24/12/2022
Thamk woo, Mommy Shelby! 💜💛
While I was cleaning the kennel to Lady Gaga’s Poker Face song, nainis ako kasi nagstop bigla Spotify ko. Unknown number na naman! Ke aga-aga ng simula ng shift ng mga scammer na ‘to! Wala ba silang Christmas break? Pagsagot ko, nawala bigla ang aking pagka inis. Si kuya rider pala me hinatid na pamasko for me!
Dali-dali kong binuksan yung box pero nainis na naman ako kase parang ayaw yatang pabuksan sa akin yung box. Dapt daw po kasing punitin ang wrapper sa mga gifts na matatanggap mo. But no worries, nakita ko yung grooming scissors ng mga dogs ko. Bad idea pero bahala na. Cut! Cut! Cut! Finally, na open ko na yung box.
Hala! Chicken Magic Topper, Chicken Liver, Hound Flask at isang balahibo (🤣) ang nasa loob ng box. Ano ‘to? Pangsahog ko sa veggie salad na gagawin ko mamaya? Baka ‘tong Hound Flask is for me tapos me paglalagyan ako sa pichi-piching snacks ko sa bottom tapos no need na for me to open the container kase I will just have to open a small lid for the water to come out tapos direcho inom na ako sa still cold water. Teka nga! Hindi naman pala rin para sa akin ‘to. It has Shelby’s name engraved! 😲😲😲
Enough na sa drama! 🤣
Thank you to Barktastic Treats Treats for these wonderful goodies that we got just in time for Christmas. It was indeed wrapped properly as all the items arrived without dents or was the glass destroyed. We will definitely enjoy using the hound flask in our laag-laag (gala2). My Shelby enjoyed the chicken liver, nagtago agad pagkakuha nya. The topper will have to try later with Faith (our very picky adopted Yorkie). Kung ayaw nya, ako gagamit! 🤣
For the balahibo, a heartwarming sight. It goes to show your love and appreciation for your furbabies to always include them kung pwede sa lahat ng mga ginagawa mo. I can definitely relate in that aspect since ang mga Macramé projects ko sometimes me stray balahibo nasasali sa mga knots ko.
Thank you, JC & Aiko!
Have a Merry Christmas and a Happy New Year! 🐶🐶🐶🐾🎉