07/09/2021
Ang pangyayaring yun sa Purok Riverside sa Brgy Mayao Castillo noong September 24, 2020 ay syang ginamit ng City Agriculture office upang mag implement ng โDepopulation planโ sa katabing purok ng barangay at ito ay ang Purok Matahimik. Kung saan ipinatawag ng City Agriculture personnel at Quezon Provincial Veterinary Office ang mga pig raisers ng Purok Matahimik noobg ika-2 ng October 2020 uoang sabihin na kukumpiskahin ang mga baboy nila sa Lunes October 5, 2020 at nangyari nga ito, mahigit tatlumpong (30) kabahayan (household) sa Purok Matahimik ang pina*ok nila, kinuryente ang mga baboy na wala namang sakit at inilibing sa lupa gamit ang BACKHOE, bagay na ayon sa City Agriculture Office ay DEPOPULATION program or CULLING ( unproductive) upang hindi lumaganap ang African Swine Fever (ASF).
Linawin ko lang po na ang salitang DEPOPULATION sa termino ng programa na ASF control ay hindi nangangahulugan na sapilitang kukuhain ang inyong alagang baboy lalo paโt walang sintomas ng sakit. Ang gawaing DEPOPULATION ay pagbibigay payo lamang sa mga hog raisers (pig raisers) na huwag na munang mag parami ( actively increase their hog population) ng baboy sa mga lugar ng deklaradong may ka*o ng African Swine Fever batay o ayon sa Laboratory Confirmation na isinagawa ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa Department of Agriculture sa Quezon City, ibig pong sabihin, kelangan muna kumuha ng blood sample at isumite sa BAI for confirmation. Pag po hndi ganito ang pagkuha ng inyong mga alagang baboy calls for violation of our constitution which states, โNo person shall be deprived of life, liberty or propery without due process of law, nor any person be denied the equal protection of the law.โ
Ang mga baboy po nating alaga ay inyong tuwirang โpropertyโ o pag-aari, kaya hndi nila pwedeng kumpiskahin lalo paโt walang proper court order or malinaw na patunay na itoโy maaring mag dulot o magpalaganap ng anumang sakit.
Kahapon po, Sept 6, 2021, sa programa ni Manong Nick Pedro (Bandilyo), ay tinalakay niya ito at kanyang sinabi na hanggang ngayon, one year na po sa Oct 2, 2021, hndi pa nabayaran ang mga pig raisers ng Brgy. Mayao Castillo at iba pang Barangay sa Lucena, wala pa pong katiyakan na sila po ay mababayadan, nawaโy hndi na po muli maulit ang gawaing ito. Tandaan po natin, mali po na kumpiskahin at kuryentehin ang mga baboy na alaga ng mga magsasaka para lamang masabi na ginagawa ito upang mapigil ang ASF (African Swine Fever)