02/03/2021
โ
๐
๐๐๐ฌ ๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐๐:
(Ito ang pinakamahabang post ng taon ๐คฃ๐
, basahin ng mabuti)
Ang Rabies ang pinakakilalang sakit ng a*o sa Pilipinas. Bagamat alam natin na ito ay delikado at nakamamatay, marami pa ring a*o sa Pilipinas ang hindi nababakunahan laban dito. Dahil dito, taon taon ay nakapagtatala ng humigit kumulang 300 ka*o ng human rabies sa Pilipinas. Hindi dapat ito nangyayari kung ang lahat ng a*o (lalo na ang mga stray dogs) ay mababakunahan, may maayos at ligtas na tirahan, at rehistrado. Layunin ng bansa na maging Rabies-free ang Pilipinas pagdating ng 2022, samantalang target na mawala ang sakit na ito sa buong mundo pagdating ng 2030.
Isa sa pinakamahahalagang hakbang ay ang pagbabahagi ng tamang kaalaman tungkol sa sakit na ito. Narito ang ilan sa mga karaniwang tanong tungkol sa Rabies:
๐. ๐๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐ซ๐๐๐ข๐๐ฌ ๐๐ญ ๐ฉ๐๐๐ง๐จ ๐ข๐ญ๐จ ๐ง๐๐ค๐ฎ๐ค๐ฎ๐ก๐?
- Ang Rabies ay isang zoonotic na sakit (sakit mula sa hayop na napupunta sa tao) na nagdudulot ng acute encephalitis. Ito ay walang lunas at nakamamatay kapag nakitaan na ng sintomas ang biktima. Ito ay sanhi ng isang virus na naipapasa sa pamamagitan kagat, kalmot, or pagdikit ng sugat sa laway ng infected na a*o o pusa.
๐. ๐๐ง๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ ๐๐ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐จ ๐จ ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐ ๐๐ฒ ๐ฆ๐๐ฒ ๐ซ๐๐๐ข๐๐ฌ?
- ang Rabies virus ay hindi natural o inborn sa a*o o pusa. Gaya sa tao, sila ay nahahawa lang din kapag sila ay nakagat ng infected na hayop.
๐. ๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐๐จ ๐๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐๐๐ค๐ฎ๐ง๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ง๐ญ๐ข-๐ซ๐๐๐ข๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐ฌ๐จ ๐๐ญ ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐? ๐๐๐๐ง ๐ฆ๐๐๐ซ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐ค๐ฎ๐ง๐?
-Opo, ito ay alinsunod sa Republic Act 9482 (Anti-Rabies Act of 2007). May katapat na multa ang paglabag dito. Maari nyo pong dalhin ang inyong alaga sa mga municipal/city veterinary office o sa mga pribadong veterinary clinic para sa bakuna.
๐. ๐๐๐ข๐ฅ๐๐ง ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐ฉ๐๐๐๐ค๐ฎ๐ง๐๐ก๐๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฌ๐จ ๐๐ญ ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐?
- Maari na silang bakunahan pagdating nila ng 12 weeks old pataas. Kailangan ulitin ang pagbabakuna kada taon.
๐. ๐๐๐ฌ ๐ฆ๐๐ญ๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ ๐๐ง๐ ๐ซ๐๐๐ข๐๐ฌ ๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐ ๐จ ๐ญ๐ฎ๐ญ๐ ๐ค๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐ญ๐๐ง๐๐๐ง๐ ๐๐ฌ๐จ?
- Hindi po. Pare-pareho lang po ang virulence o tapang ng rabies virus sa kahit anong hayop (mammals). Ang bilis ng pagkalat ng virus ay nakadepende sa laki at dami ng sugat, parte ng katawan na nakagat, dami ng rabies virus na nakapa*ok sa katawan, kung nagpapakita na ng sintomas ng rabies ang a*o bago ito mangagat, at immune status ng biktima ang ilan sa mga factors na nakapagpapataas ng chance na mag-develop ang rabies sa biktima.
๐. ๐๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฐ๐ข๐ง ๐ค๐๐ฉ๐๐ ๐ง๐๐ค๐๐ ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐จ ๐๐ง๐ ๐ญ๐๐จ?
โ Hugasan agad ng mabuti ang sugat o kalmot gamit ang sabon at running water sa loob ng 15 minuto, upang matiyak na matatanggal ang laway ng a*o.
โMaglagay ng iodine, 15 minuto pagkatapos na hugasan ang sugat.
โDalhin kaagad ang nakagat na tao sa animal bite center at kumonsulta sa physician.
๐. ๐๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฐ๐ข๐ง ๐ค๐๐ฉ๐๐ ๐ง๐๐ค๐๐ ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐จ ๐๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐ฐ๐ ๐๐ฌ๐จ?
โ Gawin ang steps sa no. 6 ngunit dalhin naman agad sa pinakamalapit na vet clinic
โ Kung hindi bakunado, ikulong hanggaโt maari para maobserbahan sa loob ng 14 days at maiwasang makakagat naman ng ibang a*o o tao. Huwag papatayin. Pabakunahan ito kung ito ay magiging masigla pagkatapos ng observation period.
๐. ๐๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฐ๐ข๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ฌ๐จ๐ง๐ ๐ง๐๐ค๐๐ค๐๐ ๐๐ญ?
โ Kung malalaman kung sino ang a*ong nakakagat, dapat itong ikulong at obserbahan sa loob ng 14 days. Mag-ingat sa pagbibigay ng tubig at pagkain para maiwasan na makakagat ulit. Huwag agad papatayin. Kumunsulta sa beterinaryo.
๐. ๐๐๐ก๐๐ญ ๐๐ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐ซ๐๐๐ข๐๐ฌ ๐๐ฒ ๐ง๐๐ ๐ฐ๐๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐๐ญ ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐ ๐๐ญ?
- Hindi po. Ang sakit na ito ay maaring magpakita ng ibaโt ibang sintomas. Karaniwan nagiging agresibo sila (furious form), ang iba ay hindi makagalaw, hirap uminom at matamlay (paralytic).
๐๐. ๐๐๐ค๐ข๐ญ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐ญ๐๐ฒ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ฌ๐จ๐ง๐ ๐ง๐๐ง๐ ๐๐ ๐๐ญ?
-Hindi dapat agad patayin ang hayop para maobserbahan kung magpapakita itong senyales na may rabies ito. Ito ang magiging batayan kung kakailanganin ng isang tao kumpletuhin ang post- exposure prophylaxis (PEP). Kung patayin agad ang hayop, kailangan matiyak na makukumpleto ang PEP.
๐๐. ๐๐๐ค๐๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐ ๐๐ง๐ ๐ญ๐๐ง๐๐จ๐ค?
- Hindi rekomendado ang pagpapatandok sa nakagat ng a*o. Una, hindi sa dugo kumakalat ang rabies virus kundi sa nerves (kaya kahit na mapadugo pa ang sugat ay walang kasiguraduhan na hindi nakapa*ok ang virus). Pangalawa, maaring makadagdag ito sa infection. Pangatlo, kadalasan ay nagiging kampante na ang taong nakapagpa-tandok at hindi na kumukunsulta sa physician na maaring magpa-delay sa post-exposure prophylaxis o pagbibigay ng bakuna/immunoglobulin.
๐๐. ๐๐๐๐ซ๐ข ๐๐๐ง๐ ๐ข-๐๐๐ฅ๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ญ-๐๐ฑ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฉ๐ก๐ฒ๐ฅ๐๐ฑ๐ข๐ฌ (๐๐๐) ๐ค๐๐ฌ๐๐๐๐ฒ ๐ง๐ ๐จ๐๐ฌ๐๐ซ๐ฏ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ฌ๐จ?
- Hindi ito rekomendado. Dahil kailangan maagapan ang posibilidad na pag-abot ng virus sa utak ng tao. Maaring lumabas ang sintomas pagdating ng 3-5 araw pagkatapos makagat ng rabid dog. Ang ilan naman ay maaring magtagal ng linggo hanggang buwan bago lumabas ang sintomas. Kapag nakaabot na sa utak ay wala ng lunas at ikamamatay na ito ng biktima, kaya kinakailangan kumonsulta sa physician habang inoobserbahan ang a*o.
๐๐. ๐๐๐๐ง๐จ ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฌ๐จ๐ง๐ ๐ง๐๐ค๐๐ค๐๐ ๐๐ญ ๐๐ฒ ๐๐๐ค๐ฎ๐ง๐๐๐จ ๐ฅ๐๐๐๐ง ๐ฌ๐ ๐ซ๐๐๐ข๐๐ฌ?
- Kinakailangan pa rin pong ikonsulta ito sa physician. Kung may maayos na dokumento nagpapatunay sa pagbakuna sa a*o, โprovokedโ o aksidente ang pagkakagat dahil naglalaro, sariling alaga ang a*ong nakakagat at hindi pagala-gala sa kalye, at kung ito ay walang open wound ay maaring magdesisyon ang physician na huwag magbakuna. Pero physician ang dapat sundin dito, hindi ang beterinaryo. Sa Pilipinas na kadalasan ang mga a*ong nakakagat ay pagala-gala o ang a*o ay walang maayos na bakuna at vaccination record, kinakailangan mabigyan ng PEP ang biktima.
๐๐. ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ค๐ข๐ญ๐๐๐ง ๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ง๐ญ๐จ๐ฆ๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐ฌ๐จ, ๐๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐ ๐๐ฐ๐ข๐ง?
- Ipaalam sa beterinaryo (city or municipal vet hanggat maari) kung nagkaroon ng pagbabago sa ugali, ayaw kumain, matamlay, at naging agresibo ang a*o, para sila ang gumawa ng euthanasia kung kinakailangan. Kung sakali na biglang namatay ang a*o, pugutan ito ng ulo (pinakamabuti kung may beterinaryo pero kung wala ay mag-ingat). Magsuot ng gloves, salamin at mask para hindi matalsikan ng laway sa mukha. ilagay ito sa ice box na puno ng yelo para di agad malusaw ang utak. Dapat itong maibyahe sa loob ng 8 oras pagkatapos mamatay. Kung sakali na di agad maidadala sa laboratoryo, ibalot ito ng mabuti sa plastic at ilagay sa freezer. Dalhin ang sample sa RITM, BAI-ADDL, at regional rabies diagnostic laboratories.
๐๐. ๐๐๐๐ซ๐ข ๐๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ค๐-๐ซ๐๐๐ข๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐ญ๐๐จ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ข๐ง ๐ง๐ ๐๐ฌ๐จ?
- Una, May ilang ulat na namatay pagkatapos kumain ng a*o. Hindi man direkta sa laman ng a*o ito nakuha, ngunit maari itong nakuha mula sa laway o utak ng infected na a*o. Pangalawa, labag ito sa RA 9482 at may kaukulang multa at pagkakulong.
๐๐. ๐๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ง ๐๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ค๐๐ ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐, ๐ซ๐๐๐๐ข๐ญ ๐จ ๐ก๐๐ฆ๐ฌ๐ญ๐๐ซ?
-Hindi po kailangan dahil wala pang naitatalang ka*o mula sa nakagat ng rodents. Ngunit maari pa ring kumonsulta sa physician para sa anti-tetanus at gamot sa sugat.
๐๐. ๐๐๐๐ซ๐ข ๐๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ค๐๐ซ๐จ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐ซ๐๐๐ข๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐ฌ๐จ ๐จ ๐ญ๐๐จ ๐๐๐ก๐ข๐ฅ ๐ง๐๐๐ข๐ ๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ง๐ญ๐ข-๐ซ๐๐๐ข๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ค๐ฎ๐ง๐?
- Hindi po.
๐๐. ๐๐๐ค๐ข๐ญ ๐ง๐๐ฆ๐๐ญ๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐ฌ๐จ ๐ค๐จ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ฆ๐๐๐๐ค๐ฎ๐ง๐๐ก๐๐ง?
- Maaring ang a*o po ay hindi talaga completely healthy. maari na may iniinda na itong ibang sakit na lalong lumala dahil sa challenge ng bakuna. Kaya po dapat ay masiguro na healthy ang inyong alaga bago pabakunahan.
๐๐. ๐๐๐ข๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฌ๐ ๐๐ ๐ง๐ ๐ญ๐๐จ ๐๐ง๐ ๐ซ๐๐๐ข๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ฉ๐ฐ๐ ๐ญ๐๐จ?
- ito ay rare case gaya ng organ transplant mula sa infected na tao. Hindi ito kadalasan nangyayari dahil walang โinstinctโ ang tao na mangagat. Pero kinakailangan na ma-isolate ang biktima upang iwasan ang paghalik, paghawak at pagtalsik ng kanilang laway sa mata o sugat ng ibang tao.
๐๐. ๐๐๐ค๐ข๐ญ ๐๐๐ญ๐ ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ซ๐๐ง๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ญ๐ข๐ฆ๐?
- Mataas ang chance na makagat ang bata (4 out of 10 deaths) dahil hindi nila alam paano makaiwas sa kagat ng a*o. Kadalasan ay na po-provoke nila ang a*o dahil sa kanilang paglalaro. Kapag di rin nababantayan ang bata, maari silang makalabas ng bahay at malapitan at makagat ng rabid na a*o. Kaya kinakailangan ituro sa mga bata ang tamang pag-aalaga ng hayop at panatilihing ligtas at may gabay kung maglalaro sa labas ng bakuran.
๐๐. ๐๐ข๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐ ๐ฎ๐ฆ๐๐ฌ๐ญ๐จ๐ฌ ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐ง๐๐ค๐๐ค๐๐ ๐๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐ฌ๐จ ๐ง๐ ๐ญ๐๐จ?
- Ayon sa batas (RA 9482), responsibilidad ng owner ng a*ong nangagat ang gastusin sa pagpapagamot sa biktima. Kung tumanggi ang owner na tumulong, maaring makipag-ugnayan sa barangay o police para mamagitan.
Tandaan: Ang Rabies ay nakamamatay ngunit kayang maiwasan kung ang mga a*o o pusa ay mababakunahan at magiging responsible owner ang bawat Pilipinong may alagang a*o o pusa.
PS. Hindi dahil nabigyan mo ng tubig at pagkain ang a*o ay responsible owner ka na. Dapat ay mabigyan mo sya ng mga bakuna na kailangan nya, malinis at ligtas na tirahan, huwag hahayaang pagala-gala sa labas ng bahay, at ipagamot kapag may sakit.
Mag-like at share sa aming page para sa karagdagang kaalaman tungkol sa wastong pag-aalaga at mga sakit ng inyong alagang a*o at pusa.
Para sa karagdagang kaalaman maaring basahin ang mga info sheets at references sa links na ito:
โข https://www.who.int/rabies/Rabies_General_Public_FAQs_21Sep2018.pdf?ua=1
โข https://www.who.int/rabies/Rabies_Clinicians_FAQs_21Sep2018.pdf?ua=1
โข https://lawphil.net/statutes/repacts/ra2007/ra_9482_2007.html
โข http://www.philahis.ahwd.ph/GIS_Maps/RabOutM
โข https://rabiesalliance.org/resource/lessons-learned-philippines
โข https://rabiesalliance.org/resource/rabies-information-flipchart-teaching-guide
โข Amparo, A. C. B., Mendoza, E. C. B., Licuan, D. A., Valenzuela, L. M., Madalipay, J. D., Jayme, S. I., & Taylor, L. H. (2019). Impact of Integrating Rabies Education Into the Curriculum of Public Elementary Schools in Ilocos Norte, Philippines on Rabies Knowledge, and Animal Bite Incidence. Frontiers in Public Health, 7.doi:10.3389/fpubh.2019.00119