12/09/2021
DAY 1 RESCUING SINDALAN DOG
Isang Fur Mum ang nakisuyo para sa isang a*o sa Sindalan, San Fernando, Pampanga upang mairescue. Natrap daw po ito sa bug wire at nagkasugat sugat ang kanyang bibig, dahil dito lumaki ang trauma ng a*o. Sa kabutihang palad ay nakawala dito sa pagkakatrap. Agad naman akong remusponde kahit na umuulan nung araw na yon. Naghabulan kami ng a*o sa ulan, natatakot na talaga ito sa tao baka ano nanaman ang mangyare sakanya dahil sa traumang inabot ng Sindalan dog. Umuwi po kaming malungkot sa araw na yon dahil hindi namin siya nakuha.
DAY 2
Nagpunta po ulit kami sa Sindalan, San Fernando , Pampanga upang subukan ulit na marescue ang Sindalan Dog. Napagalaman po namin na nasa isang bahay po ang a*o, tintrap po namin siya doon at nakuhang naitali ngunit hindi ito naging madali dahil nagagalit talaga ito. Nang maitali na namin siya at pinagrelax po namin siya, pero bigla nanaman po itong bumangon at nagwala ulit. Hanggang sa pinalis po kami doon sa bahay dahil naingayan po ang mga tao doon po nagwala lalo ang a*o at nakawala sa pagkakatali. Sinubukan po namin siya ulit na makuha siya ngunit matalino po ang Sindalan Dog. Tinatakbuhan niya po kami at nagtatago. Umuwi nanaman po kaming malungkot dahil hindi namin siya makuha. Sinabihan narin namin ang mga tao na huwag itong gagalawin dahil babalikan namin ito.
DAY 3
Sa pagkakataon po na ito, may nakasama po akong isang rescuer din. Ngunit hindi din po naging matagumpay dahil kulang po talaga sa gamit at tao para makuha ang a*o. Malaking trauma po talaga ang naidulot sa pagkakatrap niya sa bug wire. Kinakatakutan na rin po ito ng mga tao doon dahil ngangagat daw po ito. May tatlo pa pong a*o doon na kasama ng Sindalan Dog. Yung isang puting a*o sa kabutihang palad ay narescue namin.
Humihingi po kami ng tulong, sa mga gusto pong magdonate kahit magkano lang po para po makabili ng mga gamit para makuha po itong a*o. Kung saan saan na po kami lumapit para matulungan kaming makuha ito dahil kulang kami sa gamit pero wala pong rumerespunde sa samin. Sana po matulungan niyo po kaming makuha ang tatlo pang a*o sa Sindalan, San Fernando Pampanga
Sa mga gusto po magdonate eto po gcash number namin.
Chyrell P. Manansala
09369678233