19/06/2024
So meron tayong dalawang stages of egg incubation: setting and hatching.
Setting occurs from the day 1 to day 18. Dito nabubuo ang sisiw mula sa egg yolk.
Sa setting stage pa lang, dapat consistent ang temperature ng incubator mo dahil dito nakasalalay ang embryonic development ng mga sisiw mo. Kapag sobrang baba ng temperature, hindi magdedevelop ang sisiw. Kapag nag-overheat naman, maluluto ang sisiw at mamamatay ito.
Dito rin iniikot ang mga itlog kada oras para hindi dumikit sa eggshell ang namumuong sisiw.
Dapat din mababa ang humidity dahil dito nakasalalay ang development ng lungs ng mga sisiw mo. Kapag masyadong mataas ang humidity, hindi magdedevelop nang maayos ang lungs ng mga sisiw at hindi sila makakahinga nang maayos sa hatching stage. Reresulta lang ito sa mababang hatch rate at underdeveloped chicks.
Hatching occurs naman from day 18 to 21. Bakit hanggang 21 days lang? Dahil pag di pa pumisa ang sisiw mula sa eggshell niya, ibig sabihin ay di niya kinayang mag-hatch mag-isa. Maaaring underdeveloped ang sisiw, o masyadong makunat ang eggshell kaya di niya kinayang butasin mag-isa.
Sa hatching stage, dapat mataas na ang humidity ng incubator mo para tumaas din ang moisture ng eggshell at maging malambot. Pag lumambot na ang eggshell, kakayanin na ng sisiw mag-hatch mag-isa.
Importante na dapat kayang kontrolin ng incubator mo ang temperature at humidity ng mga sinalang mong itlog sa loob. Ngunit, di lang nagtatapos sa dalawang factors na yan ang requirements for healthy chick development. Isama mo na diyan ang tamang airflow para makahinga ang itlog mo (hahaha), ventilation system para makaiwas sa overheating at overhumidity, egg turning system, regular disinfection, at iba pa.
Kaya namin ginawa ang Elite Series Incubators para sagutin ang lahat ng problemang yan ng mga breeders.
Dahil sa Elite Series Incubators, nakakaabot kami ng 98% hatch rate kahit libo-libong sisiw pa ang hinahatch. ๐ฃ
Kaya ano pang hinihintay mo? PM ka na! ๐ฉ