AquaRanda

AquaRanda Fresh Water Fishes and Planted Tanks

BEST OF SHOW and BEST IN OPTIONALFREEDOMBETTA COMPETITION
25/06/2023

BEST OF SHOW and BEST IN OPTIONAL
FREEDOM
BETTA COMPETITION

Rak Na !!
23/06/2023

Rak Na !!

UNMASKEDA Flare after Pandemic1st IBC Area 6 ChampionshipIBC SeminarJune 16-18, 2023 @ Robinsons Gentri
15/06/2023

UNMASKED
A Flare after Pandemic
1st IBC Area 6 Championship
IBC Seminar

June 16-18, 2023 @ Robinsons Gentri

29/05/2023
10/03/2023

want to learn more about betta?

please like and follow Betta Talk

ctto 💙💚🐟

09/03/2023

want to learn more about betta?

please like and follow Betta Talk

ctto 💙💚🐟

want to learn more about betta?please like and follow Betta Talk ctto 💙💚🐟
11/02/2023

want to learn more about betta?

please like and follow Betta Talk

ctto 💙💚🐟

#5

"Betta Tip of the Day"

Ano ang Ray Branching at gaano ito kaimportante sa ating mga Betta?

Ang Ray Branching ay ang pangunahing pundasyon na bumubuo sa istraktura ng buntot o ng Fins ng mga isda. Ito ay maihahalintulad natin sa mga kahoy na parte ng isang di tiklop na pamaypay, mas madami, mas mabuka.

Ano nga ba ang silbi nito at kailangan bang marami nito ang ating mga Betta?

Noong nakaraan, ang mga wild na betta ay mayroon lamang "2 Ray Branching" sa kanilang mga buntot, ang mga Betta na nag tataglay nito ay tinatawag nating mga Tradional Bettas. Ngunit patuloy na nagbabago ang mga itsura ng mga isda habang tumatagal. Nagkakaroon na ng ibat ibang produkto ang pag bibreed at dito na simulang na develop ang mga isda.

2 bagay ang responsable sa pag kakaroon ng magandang Fins ng mga Betta. Una ay ang kapal o volume ng fins at pangalawa ang dami ng Rays nito.

Sa Show Bettas kalimitan sa Halfmoon, Doubletail Halfmoon at Halfmoon Plakat tunay na makikita ang kahalagahan ng dami ng Rays at Volume ng Fins.

Upang ma-achieve ang 180Degrees na buntot, kalimitang kakailanganin ng kahit 4 Ray Branching na buntot ng isang isda tulad ng nasa larawan, kailangan din ng makapal na volume ng fins para makamtan ito.

May mga isdang 4 Rays din naman ngunit kinukulang sa Volume ng Fins kaya sila nahihirapang ibuka ang kanila mga Fins sa 180 Degrees.

Kadalasan din mas makakakita tayo ng mas marmaing Ray Branching sa mga Halfmoon at Doubletail Halfmoon sa kadahilanang mas makakapal at mas mahahaba ang mga Fins nito, at ang mga Branching ay kailangang mas dumami upang masuportahan ang kabuuan ng mga buntot.

Isa din sa tinitignan sa Judging ay ang pag kakaroon ng pantay ng dami ng Rays dahil dito mo makikita ang perpektong pagkakabuo ng istraktura ng isang Fin.

Ngunit dapat tayong mag ingat dahil ang pagkakaroon ng sobrang daming Rays halimbawa ay 16 Rays pataas ay napakahirap ng i maintain sa kadahilanang naaapektuhan din ang ibang unpaired fins ng isda at mag reresulta sa sobrang kapal, patong patong at iregular na istraktura ng mga Fins na babasag sa balanse ng ating mga Betta.

Ang selective breeding ay isa sa mga paraan upang macontrol ang 2 factor na mag bubuo sa magandang istraktura ng Fins. Marapat lamang na hindi maghiwalay ang dalawang factor na ito sa pagpili ng pares, una ang Tamang Ray Branching at pangalawa ang Tamang Kapal o Volume ng Fins.

 #4want to learn more about betta?please like and follow Betta Talk ctto 💙💚🐟
10/02/2023

#4

want to learn more about betta?

please like and follow Betta Talk

ctto 💙💚🐟

#4

"Betta Tip of the Day"

Ano ba ang gamit ng "rock Salt" sa pagbebetta?

Ang rock salt ay isa sa mga kabigan nating supplies sa pagbebetta, ito ay ginagamit sa pagmaintain ng tubig para makaiwas sa ibat ibang uri ng sakit na nag mumula sa bacteria, fungi at iba pa.. Sikat ang rock salt sa pag papagaling ng "Ich" or white spot disease...
Paalala lamang na kung gagamitin ito sa maintenance at grooming siguraduhing sakto lamang ang paglagay, mga 1 hanggang 2 kurot ng rock salt para sa maintenance sa kadahilanang maaaring makasunog ito ng fins ng betta na magreresulta sa pamumula at pag pangit ng kulay nito..

Benefitial din ang rock salt dahil tinutulungan nitong linisin ang hasang ng mga betta, at kapag malinis ang kanilang hasang mas maganda ang kanilang oxygen intake na nag papatibay ng kanilang baga at puso.

Ginagamit din ang rock salt sa pag gawa ng artificial salt water para sa paghahatch ng BBS or Baby Brine Shrimp eggs na ginagamit na pagkain para sa mga fry...

Tandaan, "rock salt" po at hindi "iodized salt" sa kadahilanang ang Iodine ay may masamang epekto sa mga freshwater na isda...

want to learn more about betta?please like and follow Betta Talk ctto 💙💚🐟
08/02/2023

want to learn more about betta?

please like and follow Betta Talk

ctto 💙💚🐟

#3

"Betta Tip of the Day"

Sa ating hobby meron tayong tinatawag na "3 Propers" para makondisyon ang ating isda sa breeding o sa show, ito ay:

Proper Feeding - Maaari nating pakainin ang ating mga betta ng high protein foods gaya ng mga kiti kiti at ibang betta formula na mataas sa protein, ito ay para mag build ng muscle at magkaroon ng matikas na pangangatawan upang magsuportahan ng tama ang mga finnages ng betta. Ginagamit din ang ibang live foods gaya ng tubifex worms upang makakuha ng fat content para sa mga babaeng bettas ng sa gayon ay madali silang maka accumulate oh mag produce ng eggs sa breeding. Ang pag papakain ay maaaring isa o 2 beses sa isang araw depende sa pangangailangan ng iyong isda, ang over feeding ay masama at pwedeng mag dulot ng ibat ibang sakit, disorder at pagka deporma ng katawan.

Proper Flaring - ito ay importante sa pangkabuuuang kalusugan ng mga betta, dito din mapapractice ang mga isda sa show. Ito ang pangunahing exercise ng ating mga betta. Dito mo din mababanat ng husto ang mga fins ng isda upang maipakita nila ng sagad ang kanilang mga ganda. Ang flaring ay naka depende sa grooming style mo, pepwedeng 3x a day (10 minutes duration) pwede rin naman mas madami pa depende sa technique na gagamitn mo, tandaan lang na bigyan ng tamang pahinga ang mga betta at lagyan ng cardings ang bawat tank ng sa gayon hindi ma over flare ang betta.

Proper Water Change - isa sa pinaka importanteng aspeto ng pag aalaga at pag kondisyon at malinis na tubig na tinitirhan ng ating mga isda, makakaiwas ka na sa sakit, maibibigay mo din sa kanila ang optimum condition ng pamumuhay para ma kondisyon ang isda sa breeding oh show. Pwede kayong gumawa ng siphon tube upang linisin araw araw ang betta tank, mga 20% portion water change araw araw at pwede mong gawan ng 50% water change once a week, pwede rin naman ang ibang technique ng pag lilinis ng tubig ang importante wag tayong gagamit ng tubig na may chlorine dahil makakadamage or makakapatay ito ng ating mga isda.

Isa lang ang magkulang or mawala diyan magkakaron na ng problema sa conditioning at grooming mo...

Happy Betta Keeping mga ka-Hobby, makikilike ng ating page for more betta care tips!

want to learn more about betta?please like and follow Betta Talk ctto 💙💚🐟
07/02/2023

want to learn more about betta?

please like and follow Betta Talk

ctto 💙💚🐟

#2
"Betta Tip of the Day"

Dried Talisay Leaf- Indian Almond Leaf

Ano nga ba ang gamit ng Talisay sa ating mga alagang betta?
A. Ponds and swamps na puno ng mga nalaglag na talisay ay ang tunay na tirahan ng mga wild bettas, at ang betta na nakatira sa natural habitat niya ay mas nagiging matibay at malusog.
B. Talisay is rich in "Tannins" isang chemical na responsable sa pagkukulay tsaa ng tubig, ang tannins na to ay tumutulong na magpababa ng pH ng tubig which most fresh water fishes wanted
C. Ang talisay ay nakakatulong para maging hudyat sa mga bettas upang mag breed, tumutulong ito para mag signal sa male at female betta na mag handa sa breeding kaya ito ginagamit sa conditioning..
D. Ang talisay din ay ginagamit sa pagcocondition sa show at sa grooming, pinapatibay ng talisay ang scales ng betta, pinapalabas ang nakatagong mga kulay at pinapaganda ang over all health status ng betta pero ingat lang sa mga light colored bettas gaya ng white, cellophane at pastels dahil pwede nitong mapalabas ang unwanted red washes and stains.
E. Ang talisay sa breeding tank ay nagpoproduce ng infusoria na pwedeng maging pagkain ng mga fry sa unang linggo nitong pamumuhay bago mag introduce ng ibang food like daphnia, microworms at BBS...

ctto 💙💚🐟
06/02/2023

ctto 💙💚🐟

#1
"BETTA TIP OF THE DAY"

Deportment - ano ito, at maganda ba ang bettang may astig na deportment?
Isa sa mga pinakaimportanteng aspeto kapag lalaban ka sa isang show ay ang condition ng isda, hindi maaari ang mabagal, nasa ilalim or taas lang palagi, at hindi nag feflare... Good Deportment ang tawag sa condition ng isdang matapang, maliksi at maganda mag flare... Kadalasan may mga isda na hindi ganun kaganda pero pag maganda ang deportment nya na tipong ilalapit mo palang ung daliri mo sa tank eh nagagalit na xa at nag feflare ng matindi, hindi nag wawala ang kilos banayad gumalaw pero bukang buka ang operculum (gill cover) at banat na banat ang mga fins...
Sa pagalingan mag condition at mag groom napapaganda ang deportment ng isda, dapat ding sanayin makipag flare sa malalaking kalaban dahil sa show hindi mo masasabi kung cno ang makakaharap nya, maaari mong ikatalo at ika disqualify kapag hindi nagfeflare dahil takot ang betta mo...
Another info for every betta hobbyist dito sa ating Page.. Tandaan, deportment will make or break your dreams to win the show...

Pa like nadin po ng ating page mga ka hobby! Malaking tulong po ito sakin, maraming salamat!

Welcome to the hobby !! 🐟Happy Betta Keeping !!❤️
01/06/2022

Welcome to the hobby !! 🐟
Happy Betta Keeping !!❤️



Going to Vito Cruz !!maraming salamat po
29/05/2022

Going to Vito Cruz !!

maraming salamat po


Address

San Jose Street

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AquaRanda posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Pet Store/pet Service?

Share