04/05/2021
Ayy dyan na si Mare Chuchay soon? Sayang bentahan ko pa sana sya ng Maintenance nya na Lozartan sa generics 90 isang banig, sa akin 260 lang.
See you very soon, Chuchay... A*o ni Papalolo sa probinsya na kada uwi Papa doon salubong agad sya sa gate at umiiyak. Dito ka na sa akin, eenjoyin mo na senior days mo with me. At maaalagaan ka na ng maayos at mapapa vet na kita para sa needs mo while getting old. Trust Papalolo, gaganda ka uli dito kagaya ni Summer-rific na hinampas ng lupa, inanod ng bagyo sa Marikina napunta sa Pasig (jk) at naging social climber (totoo 'to) pagka pasok ng village. Sa mga nagsasabi may breed lang ang bida, utot ninyo. Wala parin tatalo sa mga aspin. Malakas immune system nila at matatalino. ❤️
Chuchay is 8yo, bungal na at kaya sya kukunin kasi hindi nababantayan, kada regla nya buntis.