanan natin siyang Pazee. A stray kitty Pazee needs help. Maga at sobrang infected na ang kaliwa niyang mata. Antibiotics and Eye drops did not work on her anymore. Lagi siyang umiiyak marahil due to pain sa kaniyang mata. I think kailangan n po niya ng eye surgery. 🙏🙏🙏😥
Please, let us help her survive.

Gcash number:
09363811409
Ev M

22/05/2024
23/02/2024

Paumanhin po kung ngayon lang kami makakapag-update. Sana maunawaan ninyo na napakabigat pa rin ng aming dibdib dahil sa nangyari.

Ayon sa team na pumunta sa iskul, mayroon po talagang nag-report para ipakuha sa City Vet ang mga pusa at a*o. Umaksyon lamang sila batay sa nilalaman ng sumbong kay Mayor Along Malapitan. January 29 pa ang petsa at nag-follow-up daw sa kanila ng umagang iyon ng Miyerkules, February 21.

Sinikap pa rin naming maging kalmado nang makaharap ang team kahit nanginginig ang katawan. At pilit na inunawa na ang mga taong pumunta sa paaralan para hulihin ang mga hayop ay sumunod sa nakatataas at ginawa lamang ang kanilang trabaho. Naging napakagalang naman nila sa pakikipag-usap. Humingi pa nga sila ng paumanhin dahil kailangan nilang gawin iyon. Mabigat din sa loob nila ang kanilang ginawa lalo at nakita nila na may ilang g**o na umiiyak habang hinuhuli at sinisilo ang mga pusang nagsisilbing stress reliever namin.

Nakalulungkot talaga na hindi man lang kami sinabihan. Sana naiwasan ang tensyon at matinding stress na inabot namin ng araw na iyon na posible naming ikadisgrasya o ipagkasakit. 😢

Hindi po kami pumayag na makuha ang mga pusa. Sa maayos na pakikiusap, napahinuhod ang City Vet kaya nagpapasalamat kami sa kaniya. Ibinalik sa amin ang mga pusa at nagkaroon ng kasunduan.

Masakit man sa aming kalooban, kailangan namin silang hanapan ng adopters. Hindi na po sila ligtas sa loob ng paaralan. Hindi namin sila mababantayan. Ang nangyari ay posibleng mangyari muli. Hindi namin natitiyak kung sa susunod ay maililigtas pa namin sila at kung makakayanan pa ba namin ang bigat ng ganitong sitwasyon. 😢

Ang pakiusap at hiling po namin sa inyo ngayon ay tulungan kami sa paghahanap ng mga mag-aampon sa mga pusa at a*o. Napakalaki na ng hirap namin sa kanila kaya hangad namin na mapunta sila sa mabubuting tao na makauunawa sa kanilang pinagdaanan.

Mahal po namin ang mga pusa at ang mga a*o dahil naniniwala kami na bahagi sila ng pamilyang CalHighian. Maraming nakaaalam kung ano ang mga ginagawa at isinasakripisyo namin para sa kanila. Ngunit sa nangyari, malinaw na ang lahat ng aming paghihirap na para rin naman sa paaralan ay WALA PALANG HALAGA PARA SA IBA!!! 😭😭😭

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=926641246133933&id=100063641983099&mibextid=Nif5oz

Please help CalHighian Cats  🙏🙏😭😭
21/02/2024

Please help CalHighian Cats 🙏🙏😭😭

Kapag nakikitaan ka ng pagkukulang mo as a rescuer...
25/01/2024

Kapag nakikitaan ka ng pagkukulang mo as a rescuer...

UPDATE: Stop na po  natin ang donation drive for NEGRO dahil sapat na ito para ma sustain si Negro.Hindi ko na sana siya...
22/12/2023

UPDATE:
Stop na po natin ang donation drive for NEGRO dahil sapat na ito para ma sustain si Negro.

Hindi ko na sana siya ipapa vet sa kawalan ng budget ngunit pansin ko na sobrang dehydrated na siya at posibleng hindi din tatagal. Dinala ko si Negro sa pinakamalapit na clinic. Na swerohan, nainjectionan ng para sa liver at universal antidote since hindi namin tukoy partikular na la*on na ginamit sa kaniya. Niresetahan siya ng mga gamot na kaniyang iinumin.
Napainom ko siya ng gamot simula kahapon. Bagamat sa unang araw bago ang pag inom niya ng gamot, dalawang beses dumumi ng dugo si Negro. Bagay na iko konsulta ko sa vet sa kaniyang pagbabalik. Epekto marahil ng la*on na puma*ok sa kaniyang katawan. Sa mga comment section, ipapakita ko ang kaniyang larawan pati na ang unang beses na siya ay muling kumain. Yes, nakakain na po si Negro at bahagyang bumalik ang lakas. ibinubudbod ang Kremizin powder sa kaniyang pagkain.

Hindi siya makakasurvive ng ganito kundi dahil sa tulong ng Diyos at malasakit ninyo. Hindi ko ito kaya mag isa. Kaya maraming salamat sa lahat ng nag donate para kay Negro.
Itutuloy ko ang pagpapainom ng gamot kay Negro pati na ang pa swero kung kinakailangan pa. (dehydrated pa rin kasi). Ibibili ko din siya ng sarili niyang kulungan. Hindi ko na siya maaring ilabas muli ng kalsada. baka maulit na siya ay lasunin pa.
Kaya sa inyo mga ka furrparent, maraming salamat sa tulong ninyo.

Ang tawag ko sa kaniya ay Negro. Isa sa mga stray cat na pinapakain ko sa labas ng aming bahay. Natagpuan ko siyang nakabalot na sa isang selyadong trashbag. Nabalitaan ko kasi early morning kahapon na may patay na pusa sa kalsada. Itim. Agad kong naisip na baka si Negro iyon. Pero selyado na ang plastic. Sa kagustuhan kong makita siya at matiyak ang cause of death, sinira ko ang trash bag. Nakita ko si Negro na naghihingalo. Buhay pa pero nakabalot na sa plastic. Puno ng laway ang bibig. Doon din agad naglapitan ang ibang bata upang ibalita na may iba pang pusa na namatay na. Kilala ko ang mga pusang nala*on. Nila*on ng walangya naming kapitbahay. At kahit bawal ako ma stress dahil sa katatapos kong surgery, di ko mapigilan maiyak sa pangyayaring ito.
Maari nyo ba akong tulungan na madala at mapagamot sa vet si Negro? Maliit mang halaga ay aking ipagpapasalamat sa inyo. Negro is still fighting. Please let us help him. 💔🙏🙏🙏

Evangeline M.
Gcash # 09363811409

28/10/2023

Please, PLEASE, please help a stray or feral community cat IMMEDIATELY - don't wait! There is no need to befriend a community cat before helping that cat, or you'll have more cats before you know it.

Call a low-cost clinic to make an appointment right away as many don't have appointments for weeks.

About 2 weeks before your appointment, rent or borrow a humane trap so you can trap the kitty, get it scanned for a microchip, and spayed/neutered and vaccinated as a starting point!!

If you have the means and ability to secure and help get the kitty ready for a home, do that AFTER it's been fixed. 😻

24/10/2023

Address

Tugatog
Malabon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cats of Tugatog Malabon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share