12/04/2021
https://www.facebook.com/CarlRabbitry/photos/a.110228023923000/113844390228030/?type=3&app=fbl
The Rabbit Caring Guide with updates
Basic terminologies:
Buck/Sire- male
Doe/Dam- female
Kits-baby rabbits
Kindling-panganganak
Litters-dami ng anak
Weaning-pagwawalay
Ano nga ba ang mga kinakain ng kuneho?
Commercial Pellets:
-Bantrade, integra 3000, Gmp3
Grasses and Leaves:
- Napier grass, paragis, Guinea grass, Paragrass, Star grass, talahib
-Madre de Agua leaves, Mulberry leaves, Banana leaves,Malunggay
-Hay/tuyong damo
-Tubig
PROPER FEEDING:
-Ang pagpapakain ng pellets ay sa umaga at hapon lamang sa daming 40grams sa palakihin at 70 grams sa lactating/nagpapasuso
-Unli grass at hay sa buong araw upang maging balanse ang kanilang kinakain
-Mahalaga na panatilihing may inuming tubig ang rabbits
-Maaring magbigay ng prutas gaya ng saging,mansanas,mangga,grapes,strawberry atbp. ngunit ibigay lng ito as treats sa knila at small amout lng dpat at siguraduhing natanggal ang buto nito
-Ang ihi ng rabbits ay nakadepende sa kinakain nla kaya no need to worry kpag napansin nyo na iba ang kulay ng ihi nla madalas p**a ito kung talahib o kaya ay dahon ng saging ang pinakain mo, puti naman kung high in calcium tulad ng super napier
Natural Vitamins for Rabbits:
-FERMENTED OREGANO- makakatulong pra makaiwas cla sa sipon at iba pang sakit. Maghanda lamang ng magkasing daming amount ng fresh oregano na hiniwa at molases/pulot at ilagay ito sa isang container na may takip at takpan ng mabuti at antayin maferment ng 1-2 weeks at pede nh ipainom sa mga rabbits naten. Paalala:huwag lalagyan ng tubig habang pineferment hayaan lamang na ang molases at oregano lng ang nakalagay sa container
-Maari din ipakain ang fresh oregano sa knila. Magbigay lamang ng isang dahon ng fresh oregano araw araw
APPLE CIDER VINEGAR- maraming pakinabang ang ACV sa rabbits in terms of their health lalo na sa fertility ng mga breeding doe. Sa isang galon ng tubig maglagay lamang ng 2-3 tbsp ng ACV at haluin at pede na ipainom sa kanila
Mga Pagkaing dapat bantayan:
-KANGKONG- ang kangkong ay nagtataglay ng high water content na maaring magsanhi ng diarrhea sa kanila
-maaring ipakain ang kangkong at camote tops basta kpag pinitas ngaun bukas na ng hapon ipakain upang malanta na at mabawasan ang sobrang tubig nito
-CARROTS- ang carrots ay nagtataglay ng high sugar content na maaring makasama sa kanila ang ipakain na lamang ay ang dahon ng carrots
- CABBAGE AND LETTUCE-maari clang magkaroon ng diarrhea at GI stasis kpag pinakain cla nito
-DAHON NG IPIL-IPIL- iwasang magpakain ng marami nito lalo na sa mga breeding bucks dahil maaring magresulta ng pagiging impotent/pagkabaog ng mga bucks naten. Ginagamit ang dahon nito bilang pampurga sa mga alagang rabbit.
Pinapaliguan ba ang rabbit?
-Oo, Ngunit, paliguan lamang na parang nagpapaligo ng manok, hilamusan lamang. Maaring magkasakit ang rabbit kpag pinaliguan ng matagal ng tulad sa a*o. akala natin mabuti sa knila pero hndi natin alam isa ito sa pinaka ayaw nla. Maaring ring punasan nlang ng basang tela dahil ang rabbit ay parang pusa sanay silang maglinis ng sarili nila
CAGES
-all wired cage
- flooring- 1/2 x 1/2 welded wire
-sidings- 1 x 1 welded wire
-Cage size must be 2ft x 2 ft x 1ft (depende sa breed)
Ilagay ang rabbit cage sa malilim na lugar gaya ng ilalim ng puno o igawa sila ng sariling housing upang maprotektahan sila sa init at sa ulan
Ano gagawin kapag may sintomas ng heat stroke?
-karaniwang sintomas ng heat stroke ay ang biglang nagseizures/pangingisay o kaya bglang panghihina ng rabbit
- ang first aid ay punasan ng basang tela ang bandang tenga at batok o kaya nman ay ibalot ito sa tela upang mabawasan ang high temperature nito at ilagay sila sa malamig na lugar
Ano gagawin kpag nag diarrhea?
-ang sintomas ng diarrhea ay ang bglang paglambot ng dumi at malamig ang tenga ibig sabihin nadehydrate na sya
Magpakain ng dahon ng caimito o kaya ilaga at ipainom ito
-alisin ang pellets at magpakain lamang ng hay at air dried na grasses
Kapag ayaw uminom ay kumuha ng syringe alisin ang needle at iforce ng ipainom sa knya
-maglagay din ng dextrose powder o kaya pedialyte pra hndi sila madehydrate
Ano gagawin kapag may mange/mites/galis??
-magpahid ng virgin coconut oil, pinaglangisan ng niyog o kaya cooking oil sa infected area
Maari din magdikdik ng dahon ng madre de cacao at ipahid ito sa infected area
Kpag ayaw gumaling ay maaring magpainom ng ivermectin powder o kaya mag inject ng ivermectin pero consult expert pra sa proper dosage ng gamot
Kapag over grown ang ngipin at kuko ano gagawin??
-ang pagkakaroon ng overgrown teeth ay dahil sa pellets na kinakain nla kaya mainam na magbigay ng mga damo o kaya mga sanga ng puno gaya ng malunggay
-palagiang itrim ito pra sa kaligtasan ng bunnies at pra na din sa atin
Nakagat ako ng rabbit may rabies ba sila??
-ang rabbit ay hindi nagtataglay ng rabies dahil domesticated animals sila at all natural ang kinakain nla di gaya ng ibang pets
-hugasan lamang mabuti ang parte na nakagat
FYI:
Rabbits are not a family of rodents they are family of leporids same with hare
Breeding/Mating:
1. Ang rabbit ay nagmamature pagtungtong ng 5-6 months,ibig sabihin pede na silang magbuntis
2. Ang doe ang dadalin sa cage ng buck dahil teritorial ang rabbit kpag ang buck ang inilagay sa cage ng doe ay aawayin nya ito at hndi magmate ang dlawa
3.Paano masasabing successful ang mating? Kpag ang buck ay sumampa sa doe at bgla syang tumumba at nakarinig ka ng sound at bgla syang pumadyak/stomping ibig sabihin successful sya
4. Dpat ay maka 3-5 times na successful sa araw din na un ay aalisin na ang buck sa doe
5. Ilista ang araw na naging successful ang mating at bumilang ng 30-35 days
6. Maglagay ng nestbox sa ika 25th day ng pregnancy upang maging handa ang doe sa gagawin nyang pagnesting
7. Mahalaga ang pagtatala ng araw kung kelan ang breeding,sino ang buck,sino ang doe, kailan ilalagay ang nestbox, kelan ang kindling, kelan ang weaning
8. Hindi advisable ang pagbreed ng magkapatid na rabbits dahil maari itong magresulta ng pagkakaroon ng deformities sa mga kits nito
9. Pwede ang mother and son, father and daughter
10. 1 buck 10 does ratio
FYI:
-Ang rabbit ay ang natatanging hayop na hndi naglalandi at tanging hayop na kayang magbuntis ng 2 sets of litters
-kailangan 1 rabbit 1 cage lamang dahil teritorial ang rabbit pagtungtong nla ng 3 months ay dpat paghiwalayin na sila dahil mag aaway ito at maaring magresulta sa pagkamatay ng isa sa kanila
-Ang average litter ng rabbits ay 5-8 kits
Kaunting Kaalaman:
The highest litters of a single rabbit doe is 24 kits and it came from the new zealand white breed on 1978 and followed by the year 1999 on the same breed
COMMON PROBLEMS ON MATING:
- may mga doe na ayaw magpamate. Ang dapat gawin ay paglayuin ang cage ng doe at buck kung magkatabi sila ng cage nula pagkabata upang maiba ang amoy ng doe at kapag isinama ay magpapamate na sya . Maari din na pagtabihin ang cage ng buck at doe kpag simula pagkabata plang ay magkalayo na sila upang masanay ang doe sa amoy ng buck
- kapag ayaw talagang magpabreed gawin ang force breeding maaring itaas ang buntot at alalayan ang doe upang maabot ng buck ang successful breeding
PREGNANT AND NEWLY BORN CARE:
- ang ideal weight pra magbuntis ang rabbit ay nsa 2.5-2.8 kilos lamang depende sa breed gaya ng new zealands
- ang rabbit ay nagbubuntis lamang sa loob ng 30-35 days
- ang rabbit ay magsisimulang magbunot ng fur at maghakot ng mga damo sa nestbox sa ika 28-30 days of pregnancy nla
-ang rabbit ay ipinapanganak ng wlang mga fur magsisimula lamang itong tumubo sa loob ng 3-5 days
-kpag nakaalis ng nestbox ang kits himasin lamang ang doe upang lumipat sa kamay naten ang amoy ng doe at ibalik na naten ang kits
-dahil nsanay na or domesticated na sa atin ang rabbits kahit hawakan naten ang kits nla ay okay lng hndi nman nla iaabandon ito pero practice pa din naten ung paghimas muna bago hawakan upang makasigurado tayo
Take note:
-Wag maglalagay ng damo sa loob ng nestbox, ilagay lamang ito sa tabi at hayaang ayusin at hakutin ng doe sa knyang nestbox"Mama knows best"
Common problems:
-may mga doe na hndi nanganganak sa nestbox kaya bago ilipat ang kits ay himasin mabuti ang doe para malipat ang amoy ng doe sa kamay naten
- may mga doe na hindi nagnenesting at nagbunot ng fur. Maaring mag gupit ng paper cuttings at mga hay at ilagay sa nestbox pra mainitan ang mga kits
-may mga doe na ayaw magpadede ng kits. Maaring iforce feed ang kits gawin lamang na hawakan ang doe habang nasa nestbox upang makadede ang mga kits ng maayos
-malalaman na nakadede ang kits kpag malaki ang tiyan at may puti sa loob nito
-may mga doe na mahina o walang gatas. Magpakain ng malunggay at tamang dami ng pellets at sapat na tubig
-siguraduhin na tahimik at malayo sa predators ang mga cage upang maiwasan ang pagkain ng mga doe sa kits nla dahil ang rabbit ay overprotective kpag may danger sa paligid inuunahan na nlang kainin ung kits nla bago pa kainin ng ibang predators
-sa loob lamang ng 30-35 days ay pede ng iwalay ang kits
-practice ang 70 days cycle. 30 days sa pregnancy 30 days sa lactating at 10 days na pahinga then breed na ulit ang doe
TAKE NOTE:
-Buy rabbits on breeders not on petshops,tiangge or sidewalk vendors dahil mas alam ng breeders lahat ng detalye ng rabbits na gusto mong bilhin at nakasisigurong ligtas sa ano mang sakit bago ito ibenta sa mga gustong maging bagong bunny parents
-Research muna bago mag alaga ng rabbits pra maibigay natin sa kanila ang tamang pag aalaga sa kanila at ugaliing magbasa at iapply ang mga natutunan mo kpag isa kanang bunny parents
For more Information
Please Like and Follow my Page 🐇
Credits to Justine De Leon for his initial post.