07/01/2022
Narito ang guidelines para sa UNVACCINATED INDIVIDUALS sa Caloocan ngayong nakasailalim ito sa Alert 3 base sa pinirmahang ordinansa ni Mayor Oca Malapitan.
• Bawal lumabas ang mga hindi fully-vaccinated, maliban na lamang kung kakailanganin ng ESSENTIAL goods o services.
• Bawal magdine-in, pumunta sa mall, maglaro ng anumang contact sports, magpunta sa salon o spa, at iba pang uri ng recreational o leisure activities.
• Ang mga hindi fully-vaccinated na nagtatrabaho ay kinakailangan magpresenta kada dalawang linggo ng negative RT-PCR test (personal expense). Sa pagkakataon na ang RT-PCR test o result nito ay hindi kaagad available, maaaring magpresenta ng Negative Rapid Antigen Test bago makapasok sa trabaho.
• Ang domestic travel sa pamamagitan ng public transportation ay hindi papayagan, maliban kung para sa ESSENTIAL goods o services tulad ng pagbili ng pagkain, tubig, gamot, at medical services.
• Ang sinumang mahuhuling lalabag ay papatawan ng penalty, kabilang maging ang owner, manager o operator ng establisyemento, employer ng kumpanya, driver o operator ng pampublikong sasakyan.
•PENALTY:
First offense: Multa na P2,000 o pitong araw na pagkakakulong o pareho, depende sa diskresyon ng Korte
Second offense: Multa na P3,000 o labinlimang araw na pagkakakulong o pareho, depende sa diskresyon ng Korte
Third Offense: Multa na P5,000 o tatlumpung araw na pagkakakulong o pareho, depende sa diskresyon ng Korte.
Patuloy na hihikayat ang mga mamamayan na magpabakuna para sa mabisang proteksyon laban sa malalang COVID-19. Bukas ang mga vaccination site sa Caloocan araw-araw mula Lunes hanggang Linggo. Tatanggap ng walk-in, taga-Caloocan man o ibang lugar.