02/07/2019
Quick info πΆ
GUIDES FOR RABIES.
Hello po. As a medical professional, I just want to share my knowledge about rabies. Subukan ko po itagalog lahat para maintindihan ng nakararami. Marami na kasi ako nakikita, nababasa or nagtatanong about sa rabies. Hindi lahat pero karamihan o marami narin ako nababasa na nagbibigay ng kanya kanyang opinyon dito na mali. Kung nakagat daw ba sila ano ang gagawin? Kapag nakalmot may rabies ba?
First of all, ang rabies ay hindi innate or inborn. Ibig sabihin hindi lahat ng a*o pagkapanganak ay may rabies. Hindi lahat ng tuta ay may rabies. Hindi rin totoo na mas malakas ang rabies ng tuta kaysa sa adult na a*o. Ang rabies ay isang virus (Rhabdovirus). Magkakaroon lang ng rabies ang isang a*o kapag nakagat ito ng rabid na a*o, pusa, racoon, o paniki. Hindi totoo na sa maduming lugar tulad ng basurahan o bulok na pagkain nakukuha ang rabies.
Ang a*o na may rabies ay may taning na ang buhay na hindi lalagpas ng 2 weeks. Kaya namamatay ang a*o na may rabies dahil infected na siya ng virus at umakyat sa utak. Kaya nauulol ang a*o kapag may rabies dahil dito. Walang katotohanan yung kapag namatay ang a*o ay dahil nakakagat siya ng tao at nailipat rabies. Ang a*ong may rabies ay mamamatay at mamamatay kahit makakagat ng tao o hindi. Walang kinalaman ito sa pagkakagat sa tao.
Ano ang dapat gawin pag nakagat o nakalmot ng a*o? May rabies din ba ang kalmot? Pwede ba bawang sa rabies?
Alamin natin history ng a*o natin. Kapag alaga natin ang a*o at sa bahay lang at hindi a*ong gala, at nakagat o nakalmot dahil sa harutan, most likely wala itong rabies. Tulad ng sinabi ko hindi inborn ang rabies sa a*o at pag may rabies. Ang una dapat gawin ay hugasan at sabunin ang area ng nakagat para maiwasan ang infection. Infection o mikrobyo na maaring puma*ok sa sugat at hindi yung rabies. Kaya usually nagbibigay tayo ng vaccine na anti-tetanus. Yes may rabies din ang kalmot kapag may rabies ang a*o o pusa. Kaya may rabies ang kalmot hindi ito dahil sa kuko, dahil ito kapag dinidilaan ng a*o o pusa ang mga kamay niya. Hindi po macure ng bawang ang rabies. Walang katotohanan ito. Sa buni o an-an baka pwede pa haha.
Kailangan paba magpaturok ng para sa rabies pag nakagat o nakalmot a*o?
Itong sagot na ito ay fact or katotohanan lamang. Kapag ang a*o mo ay alaga mo, kilala mo magulang a*o at san galing, nasa bahay lang, hindi nakagat ng ibang a*o o pusa sa labas, lalo na kung may rabies vaccine, ang sagot ay HINDI na. Most likely walang rabies ang a*o mo. Ang kailangan lang ay anti-tetanus vaccine para iwas infection dahil sa sugat. Kapag Dr sa hayop o vet ang tatanungin at nakita o nasuri na healthy naman ang alagang a*o hindi narin niya ito irerequire. Pero walang masama kung duda ka at wala ka masyado alam sa rabies virus at gusto mo ng peace of mind. Natural lang na kapag pumunta ka saming mga doctor, ay isuggest na paturok first dose then observe a*o. Pag di namatay a*o no need to continue. Pero may mga doctor din na magtatanong about sa a*o kung alaga ba or paano nakagat, kung nauulol ba yung a*o at nangagat or nakagat dahil sa harutan. Yung iba anti-tetanus vaccine nalang. Pag nag insist yung patient wala naman problema kung gusto niya magpaturok para sa rabies. Kapag a*ong gala naman ang nakakagat sayo or sa labas ng bahay ka nakagat at hindi mo a*o, this is the time na dapat ka mag paturok para sa rabies and anti tetanus. Pag namatay a*o, kailangan kumpletuhin shots. Kailangan din madala yung a*o sa RITM. Pinuputol ang ulo nito at sinusuri ng mga specialista for confirmatory.
Inuulit ko po. Ang mga nabangit ko ay fact o katotohanan at base sa napagaralan at kaalaman ko. Nasa sainyo parin ang desisyon. Maraming salamat!
ctto