28/04/2022
‼️COMMON RABBIT DISEASE‼️
👉Cause, Cure, and Prevention👈
Ang rabbit ay isa uri ng hayop na may pinakamaikling gestation period from 28-33 days. Sa kabilang banda, mabilis lang din ang kanilang mortality lalo na kapag dinapuan ng disease. Ang kaalaman sa basic disease ng rabbit at kung paano ito maiiwasan ay makakatulong upang mabawasan ang mortality sa ating pag rarabit.
Karamihan sa mga Disease na ito kapag hindi nabigyan ng atensyon ay Maaring ikasawi sa loob ng 24hrs lamang. Mahalagang mag ready ng mga 1st aid na gamot sa inyong rabbitry.
✅ DIARRHEA
Mga sanhi: Stress, pabago bagong panahon, alimuom ng tubig (kung tubig nawasa), bacteria mula sa tubig, maduming damo/ hay, lumang pellets, maduming cages at building, dumi at ihi ng Daga, ipis at iba pang insecto. Dalawang klase ang normal na poops ng isang Rabbit, yung isa ay maliit na bilog na matigas at yung isa ay kumpol na hugis grapes (cocetropes) na kung saan ay kanilang kinakain pabalik upang makakuha ng vitamina. Halos walang amoy ang kanilang poops. Ang diarrhea naman ay basang poops na mayroong hindi magandang amoy. Kapag hindi naagapan ay maaring ikamatay ng rabbit sa loob lamang ng 24hrs.
Lunas: Apralyte Sachet. Sa isang sachet na 6g tunawin sa 40ml na tubig. Gumamit ng syringe na tinangal ang needle upang direktang ipainom sa Rabbit ang 20ml. ang natirang 20ml ay ilagay sa water claypot hangang sa maubos nya ito. Tangalin muna ang feeds at palitan ng dahon ng Caimito.
Prevention: ugaliing obserbahan ang behavior ng Rabbit araw araw 2x day habang nagpapakain. Kapag bigla itong umupo at hindi kumikilos, matamlay, I check agad ang pwetan kung basa ng masang sang na amoy. I check ang kanilang poops kung normal na hugis. Panatilihin ang kalinisan sa paligid. LInisin ang mga cages isang beses sa isang lingo at siguraduhin hindi napapasok ng daga at iba pang hayop ang building. Maaring maglagay ng mouse trap, pandikit or lason sa daga. Kung magbibigay ng tubig, magbigay sa umaga at gabi habang hindi pa naiinitan ng araw ang tubig nawasa. Magbigay ng 3 to 5pcs na dahon ng caimito isang beses sa isang lingo.
Wag mag refil ng water from 9am to 5pm kung saan mainit ang tubig kung nawasa ang source of water.
✅MANGE
Sanhi: Maduming Paligid, at mga parasites kagaya ng Fleas, lice at mites. Ito ang Galis ng Rabbit na karaniwang makikita sa ilong, tenga at mga paa na kapag hindi nagamot at magdudulot ng kawalang gana sa pagkain hangang sa manghina ang iyong rabbit.
Lunas: Ivermectin Pour On Lotion. Ipatak sa batok ng Rabbit every other day hangaang sa mawala. Kung ito ay malala na gumamit ng “DECTOMAX”injectibles. Sundin ang tamang dosage sa etiketa.
Prevention: Ihiwalay agad sa ibang kulungan ang infected na rabbit hangang sa gumaling ito upang maiwasang makapanghawa. As prevention, lagyan na din ng Ivermectin Pour on ang mga katabing rabbit na na infect. Ugaliing malinis ang mga cages at building.
✅SORE HOCKS
Sanhi: Sugat sa talampakan ng Rabbit na dulot ng - Poor hygiene, Mahabang kuko, obesity, palagiang pag “Thumping”, kakulangan sa paggalaw, Rough Flooring. Ang sore hocks ay kailangan ng attensyon dahil maaring magdulot ito ng kawalang gana sa pagkain ng rabbit hangang sa manghina ito. Me mga libro din na nag sa sabi na ang sore hocks ay nasa genetic or namamana. Hindi guarantee na kung naka plastic floor matting ka hindi na mag kaka sore hocks ang rabbit mo. Ilan sa symptoms ng sore hocks
- biglang pag baba ng timbang
- hindi pag kilos
- mahina at walang gana.
- sa doe, ayaw minsan mag pasampa
Lunas: upang mabilis na gumaling Gumamit araw araw ng 3in1 antibacterial Wound Ointment upang mabilis ang pag hilom ng sugat hangang sa gumaling ito. Maaring gumamit ng betdine kung medyo maliit pa ang sugat. Mag lagay ng tiles or telang sapin hangang sa gumaling ito.
Prevention: Gumamit ng Rabbit Rest matt (magkaiba ang rest matt na kulay green sa plastic floor matting) . Iwasang ma overfeed ang rabbit at bigyan tamang space ng kulungan. (min is 2ft x2ft / breeder/door). Ugaliing I check ang hocks ng rabbit upang hindi umabot sa advance stage bago gamutin.
✅ BLOATED –
Sanhi: Lumalaki at paninigas ng tyan ng Rabbit dulot ng Gas build sa kanyang digestive system. Ilan sa mga sanhi nito ay sobrang pagkain, Kakulangan sa fiber intake, pagkain ng kanyang “hairball”na sumasama sa feeds, pagpalit ng diet/feeds, sobrang paginom ng tubig at iba pang gawi na maaring maugnay sa digestive problems.
Lunas Kadalasan ay mahirap na itong gamutin ngunit kung maobserv agad ang rabbit na bloated, painumin ito ng Pineapple Juice at pakainin ng Papaya na parehong nagtataglay ng “digestive enzymes bromelein”. Hayaang itong tumakbo ay nakakawala upang matunaw ang kanyang pagkain. Tangalin muna ang feeds at bigyan muna ng pure Hay hangang maging normal ang condition nito.
Prevention: Wag mag overfeed ng pellets. Pumili ng pellets na mayroong 15% minimum Crude Fiber content. Kung may access sa Hay, Mag bigay ng Hay sa Umaga at pellets sa hapon.
✅EAR MITES
Sanhi: maduming bedding, pagkain at paligig na maaring nagdadala ng “Mites”or itlog nito na maaring ipasa mula sa isang rabbit sa iba pang rabbit. Mapapansing may kumpol ng Dark Ear Cakes sa magbilang tenga ng rabbit.
Lunas: Patakan ng Castor Oil ang magkabilang tenga daily. Kung severe at visible ang mga dark dirt sa kanyang tainga, gumamit ng cotton buds na may castor oil at tangalin ito. Araw araw itong gawin hangang sa mawala ang mga dirt build ups. Mag inject ng “Dectomax” 1x a week for 2weeks. Ihiwalay ang infected na rabbit at maglagay Ivermectin Pour On Lotion sa mga katabing rabbit bilang prevention sa posibleng paghahawa nito.
✅RABBIT MASTITIS
Bukol sa mga dede ni Dam na may kasamang sugat na resulta ng bacterial infection or Hormonal Cystic.
Lunas: gamit ang SMP 500g antibacterial. Hatiin ito sa dalawa. Tunawin sa 20ml na tubig at iforce feed sa Dam. Gawin ito sa loob ng 5 to 6days. Kung me mga kits pa si dam, ihiwalay na muna ang mga kits upang hindi sila magawa. Hindi na din kasi mag bibigay ng gatas ang Dam kung may mastitis ito kaya ma buting ipa ampon muna sa ibang dam.
Huwag munang I reed ang Dam hangat hindi lubusang gumagaling ang sugat or bukol nito.
Kung malaki na ang bukol Maaring paputukin ito gamit ang sanitize blade at saka tahiin. Linis an ng betaine after ng procedure.
Prevention: Good Sanitation and cleanliness of cages lalo na kung plastic matting ang ginamit mo. Sa aking experience mas makakabuti ng sa wire floor na me rest matt lang muna ilagay ang mga breeder Doe. Ang plastic matting ay nangangailangan ng araw araw na pag lilinis upang hindi kumapit ang dumi at bacteria sa dede ni Dam habang nag pa dede sya.
Gawing Regular observation and manual diagnostic of rabbits breast during lactation upang icheck kung may bukol ito.
✅SIPON AT UBO
Karaniwang ngyayari sa pabago bagong kondisyon ng panahon, allergies mula sa mga dumi, masangsang na amoy, chemicals at usok ng sigarilyo.
Lunas: bigyan ng 3 to 5pcs na dahon ng oregano 2x a day hangang sa maging okei ang rabbit. Kung matindi na ang ubo at sipon maaring gumamit ng “Norfloxacin”
Summary of 1st Aid na dapat mayroon ka bago mangayari dumating ang mga disease na ito.
1. Apralyte 6g sachet
2. Ivermectin Pour On Lotion
3. SMP 500 antibacterial. (mastitis)
4. Access sa Dahon ng Oregano at Dahon ng Caimito
5. Castor Oil at Cotton buds
6. Betadine at antibacterial Wound Ointment
ctto
(photo from Google)