01/03/2024
𝐃𝐎 𝐍𝐎𝐓 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐎𝐑𝐓 𝐁𝐀𝐂𝐊𝐘𝐀𝐑𝐃 𝐁𝐑𝐄𝐄𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐍𝐁𝐑𝐄𝐄𝐃𝐈𝐍𝐆
Sa dami ng mga nahihirapan na mga shelters at rescuers, nakakalungkot na makakita ng ganitong sitwasyon — purebreed dog na nagsimula sa 5, ngayon ay 200 na.
Hindi sapat na mayroon silang pagkain at tirahan, dapat ay sapat, maayos at tama ito para sa kanila.
Ang pagpaparami ng mga alagang hayop through “mating” sa sariling bahay na walang kaukulang permit ay tinatawag na “backyard breeding” at ito po ay illegal. Lalo na kung ang mga ito ay ibinebenta o pinagkakakitaan.
Ang “inbreeding” naman ay ang pagtatalik ng magkapatid o anak at magulang na hayop. Ito ay nagreresulta sa mas mahinang mga anak na kadalasan ay maraming sakit at komplikasyon.
Sa laki ng problema natin sa animal/stray population at animal welfare abuses, ‘wag na sana tayong dumagdag pa. Ipakapon ang mga alaga kung hindi kayang kontrolin ang kanilang pagdami. Hindi na ito pagmamahal kung sarili lamang natin ang ating iisipin at hindi ang kanilang pangmatagalan na kapakanan.
—
Sa mga nais magpakapon ng mga alaga nila, i-check ang aming feature post o i-click ang link sa ibaba:
https://tinyurl.com/MARCH2024MASSNEUTEREVENTSPPP