24/08/2022
Minsan na ba nating napansin kung saan tayo mas napapagastos, sa shopping ba o sa food?
We cannot deny the fact that at times
mas lamang talaga ang gastos sa pagkain. Ha-ha!
Paano? Ang dami ng food promos at buffet deals
ang makikita sa shopping malls, sa commercial parks
at sa mga paligid natin. Minsan sa sobrang curious,
gusto na nating subukan ang lahat ng dishes at drinks.
Here’s what we can do when we feel like mas
napadadalas ang paggastos natin kaysa sa pag-iipon,
lalo na kung ang pag-uusapan ay PAGKAIN…
HUWAG GUMASTOS KUNG WALA SA PLANO
Ang paggastos na wala sa plano ay always very crucial.
Siguro ang iba sa atin ay makare-relate dito,
lalo na yung hands-on sa pag-ba-budget ng finances ng family.
One of the things kaya minsan ay feeling natin
ay dumaan lang ang sweldo sa ating mga palad
ay ang kakulangan sa pagpaplano at implementation nito.
Kung seryoso tayo sa pag-iipon,
dapat ay seryoso rin tayo sa pagpaplano.
Magkano ang goal na gusto nating maipon?
How many months natin ito dapat pag-ipunan?
Ano ang kaya nating i-sacrifice para lang maka-ipon on time?
STICK TAYO SA BUDGET
Tamang disiplina lang sa sarili at sa listahan na ginawa natin
para hindi naman sayang ang effort sa ginawang budget.
Sabi nga nila, kung faithful tayo sa pagtatrabaho
sa maliliit na bagay o responsibilidad, tayo rin ay
pagkakatiwalaan sa malalaking tasks o position sa trabaho.
Wala rin itong pinagkaiba sa financial management natin.
It starts in us, it starts at home.
Ang pag-stick sa budget ay isang financial training
para tayo ay maging efficient and effective in life later on.
UMIWAS SA PROMO AT BUFFET KUNG KAILANGAN
Kung sa budget na ginawa natin na good for one or two weeks ay
walang nakalaan for a certain promo or buffet na gagastusin,
it’s obvious na hindi natin ito priority for now.
Lalo na kung alam natin na may mas mahalaga pa tayong paglalaanan.
If our friends invited us for a buffet dinner on
Friday night, we can always say “no” in a polite manner.
Lalo na kung nasa tipid season talaga tayo.
It’s okay to say “no” and explain to them why.
Kaysa naman gagastos nga tayo, pero baka ang
ending ay mangutang. Kung maaari, we can sacrifice a bit at pwede rin na…
“Bawasan natin ang ating katakawan para makaipon tayo ng totoong pera at hindi puro bilbil sa katawan.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
1. Madali ba tayong nahahatak na kumain sa labas?
2. At present, paano tayo mag-budget ng ating pera?
3. What are the other ways na puede nating gawin para makapag-ipon effectively?