09/07/2021
Mga friends, ngayon ang 10th birthday ng amo naming si Coco pero akala namin noon hindi na sya aabot.
Ang ay isang awareness post lalo sa mga furents, kaya mahaba haba ito.
Last May napansin namin na medyo matamlay at laging nasa sulok si Coco. One time napansin din namin umiikot lang sya ng umiikot, same pattern. Nagpeak ang pag-alala namin nung napansin namin na umiiyak siya kahit konting galaw o hawak sa kanya. Minsan palang kasi namin siya narinig na umiyak dahil sa sakit, kaya alam namin na talagang nasasaktan siya, ang malala hindi naman namin siya matanong kung bakit.
Ang hinala namin baka stroke o kaya IVDD kasi very prone ang dachshund at mga pandak na dogs sa spinal injuries. Nakakapanic talaga ang mga nabasa namin online kasi ang risk of recovery lalo sa mga senior dogs ay mababa. Pero ang ikinaganda ng research ay may nahanap kaming similar case from Sassy, isang rescue dog ng Save All, thanks to Ms Desiree Carlos. Tama nga ang hinala namin na spine related ang sakit niya pero kahit papaano gumaan ang loob namin kasi nakarecover si Sassy at may pag-asa si Coco!
Diagnosis:
Nalaman namin na may Vet na nagsspecialize sa spine injuries and therapy - Dra Siday of VIP White Plains, kaya nagpaschedule kami agad sa kanya. Ang challenge lang eh may waiting period pala kaya dinala na muna namin si Coco sa VIP Alabang for initial consultation thru Dra Steph. Kinakabahan talaga kami habang inaantay ang x-ray results niya, nag-aalala din kami kasi mag-isa lang siya since limited ang pinapapasok sa loob ng clinic. After a few hours pinatawag na kami ng Vet at binasa ang x-ray results, may multiple ventral si Coco. Parang arthritis pero sa spine kung saan may tumutubong bone spurs sa dulo ng mga vertebral bones, pag malala nagfform pa ng bridge, so pag gumagalaw siya tumatama sa mga nerves kaya sobrang sakit, eh multiple pa kaya bawat galaw niya talagang masakit. Common daw ito sa mga senior dogs and minsan nagdedevelop sa ibang dogs pero walang symptoms, malas nalang ni Coco.
Road to Recovery Part 1:
Upon diagnosis, nagreseta na si Dra Steph ng Prednisone for pain at Synoquin bilang lifetime joint supplement niya, senior na talaga at may maintenance meds na. Aside from meds ay kailangan ng therapy ni Coco kaya finally natuloy na ang consultation namin kay Dra Siday kung saan nagreco siya ng ultrasound therapy at least 2 times for 2 weeks. Pinagddiet na din siya kasi nga mataba, daily warm compress at light exercises. Aside from that, dinagdagan pa namin ng massage therapy gamit ang copaiba at frank oils for pain at anti-inflammation. Nakita namin ang improvement kay Coco, balik nanaman siya sa pagiging masigla at hindi na namin siya naririnig umiyak.
But wait there’s more:
After 2 weeks, napansin namin na balik tamlay nanaman si Coco. Patapos na kasi ang iniinom niyang pain reliever kaya unti-unti nanaman niyang nararamdaman lahat ng sakit. Mas malala siya ngayon kaysa dati kasi yung iyak niya sobrang lakas na at hindi na namin siya mahawakan kahit mayakap. Hindi na din siya naglalakad at laging nakahiga. Kahit kumakain siya nun ay umiiyak pa din siya kaya minsan hindi na niya nauubos yung pagkain niya. Eto na siguro yung pinakamasakit na panahon para sa amin kasi hindi namin alam if gumagana ba yung therapy at kung gagaling pa siya. Ayaw naman namin siya bigyan lang ng bigyan ng pain reliever kasi masama din yun para sa kanya.
Road to Recovery Part 2:
Bumalik na kami kay Dra Siday for follow-up check-up and nirecommend niya na ituloy lang yung ultrasound therapy for another 2 weeks. Naisip din namin magdagdag pa ng isang option kaya sinubukan namin yung laser therapy, yun kasi mas tumatagos sa buto. After a few days ng laser, ultrasound, massage at warm/cold compress nakita namin unti-unting may improvement kay Coco. Hindi na namin siya naririnig umiyak, at finally nagdidigging at nakakasiksik na siya uli sa unan. So far halos 1 month na siyang back to normal, wala ng iyak at hindi na stiff yung spinal area niya. 🙏🏽
Hindi pa tapos ang laban:
Ngayon, tuloy tuloy pa din kami sa laser therapy pero once a month nalang, ultrasound naman once a week at ang massage at warm compress everyday pa din. Kailangan na talaga namin siya idiet at iexercise at hanggang pagtanda niya ay karga karga na namin siya kasi bawal na akyat-baba sa hagdan at pagtalon. Madami na bawal kasi nga senior na siya pero ang mahalaga ngayon ay masaya, malusog at naparamdam namin na mahal namin siya.
Sobrang dami naming gusto pasalamatan - sa mga angels/doctors niya mula noon hanggang ngayon, sa mga staff ng mga clinic, sa pamilya namin para sa kanilang dasal at pagpapalakas ng loob, sa mga kaibigan na nangamusta at nag-alala, at sympre kay Coco kasi hindi siya nag-give up at lumaban siya kahit nahihirapan siya. Iba talaga si Coco, mula parvo, distemper, pyometra, natanggalan na ng spleen, gallbladder stones, nagkaroon pa siya burn sa balat from a previous procedure at ngayon naman spondylosis, hindi siya nag-give up at hindi din kami mag-ggive up kahit kailan.
Habang binibuo ko ang , andito siya sa tabi ko, nakasiksik, alam yata niya na siya ang bida. Hindi ko makakalimutan yung minsan after namin mag-cold compress sa kanya, nakita ko na parang naginhawaan siya at parang nagpapasalamat. Hindi man kami nagkakaintindihan sa salita pero alam ko alam niya na mahal na mahal namin siya at gagawin namin ang lahat para gumaling siya, kahit ano pang sakit yan.
Kaya para sa mga furents na dumadaan sa kahit na anong pagsubok gaya nito, huwag tayong mawawalan ng pag-asa. Iba-iba man ang maging ending ng ating mga istorya pero lagi nating iisipin na nagsisimula ang lahat sa pagmamahalan. Binuo namin ang para makatulong sa mga furents gaya ng tulong na nakuha namin sa isang post na nabasa namin. Hindi kayo nag-iisa. 🤍