17/03/2021
COMMON MISCONCEPTIONS ABOUT RABBITS (2)
1. Mapanghi ang ihi ng rabbits at mabaho ang dumi nito
Wala naman po atang mabangong ihi at dumi di ba po? Pero sa totoo lang po, di naman ganoon kabaho ang rabbitan. Pag-ikokompara po natin yung amoy ng rabbitan kaysa sa manokan, napakalayo po ang pinagkaiba. Bastat regular lang ang paglilinis mo sa paligid ng rabbitan lalong lalo na sa mga kulungan ay wala kang dapat iproblema.
2. Mabaho mismo ang rabbits
Sa mga hindi pa po nakakaalam, hindi po pinapaliguan ang rabbits dahil isa po sila sa mga malilinis na domestic animals sa mundo. Marunong po silang maglinis ng sarili nila kaya imposibleng babaho sila. Isang ra*on na talagang babaho po sila ay kung ang kulungan niyo po ay walang butas ang sahig na magiging sanhi ng pagkaipon ng kanilang dumi't ihi. Kaya dapat may butas talaga ang flooring ng cage ninyo. Mas okay kung maliliit lang ang butas para hindi masusugatan at masasaktan ang paa ng alaga ninyo.
3. Nangangagat ang rabbits
Lahat naman ata ng hayop nangangagat pero sa case ng rabbits, nangangagat lang po sila pag may ra*on gaya ng stress, buntis, o naiirita sila. Pero ang mga sinasabing nangangagat ang rabbit ay hindi po totoo yun dahil sila ay isa sa mga napakaamong hayop.
4. Maingay ang rabbits
Hindi po sila lumilikha ng sariling ingay di gaya ng a*o at pusa. Maririnig mo lang yung ingay nila pag nasa piligro sila na tinatawag nating "cry of death".
For more rabbit keeping ideas please follow our page La Casa de Kuneho β€οΈ