10/09/2023
EXCITED IPAKASTA ANG ALAGA?! Awit, handa ka na ba?
Mga mungkahing dapat isaalang-alang bago magbreed:
1. Siguraduhin na ikatlo o ika-apat na regla na ng inyong bitch. Mas adviseable ang ika-apat pataas o 2 taon na ang inyong alaga para matiyak ang full maturity ng katawan at reproductive organs.
2. ALAMIN ang schedule ng regla. Ang pinaka magandang stud session ay10th at 13th day ng regla.
3. Isang buwan bago ang menstruation month, siguraduhin maganda ang diet at exercise ng inyong bitch. Mahalaga rin na mabigyan na ng supplements lalo na ang Multivitamins at Calcium.(na tuloy-tuloy hanggat sa dumedede ang puppies)
4. A week before stud session, siguraduhing ideworm ang bitch kahit Hindi pa schedule ng regular deworming. (Regular deworming every 3 months) Kung sakaling magpositive sa worm, gawin ang deworming treatment. 5-7 consecutive days or Hanggang sa Wala na lumalabas na worms. Mahalagang masiguro na negative sa worms or any internal parasites ang bitch para Hindi maitransfer sa mga puppies Lalo na ang eggs na mas delikado at magastos kapag mangyayari.
5. Siguraduhin na healthy at negative sa anumang parasites ang stud. Siguraduhing trustworthy/credible ang may ari ng stud.
6. Pag-aralan Ang color markings Ng inyong alaga. Icheck Ang pedigree Ng bitch at stud kung compatible ba Sila na ipares. NO TO DAPPLE TO DAPPLE PLEASE. Ang kaibahan Ng dachshunds sa ibang breed ay makukuha nyo Ang gusto nyong color and markings Ng puppies na gusto nyo kung pag-aralan nyo Ang ancestry Ng bitch at stud.
7.Mag-aral in advance paano mag-alaga ng buntis na a*o at Ng bagong panganak. Sensetive Ang buntis na a*o (physically & emotionally) Lalo na Ang pag-aalaga Ng new born puppies. Marami sa YT pero di lahat credible. Mas maniwala sa YT chanel ng Vet. Magresearch din sa mga reliable references.
8. After stud, unti-untiin nang ihanda Ang mga gamit sa panganganak tulad Ng whelping box, incubator or lamp na incandescent bulb, tissue o basahan. Vitamins for puppies.
9. PINAKA MAHALAGA: SIGURADUHING MAY SAPAT KAYONG ORAS AT SAPAT NA PERA GOOD FOR 4 MONTHS EXPENSES.
(2 months pregnancy at 2 months whelping of puppies)
10. AT MARAMI PANG DAPAT IHANDA ayon sa pangangailangan at sitwasyon nyo. Sikaping mag-aral in advance para di magkaproblema. Nakakainis Yung mga post na "guys nanganak Po Ang baby ko, ano Po gagawin? No hate first time ko" or "nanganak Po baby ko advise naman kayo" 2 months na nagbuntis alaga nyo, di nyo nagawang mag-aral? Kung kailan nanganak tsaka lang hihingi ng advice?
Kapag nagkasakit o namatay ang puppies HIGIT ang dam, KASALANAN NG OWNER! BUHAY Ang pinag-uusapan dito.
P.S. HUWAG NYO PO IBREED ANG ALAGA NYO NA ANG PRIMARY REASON NYO AY PARA MAKABAWE SA GASTOS NYO SA KANYA! 🤮, it's not wrong, but unethical. At kpag ganito Ang mindset nyo, Malaki Ang probability na Hindi magiging healthy Ang dam and puppies.
*PIc for attention only.
NOT FOR SALE