06/05/2022
USAPANG VITAMINS 💊
Hello mga ka-ibon! Pag usapan naman natin ang kahalagahan ng Vitamins sa ating mga alaga. Hindi lang sa mga tao mahalaga ang pag-inom ng bitamina. Isipin mo na lang, na lahat ng nabubuhay sa mundo ay nangangailangan din ng sapat na sustansya at bitamina 🦜🐦🐥💊
Vitamins that your bird needs include vitamin A, E, D3, and B-complex. Vitamin A is considered an important skin vitamin that helps with the health of the eyes, feathers, reproductive system, and immune system. Vitamin A can be provided as beta carotene, which converts to vitamin A as needed. The rest is excreted.
Sa aking pag-aalaga, pinapanatili ko lagi na sapat ang bitamina na natatanggap ng aking mga ibon. Hindi lamang ako dumidipende sa nakukuha nitong mga sustansya sa pagkain. Especially pagdating ng BROODING STAGE.
Sa pag-aalaga ng ibon, isa sa exciting part ang pagbibreed nito. Pero sa pagbibreed ng ibon, kinakailangan nito ng sapat na sustansya at bitamina upang makabuo ng sisiw sa itlog. Eh ano naman ba ang BROODING STAGE? At ano ang connect nito sa BITAMINA?
Sa BROODING STAGE, eto ang oras na napisa na ang itlog at kinakailangan nang alagaan ng nanay na ibon ang kanyang mga sisiw. Sa mga nag-aalaga at mag-aalaga pa lamang. Malalaman ninyo kung gaano kahalaga ng role ng isang HEN sa pagpapalaki ng kaniyang mga sisiw.
ISA ito sa may maraming di mapaliwanag o pinaka-unexpected part ng pag-aalaga. Maraming mga ka-ibon natin ang nagkakaroon ng sakit ang HEN o namamatayan ng HEN o ang nanay ng mga sisiw sa di malaman na dahilan. Pero isa sa mga MAIN SUSPECT dito ang KAKULANGAN NG BITAMINA.
Kaya sa mga kapwa ka-ibon. Di mo kailangan gumastos ng malaki sa pagbili ng bitamina. Malaki ang ginagampanan nito na role para mapanatili na healthy at masigla ang alaga mo. Sa halagang 15 to 50 pesos, may VITAMINS ka nang mabibili para sa alaga mo. Sa routine ko, once or twice a week (alternate week) ang pagpapainom ko sa kanila. Oh diba? Yung maliit na halaga kaya na panatilihin masigla ang alaga mo araw-araw! Lagi lang din tatandaan na mahalaga ang pagpapalit ng tubig araw-araw 😉 Maaari mong gawing reference ang mga bitamina na nilagay ko sa mga picture. Sapat ang mga nutrients na makukuha nila sa mga vitamins na yan.
Paalala lamang: Ang mga vitamins na iyan ay WATER SOLUBLE, hinahalo sa iniinumang tubig ng ating alaga. Kaya ang maliit na amount na ilalagay mo ay sapat na. Sa aking pag-aalaga, 1/4 ng isang kutsarita ay sapat na isang tubigan ng ISANG PARES na ibon. Ang BITAMINA na hinalo sa tubig ay maaari lamang TUMAGAL SA LOOB NG ISANG ARAW, kaya dapat mong palitan ang tubig kinabukasan tuwing maglalagay ka ng VITAMINS. Ang isang sachet ng vitamins ay maaaring tumagal ang pag papainom ng vitamins sa loob ng higit sa dalawang buwan. Karagdagang paalala, icheck lagi ang EXPIRY DATE ng VITAMINS! Maraming salamat mga ka-ibon! God bless! 🐣🦜🐦🐥