31/03/2025
Sinigurado ng Palasyo na hindi pababayaan ng gobyerno ang mga OFW na inaresto sa Qatar dahil umano sa hindi awtorisadong rally nila noong ika-80 kaarawan ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
“Noong araw po na ito ay napabalita, agad-agarang po ang embahada natin po ay tumulong po agad. Nagpadala po ng labor attaché, isa din pong lawyer, para po malaman at mapaglaban ang kanilang mga karapatan,” saad ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro nitong Lunes, March 31, 2025.
Para kay Castro, obligasyon daw ng pamahalaan na pangalagaan ang mga mamamayan at walang balak na hadlangan ang mga nagkikilos protesta bilang suporta sa mga Duterte.
“Obligasyon pa rin po ng ating pamahalaan, ng administrasyon, ang mga Pilipino ano man po ang kulay nila. Wala po tayong sini-sino, wala po tayong discrimination patungkol po d’yan. Basta po kapwa Pilipino tutulungan po ‘yan ng administrasyon,” dagdag niya.

PANOORIN: https://www.youtube.com/watch?v=fmWt7gLIGVQ