07/02/2022
🤔What is the PERFECT ENVIRONMENT for birds?
✔Dapat:
- No stress
- Provides appropriate diet
- Not crowded
- Not given drugs
- Do not contract infection or metabolic diseases
- Clean
E wala namang ganon kapag domesticated ang bird di ba? 🤦♂️
This is why malaking tulong ang Probiotics para ma-maintain ang health the ating mga ibon para sa mga ganitong sitwasyon:
1) Bago at pagkatapos ng nakaka-stress na sitwasyon
Kapag stressed ang mga ibon, nagugulo ang balance ng bacteria sa gut nila at unang natatalo ang mga good bacteria. Dahil dito, mas dumadami ang mga disease-causing bacterias kaya sila nagkakasakit.
2) Habang nagbi-Breeding and Molting
Nababawasan ang lakas ng mga ibon sa mga panahong ito. Less energy, mas prone sa sakit.
3) Pagkatapos painumin ng antibiotic
Namamatay ang mga good bacteria sa karamihan ng antibiotics na pinapainom sa mga ibon. Kaya pagkatapos ng gamutan, malaking tulong ang pagpapainom ng probiotics para maibalik ang bacterial balance sa kanilang tyan.
4) After Fledging
Mas maiiwasan ang mga sakit kung papainumin ng probiotics habang unti-unting winawalay ang mga inakay sa inahin hanggang sa kaya na nilang maging independent.
Kaya give your birds Probiotics. Makakatulong ito sa pag-balance ng intestinal bacteria para sa healthy immune system at maiwasan ang common diseases, diarrhea, constipation, and infections of the digestive tract.
Katulad ng vitamins, probiotics are designed to support the general health and well-being, pero may pagkakaiba ito sa vitamins in important ways. Unlike vitamins, probiotics are living organisms.