15/07/2022
⚠⚠⚠
REPUBLIC ACT NO. 9482
ANTI-RABIES ACT OF 2007
ANG BATAS PONG ITO AY HINDI LANG PANG BARANGAY KUNDI PARA SA BUONG PILIPINAS 🐩
Sa mga may alagang A*O:
👉Sa Bisa ng RA 9482, maaaring patawan ng parusang multa ang mga iresponsableng may-ari ng a*o:
🐶 Ayaw pabakunahan ang alagang a*o - P2,000 multa
🐕Pag nakakagat ang a*ong walang bakuna - P10,000 multa
🐩 Pag nakakagat ang alagang a*o at ayaw tulungan ng may-ari ang biktima - P25,000 multa
🐶 Pag ayaw itali o ikulong ang alagang a*o - P500.00 multa
👉Senate Bill No. 3189 ipinagbabawal ang pagkakalat ng dumi ng a*o sa mga pampubliko at pribadong lugar matapos matuklasan na nakapagdudulot ito ng sakit sa tao, pagkakalat ng dumi ng a*o sa kalsada, bahay, parke o sa lahat ng lugar na hindi pag-aari ng amo ng a*o.
👉Kung hindi napigilan ang pagbawas nila sa mga ipinagbabawal na lugar, kinakailangang linisin agad ng may-ari o kung sino man ang may bitbit ng a*o at itapon ang dumi sa basurahan.
👉Ang dumi ng a*o ay nag-iiwan ng itlog ng roundworms at parasites sa lupa at nananatili sila doon kahit na ilang taon ang lumipas. Ang parasites na bitbit ng dumi ng a*o ay ang Cryptosporidium, Giardia at Salmonella gayundin ang hookworms, ringworms and tapeworms.
👉Kapag naapakan ito ng taong hindi nakatsinelas o sapatos, ito’y lumilipat sa katawan ng tao at pangkaraniwang pinagmumulan ng lagnat, muscle pains, sakit ng ulo, pagsusuka at pagtatae.