11/11/2020
So papaano nga ba nalalalaman kung maaayos ang quality ng isang Rottweiler?
Una sa lahat, ang tanging batayan ng quality ng Rottweiler ay ang breed standard regardless sa kanyang edad. Upang matantya mo ang iyong kaalamanan at kung gaano umaayon ang a*o mo sa standard, natatanging sa conformation dogshows mo lang ito masusubukan at mapapatunayan.
Kung hindi man makasali sa dogshows, suriin ang iyong alaga sa pamamagitan ng checklist na ito, kung pasado, malamang ay maganda ang quality ng iyong alaga.
1. Tignan ang kulay ng a*o. Black and tan o black and mahogany lang dapat. Hanggat maaari ay litaw at defined ang kanyang mga markings.
2. Ang tenga ay hindi dapat nakatayo o nakatikwas. Dumidikit dapat ang harap ng tenga sa pisngi at hindi dapat malaki o maliit ang sukat nito.
3. Ang mata ay hindi dapat bilugan o singkit. Mas itim ang eyeball, mas maganda.
4. Ang nguso ay hindi dapat matulis. Hindi din dapat mahaba o sobrang iksi. Sa sideview dapat ay 60% ang haba ng bao ng ulo at 40% ang haba ng nguso.
5. Ang stop na tinatawag ay ang gitna ng mga mata papunta sa ilong. Hanggat maari ay malalim dapat ito at derecho, hindi mataas at kurbado na parang tuka.
6. Mas ok ang makapal ang pisngi. Pag manipis ang pisngi at mahaba ang nguso ay hugis anaconda ang ulo at ayaw natin nyan. Hehe
7. Tignan ang ipin, may nararapat na bilang ng ipin pero I check na lang mula magkabilang bagang. Dapat sana ay kumpleto ang ipin at hindi sungki sungki. Napaka importante sa Rottweiler ang kanyang pagiging scissors bite.
8. Bagamat madaming nagagandahan sa malaki ang ulo, huwag naman sana yung tipong may hydrocephalus, pero mas type ko na ang malaki ang ulo kaysa naman yung parang ulo ng pagong.
9. Hindi din maganda sa Rottweiler ang madaming fold sa balat ng ulo at katawan…sharpei kumbaga. Dapat sana ay maiksi at makinis ang kanyang coat ala Doberman.
10. Hindi dapat maiksi o mahaba ang sukat ng leeg ngunit mas maganda sana kung ito ay makapal.
11. Aminin, lahat tayo ay mas gusto ang malaking dibdib.
12. Dapat ang front legs ay derecho, Ang kanyang pasterns ay matibay at hindi kurbado, ang mga paa ay parang kamao at hindi parang bukang palad…kumbaga parang paa ng pusa at hindi paa ng pato. Nakaharap dapat ang mga paa sa north. Kung hindi mo alam ang pasterns, google is your friend.
13. Ang likod ng a*o ay tinatawag na topline. Nag uumpisa ito mula sa balikat na nasa taas ng front legs hanggang sa itaas ng buntot. Dapat ay derecho yan na may bahagyang slant pababa. Kung kurbado at parang may nakasakay na tao, o derecho nga pero pataas naman ang slant ay sablay ang topline ng alaga mo.
14. Ang buntot ay hindi dapat dumidikit sa katawan. Kung taildocked sya, pano mangyayari yun diba?
15. Pagmasdan ang view sa likod ng alaga mo. Kung piki o sakang sya ay alam na. derecho dapat ang view ng legs mula sa likod. Mula side view naman ay hindi dapat parang stick ng kawayan ang kanyang legs o pagkahaba naman to the point na mas mahaba pa ang legs sa buntot. Angulation ang tawag dyan…again kung di mo gets, google is your friend. Pansinin din ang mga paa. Paa nga ng pusa sana diba? At paws facing north din dapat yan.
16. Kung lalaki, dalawa dapat ang itlog. Kung tatlo ay ewan ko kung ano ang nahithit mo. Kung isa o wala ay babae yan o cryptorchid.
17. Ang Rottweiler ay powerfully built medium to large dog. So kung sa unang impression mo pa lang ay sobrang laki o liit, patpatin o obese ang a*o ay medyo tagilid na ang quality nyan.
18. Ang Rottweiler ay confident and alert dog. Hindi dapat tutulog tulog o matatakutin yan. Hindi din dapat agresibo yan o sobrang lambing na lahat ay pwedeng makipag face face sa kanya.
Obviously, hindi mo magagawa ang checklist na ito kung maliit na tuta pa lang yung a*o mo diba? Hehehe. Pero kung maganda ang resulta mo sa checklist na ito ay malamang na maganda din ang movement ng iyong alaga. So katulad ng nabanggit namin sa umpisa ng article na ito, dalhin mo na sa dogshow para matesting.
At habang mas type ng iba yung malaki, maiksi nguso, matapang, p**a o kung ano ano pa, tandaan na ang preference ay iba sa quality.
Magkaiba din ang quality pedigree sa quality dog. Pero mas malamang na pwedeng magkaparehas din
Naway ay nag enjoy kayo at nakatulong kami kahit papaano.😊