31/01/2023
ANO ANG MGA KATANGIAN NG DARK FOWL?
Blacks, brownreds -- mabilis maliksi, agresibo at matalas ang instinct at reflexes.
Tandaan natin na dapat ang isang bloodline ay may katumbas na bloodline standards, o mga katangian na dapat taglay ng linyada.
Halimbawa ay ang kulay.
Ang kulay ay hindi para pangungulay lang. Para sa mga seryoso na breeders, ito'y may kinalalaman sa katangian sa pakipaglaban at nagagamit sa pagpapagaling ng palahi.
Oo. Dahil ang kulay at laro ay parehong bahagi ng bloodline virtues o mga birtud ng linyada.
Ito ay hindi palaging nasusunod sa gamefowl breeding. Pero, sa totoong pagpapalahi, dapat ang isang linyada ay may mga naitakdang katangian, o bloodline standards.
Kasama dito ang phenotype -- laki, tangkad, body structure, hugis ng palong, kulay ng paa, kulay ng balahibo -- at mga katangian sa pakipaglaban.
Halimbawa dapat ang hatch ay p**a, dark legged, straight comb. Medium to low station. Tapos matapang, matibay, malakas pumalo. Yan ang characteristics ng tipikal na hatch.
Ang tipikal na roundhead naman ay p**a, light legged, peacomb. Medium to high station. At maingat, angat at mahinahon sa pakipaglaban.
Samantalang ang mga itim ay mabibilis, maliksi at agresibo.
Maari rin kasing ang kulay, bilang likas na katangian, ay may genetic na kaugnayan sa mga likas din na katangian na magagamit sa pakipaglaban. ( Saan naaugnay ang itim? Alamin. Click ✅... https://www.facebook.com/105009321776494/posts/181742824103143/ )
Baka pa nga ito ang dahilan na naitakda ang kulay at katumbas sa katangian sa pakipaglaban, kaya nagkasama sa bloodline standards.
Kung tipikal o nasusunod ang standards, magagamit ng breeder ang kulay bilang batayan o panempla kung ano ang laro na gusto niya.
*** *** ***
MANTRA-- Manok Tradisyon: Ibalik natin ang tradisiyon na ambag sa food production. Hindi bisyo, walang komersiyalismo.
[ PRESIDENTIAL DECREE NO. 449, May 09, 1974 ]
C**KFIGHTING LAW OF 1974 states: . . , it (c**kfighting) should neither be exploited as an object of commercialism or business enterprise, nor made a tool of uncontrolled gambling, but more as a vehicle for the preservation and perpetuation of native Filipino heritage and thereby enhance our national identity.
*** *** ***
Photo: Posted on fb by Long Grove Eggs Heritage