21/09/2025
๐ผ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐ข๐๐ ๐๐ฎ ๐ฅ๐๐๐ ๐ช๐ฃ๐จ๐๐ฃ๐ฉ๐.
Ang pagnanakaw ng mga politikong sakim ay mas matindi pa sa dulot ng rabies. Habang ang rabies ay kumikitil ng buhay, ang korapsyon ay pumapatay sa mga pangarap. Sa bawat pondo na ninakaw, buhay ang nasisira. Sa bawat desisyon na nabahiran ng katiwalian, kinabukasan natin ang naglalaho. Ito ang sakit na hindi lang natin nararanasan, kundi minamana pa ng mga susunod na henerasyon.
Ang pagiging "buwaya" ay hindi sakit na nadadaan sa gamot, kundi isang karamdaman ng sistema na kailangan ng isang malalim at seryosong lunas. Ang bakunang ito ay hindi sa isang tao, kundi sa buong sistema. Kailangan natin ng "katapatan" at "hustisya" na siyang magiging panlaban sa matinding korapsyon.
Huwag tayong maging bulag sa katotohanan. Ang Veterinary Student Achieversโ Society - PSAU Chapter ay buong pusong nakikiisa sa panawagang ito. Ang paglaban sa korapsyon ay hindi trabaho ng iilan, kundi responsibilidad ng bawat isa sa atin. Panahon na para managot ang mga korap at magsimula ng bagong kabanata.