01/11/2022
Hi guys! Alam nyo na ba ang tamang pag aalaga ng Hamsters? Ngayon ating balikan muli ang mga paraan ng pag aalaga 🐹
Tamang Pag-aalaga sa mga Hamster
1. Mamili ng Angkop na Tirahan
- Ang isang alagang hamster ay nangangailangan ng isang lugar na komportable at may sapat na espasyo para sa kanya. Kailangan ding mag lagay ng mga LARUAN, TAGUAN, AT MAPAGLILIBANGAN ng iyong alaga. At pumili ng BEDDINGs na maaari nilang pagtaguan o hukayin dahil ito ang natural na behavior ng mga hamster , ang minimum deep ng lalim ay nasa 6-10 inches at pwede pa itong dagdagan. Dapat ring mag karoon ng Food Dish at water bowl sa loob para sa seedmixs and clean water source ang ating hamster.
2. Ilagay ang Tirahan sa Tamang Lugar
- Hindi maaaring ilagay sa kahit saang lugar lamang ang tahanan ng iyong alaga. Dahil ang isang hamster ay itinuturing na isang prey ng iba pang hayop. Sa madaling salita, ang paglalagay sa kanilang tahanan sa isang hindi ligtas na lugar ay maaari nilang ikamatay.
- Ilagay ang cage sa isang area ng bahay na malamig, malinis, walang direktang sikat ng araw, hindi maingay, hindi masyadong maliwanag at walang ibang hayop na maaring manggulo at mangain sakanila.
3. Maghintay ng Tamang Oras bago Sila Hawakan
- Ang paghawak sa alagang hamster ay hindi dapat na minamadali (lalo na kung bagong dating lamang). Dahil tulad ng pagkakaibigan, kailangan muna nilang magtiwala sa iyo bago mo sila hawakan. Kung hindi ay maaari ka nilang kagatin bilang defense mechanism at maari rin itong maging dahilan ng kanilang stress at Wild behavior.
4. Pakainin ng Tama
- Ang pagpapakain sa hamster ay binubuo ng ibat-ibang pagkain, dahil sila ay omnivores . Sila ay kumakain ng seeds, grains, nuts, plants, fruits, vegetables , insects at minsan cooked meat. Siguraduhing nakagawa muna ng research bago mag bigay ng mga ganto pag kain sa hamster or pwede ring bumili ng mga seedmix na ready made na para kainin ng mga hamster. Tandaan na dapat well balanced ang pag kain nila. Tulad ng pag tingin sa tamang percentage fiber, fat and protein.
5. Linisin ang Kanilang Cage .
- Nararapat ding linisin natin ang cage ng ating mga hamster , para mapanatili ang malinis, ligtas at malayo sa mga sakit na environment. Maiiwasan din nito ang mababong amoy ng cage. Ngunit sensitibo ang pag lilinis nang cage dahil maaring masira ang bahay at amoy kanilang inilagay na mag cau-cause ng stress sakanila. Narito ang mga paraan ng pag lilinis ng cage para mabawasan ang risk or sobrang stress.
a. Spot cleaning, ito ay ginagawa tuwing kada dalawang lingo or kada buwan . Ito ay pag lilinis lang ng mga part na sobranv dumi na. Dito kukunin lang ang mga beddings na naihian, area na p**o poops at area na madaming bulok na food. Sinasala din dito ang sandbath para matanggal anv mga namuo dahil sa ihi at mga poops at beddings na nahalo.
b. Linisin ang food dish at water bowl/ bottle araw - araw para maiwasan ang pag laki o dami ng bilang ng bacteria na masama sa kanilang kalusugan.
c. Palitan ng bedding depende sa laki ng cage. Kung ikaw ay may 100L pataas , maaring mag palit ng beddings kada 6 months or 1 year.
: Mahalagang magkaroon ng malaking cage para mailagay lahat ng pangangailangan ng hamster, bukod doon ito rin ay makakatulong sakanilang mental health at behavior dahil sa bibigay ang malaking space na dapat talagang meron sila tulad sa wild life. Makakatulong rin ito sayo bilabg owner na ma lessen ang pag lilinis " the bu**er size, lesser cleaning and happy hamster"
6. Maglaan ng Oras sa Pag-aalaga
- Isa sa mga pinakamahalagang bagay sa pag-aalaga ng hamster ay ang paglalaan ng oras dito. Ito ay para mapanatiling sila ay ligtas at naasikaso.
Sana may natotohan ka mula saamin, maraming salamat 🐹
: Just message the page if you have concerns about your hamster. You can also join to our Messenger Group Chat to share your thoughts and experience . Enjoy the interaction to our members and admins🐹