09/11/2020
Share ko lang my dog's mabahong potty area story 🐶🐶🐶
Meron akong isang doggo and sa studio type lang kaming apartment nakatira. So na litter train ko siya to p*e and p**p diyan sa basahan na yan and madalas niyang gamitin yan kaya di ko talaga maiwasan na nangangamoy yung kwarto kahit nilinis ko na siya. Then nadecidean kong itry tong Winter and Snow Enzymatic Cleaner 2 Liters.
Nung una medyo naguluhan ako pano gamitin kasi di siya yung usual na pang linis. First time kong gumamit ng enzymatic cleaner pero buti may guide naman siya. May konting smell yung cleaner pero ganun daw talaga smell nun nawawala daw once malinis na fresh air na lang yung smell. Bale ang ginawa ko tinanggal ko muna yung basahang iniihian niya tapos sprinayan ko ng madami netong enzymatic cleaner yung floor. Then sabi sa guide hintayin daw para mag work so hinintay ko hanggang matuyo. Ayun, nung natuyo na nabawasan na talaga yung amoy pero meron pa ring natirang konti. Sabi sa guide na kapag medyo madami daw talagang odor causing chemicals na nakadikit dun sa area need lang ulitin ulit yung pag spray hanggang mawala. Kaya nung inulit ko na siya totally nawala na talaga yung amoy!
Grabe ginagamitan ko to ng bleach dati pero may natitira pa ding amoy, eto lang pala kailangang gawin. Safe pa yung product sa doggo ko kahit naglalaro siya dun sa nililinisan ko maliit lang kasi apartment namin. Triny ko din siyang gamitin sa iba pang gamit ng doggo ko. Yung basahan na iniihian ng doggo ko binababad ko siya sa enzymatic cleaner ng ilang oras, ang effective niya guys!
-Winter and Snow Enzymatic Cleaner user
Message us!