03/07/2023
Yes, we did SPEND for the ads for our pups. And yes, wla nga kayong paki-alam kung nag-ads kami.
Pero FYI sa mga tao jan na nagagalit kasi pina-followup ko sa PM, it's because NAGBABAYAD po kami sa ads. Yung average cost per message is 15 pesos, and 45 pesos per average call nyo sa number namin. Sabihin nyo "ang liit naman nyan tapos nagagalit ka"... eh try mo kaya i-multiply yan sa 104 ka tao na mag-memessage, tapos yan lahat katulad mo na hindi serioso bumili -- na-cu-cutan lang or what we call you as "tirekickers".
More than 4,000 pesos napo gastos namin sa ads, konting respeto naman kasi pera po namin ginagamit.
Merong malaking "Message only if you're SERIOUS" na sign sa ads namin. Kung wlang kayong budget, eh hindi kayo serioso. Eh ang mura-mura na ng 15,000 for a doberman puppy. At hindi po kami magsasayang ng pera para sa ads, if you think na ibebenta lang namin ng 2k or 5k or 8k.
Completo po at on-time ang vaccine nyan, may signature from licensed Vets, ina-alagaan ng maayos -- HINDI po kami na-cu-cut ng corners -- limang araw WALANG TULOG, araw-araw NAGSASAKRIPISYO. To be honest, yang 15k na halaga, KULANG pa yan sa gastos, pagod at puyat. Yung parents, pinapa-DNA test namin yan (13,000 pesos each dog) so that we can select the right dogs para hindi sakitin yung puppies na binebenta namin. Ino-offer pa nga namin, FREE yung delivery.
Pag ibang breed, gumagastos kayo hanggang 20k ok lang, hindi pa tumatawad, tapos babaratin mo kaming mga Doberman breeders?
Tapos kayo pa tong may ganang magalit, kesho feeling nyo pinipilit namin sa inyo na bilhin yung mga tuta namin???
Ang sa amin lang:
Yung message button sa ads namin para lang yan sa mga serioso'ng bumibili.
Kung di mo pa gets:
Kung wala kang budget at hindi ka serioso, wag kayong mag message sa ads namin, dahil binabayaran namin yan.
Tapos, ni-re-reason out nyo na ilagay yung price at location -- ang LAKI po ng CELL NUMBER namin jan sa ads. Kung serioso kayo, like nung isang bumili ng GrayBoy namin, you will go the extend of calling us; TUMAWAG talaga sya at sya pa kumuha ng puppy kahit nasa Davao sya... YAN ANG TOTOONG SERIOSO!
Tapos kayo pa tong may ganang ma-offend??? LUH, MAHIYA NAMAN KAYO...
Ewan ko ba, pwde naman mag comment kayo sa ads, or mag message kayo directly sa page namin, same lang din naman yan resulta nyan at wala kaming babayaran.
Sabagay hindi nyo naman siguro alam na nagbabayad kami sa ads, but instead of saying sorry kasi di nyo alam, or saying to us na "pass muna", eh iniwanan nyo ang conversation sa ere, matapos nyong magtanong ng tanong, yung iba nga jan request ng request ng pictures eh hindi naman basihan sa quality yang pictures.
Hindi po negosyo tong breeding namin, just FYI... Yung 15,000 nyo, one day ko lang makukuha yan sa real life trabaho ko, kaya wag kayong umasta na parang utang pa namin na nagmemessage kayo sa amin.
Nakaka-bwisit kayo! Di ko nalang isasali yung ibang pm jan, basin maulawan pa unya mo.