#mynameiscalli
John Rex Laconsay Llarenas
God is good 🙏🙏🙏 Walang imposible kay God basta maniwala at manalig ka lang...
Kwento ko lang yung experience namin kay Calli. Last Sunday medyo matamlay na sya at ayaw kumain, 1st time nya rin pala kasi magkaroon ng menstruation pero late na kasi 1 year old na sya. So ayun sobrang dami ng bleeding nya, iba rin kulay sobrang dark at may amoy din pala, nagsusuka rin pala sya at palagi umiihi. So ayun dinala namin sa Animal Hospital na open 24 hours kasi sarado yung clinic ng Vet nya & then na-diagnos sya na may PYOMETRA so kinausap kami ng Doctor na for operation na daw sya dahil nga medyo malaki yung nakita sa ultrasound na namamaga na yung kanyang uterus so tinanong ko yung Doctor kung ilan ang chances ng survival hindi nya po masagot. Gulong gulo isip namin nun naiiyak na ako kasi hindi ko alam kung tama ba yung magiging desisyon namin so pinaghahanda na kami ng 36k+ para sa operation nya, nakiusap kami na kung pwede silipin muna namin sya bago gawin yung procedure then dun naisip namin na king sakaling mawala sya mas ok na nasa tabi namin kesa iwanan namin sa hospital pag balik wala na pala sya.
In short, inuwi nga namin sya so humingi kami ng medication binigyan naman kami ng mga antibiotics & vitamins. Sabi namin ilaban natin ito baka sakali gumaling.
Kanina umaga dinala namin sa Vet nya para sa 2nd opinyon - tinest yung discharge nya & THANK GOD talaga hindi sya positive sa pyometra! Walang nakitang bacteria or pus sa blood at inexplain kung bakit nagkaroon ng reaction sa katawan nya dahil sa hormones.
LESSON LEARNED: Maging aware tayo sa nangyayari sa ating mga furbabies at napaka importante ang 2nd opinyon plus samahan ng napakaraming prayers 🙏🙏🙏
#mynameiscalli
John Rex Laconsay Llarenas
"YAKULT CAN HELP STOPS OUR FURBABIES TO EAT POOP"
Aminin natin mga furparent hindi maiiwasan na kumain ng 💩 ang ating mga furbabies so ito na po ang sagot 🤪
Our lovely Amelia 🌭
#throwback
Relate din ba kayo dito? Wala eh mahal natin sila 🤐🫣
#mynameiscalli