03/08/2022
"hindi ako gagalaw nang wala ka tol"
yan yung mga linyahe nang mga masbata sa atin,
kapag magaapply sa trabaho aayain ang kaibigan upang makasama,
ngunit kapag hindi nakuha ang tropa ay hindi na rin tutuloy!!
klasmayt sobrang maling mindset sobrang mali,
pero pinagdaanan ko rin yan, dahil akala ko ganun ang buhay,
and then suddenly natutunan ko,
dapat pala ako nalang magisa,
dapat pala tumuloy ako kahit wala siya,
kaya ikaw klasmayt kung gusto mo gumanda buhay mo, matutunan mong mabuhay o gumalaw nang walang permiso nang iba!
maging "risk taker ka nang sarili mo"
maraming tao o maraming pilipino ang duwag o takot lumaban nang magisa,
dahil akala nila dapat sama-sama tayo at walang maghihiwalay,
walang ganun klasmayt sa kanta lang mayron nyan,
baka mali lang pananaw mo sa pakikipag kaibigan,
tandaan mo ang kaibigan ay kasangkapan mo upang umasenso ka o umangat ka,
yan lang oo yan lang,
kung hindi na sya worth it sa panibagong yugto nang buhay mo hayaan mo siyang mawala,
dahil may bagong instrumento ang diyos na darting sayo, upang maging kaibigan mo maging gabay mo,
kaya wag kang manghinayang mawalan nang kaibigan "ngaun"
dahil may papalit at papalit sa buhay mo,
kaya lumaban ka sa sarili mo may kaibigan ka man o wala,
dahil ang istorya nang buhay mo ay ikaw lang ikaw oo ikaw lang,
yung mga kaibigan mo pangpaganda lang nang kulay mo,
diba? kung gusto mo umasenso gumalaw ka, kahit hindi sila sumang-ayon!
ps: ang kaibigan part nang buhay mo kung saan sila yung makakarinig nang iyak at tawa mo, hindi sila required makasama mo sa panibagong yugto nang buhay mo, kung hindi angkop ang ambag nila sa buhay mo, matutunan mo silang hayaan mawala dahil hindi na sila ang kaibigang makakatulong sa pagangat, pero babalikan mo parin yung mga magagandang alaala nyo, pero tanggap nyo lang na maghihiwalay din kayo,
ayeeee ayeeeee
nasaaaaan na yung mga kaibigan ko noon,
at welcome sa mga bago ngayon!