TG LOFT TV - Tomski Loft

TG LOFT TV - Tomski Loft Pigeon Fancier, it's all about pigeon racing and proper care.

Van Den Broucke X Van Den Bosh
03/02/2024

Van Den Broucke X Van Den Bosh

NaPrint ko na to s tarp di lang nagkaroon ng pagkakataon ipaskil sa loft ko kasi nag-migrate kami bigla dito sa Davao. t...
11/01/2024

NaPrint ko na to s tarp di lang nagkaroon ng pagkakataon ipaskil sa loft ko kasi nag-migrate kami bigla dito sa Davao. tsk.

19/09/2023

Good line. Jaime Lim X Janssen

27/08/2023

The Return of Tomski Loft TV

10/02/2023

Napakaraming Taiwan Pigeons kaya pala ang daming nahuhuli sa dagat eh kasi sa dagat rin ang release.

Future warriors Davao bred.
28/01/2023

Future warriors Davao bred.

Subukan natin sumali dito sa bagong oigeon racing club na ito.
20/01/2023

Subukan natin sumali dito sa bagong oigeon racing club na ito.

Next na sasalang for breeding. Mag-inbreed tayo. Ipapares ko siya sa nanay nya para solid.
20/01/2023

Next na sasalang for breeding. Mag-inbreed tayo.

Ipapares ko siya sa nanay nya para solid.

20/01/2023

Malapit lapit na magkaroon ng panlaban hehehe

1st batch of Davao Breeding.
12/01/2023

1st batch of Davao Breeding.

12/01/2023

First official vlog ko from Davao... sorry di kumpleto ang video snippets ko nasira kasi laptop ko. Welcome to my first breeding in Davao City.

28/11/2022

đź•Šđź•Š Bago ka ba sa pag Kakalapati? Bibili ka ba ng Kalapati? Ito ang mga mahahalagang Detalye bago ka Bumili. (Pinaka Importante sa Lahat no.1) đź•Šđź•Š

Huwag Bumili ng Tukod/Dagit/Lambat na Kalapati 🔥 "Tandaan Ito ang pinaka Kalaban ng Pigeon Racing"(Malamang unang papasok sa Isip nyo mura to, ito na ang pag kakataon makabili ng Lahi ng Sikat na Fancier sa Murang Halaga. Dahil sa Pag bili nyo ng mga Tukod/Dagit na kalapati lalo lamang nasisira ang Pigeon Racing sa Pilipinas. Alam nyo ba nasa Pilipinas lang uso ang Dagit, Mang huli ng Tukod. Sa Ibang bansa tulad ng Taiwan nauso ang Lambat dahil sa pag sabutahe ng Fancier o yung Maaring manalo ng Karera, samantalang sa Pilipinas ginagawa ang Lambat upang gawing Pera o Ibenta sa merkado. Kaya habang hindi nauubos ang bumibili ng mga tukod/dagit hindi matitigil ang ganitong kalakaran.) Nakamura ka nga ngunit mayroon pang isang hindi magandang maidudulot ito sa loft mo ang pagbili ng Tukod, Halimbawa nalang "Nakabili ka ng PHA Bird at natrace mo na ito ay kay Rey So, Egay Yap, Jaime Lim at iba. Pagkakataon nga naman ito magkaroon ng Ibon ng ating mga Idolo, pero ano nga ba ang hindi magandang dulot nito? Ito yung tinatawag nating Unknown Line katulad ng mga Kalapati na Taiwan/Unknown Line habang hindi natin alam ang Strain nito hindi natin magagamit o mapapakinabangan ng Maayos ang Kalapati dahil hindi natin alam ang Lahi nito. Fancier 1: Rey So Bird nga ito eh Alam nga natin na Rey So Bird ito pero tandaan nyo maraming Strain ang ginagamit ng ating mga iniidolo maaring ito ay pang Short Distance okaya ito ay pang Long Distance dito mag kakaroon ng problema sa iyong pag brebreed isipin mo nalang mag hihintay ka ng Isang taon upang masubukan ang linyada nito dahil hindi mo nga alam kung hanggat saan ang kakayahan ng Ibon. yung Limang daan mo ay Katumbas ng Isang taong Paghihirap at ito ay pag sasayang lamang ng Panahon.

Huwag bibili ng murang Kalapati na Tig 50-500 Pesos (Grabe ka naman ito lang ang kaya ng Budget namin)• Isipin mo nalang bibili ka ng 150 Pesos na Kalapati at ito ay Unknown Line, at ieentry mo sa mga Club na halagang 300 hanggang 1000 Pesos. Isusugal mo ba ang Isang taon mong pag Brebreed sa halang 150 para Ikarera sa mga subok ng Kalapati. • Isipin mo nalang ni Wala kang kasiguraduhan kung ano Lahi at ang kakayahan ng Ibon na to. Ito nga ba ay pang Short Distance o pang Long Distance? Eh sabi ni Juan yan daw ay lahi ng Janssen, Van den broucke, Jan Aarden at iba pa. Sa tingin mo Ibebenta yan ni Juan sayo sa halagang 50-500 pesos kung Totoo ang sinasabi niya? (Ito ang pang karaniwang pang Salestalk sa mga Newbie para sila ay Malinlang)

Bumili lamang sa mga Fancier na nakapag panalo na o Nakatapos/Nakasubok na sa Pag Kakarera(Newbie 1: "Eh sabi ni Juan sakin magagaling daw ang kalapati niya Janssen ang Lahi hindi lang naisali sa Karera Champion sana." "Ito daw ang Bilhin ko muntik na daw to mag champion kinabukasan lang nakauwi sayang" ) • Tandaan nyo modern na tayo ngayon, madali ng matukoy ang mga resulta ng fancier kaya umiwas tayo sa mga haka haka lamang. Humingi ng Resulta o Katunayan na ang Lahi nito ay Naikarera. • Maraming Magagaling na Fancier ang nakikita kong nag aalok ng Budget o Murang kalapati sa tamang Presyo 3-5k Pesos ay Sapat ng panimula para magkaroon ng Magaling o Matibay na Pundasyon sa Pagkakalapati. • Hanapin nyo sa bibilhan nyo ang mga Anak ng Champion o dikayat mga Anak ng Finisher, sa paraang Ito mayroon ka ng sapat na ebidensya na may kakayahan ang Kalapati na Lumipad sa distansyang lalahukan mo. • Kung may Budget naman at may kakayahang bumili ng Magagaling na Kalapati, Dumirekta sa mga Iniidolo nating Fancier, dahil sila nga ay nakapag Kampeon na sa larangan ng Pag Kakalapati magkakaroon ka agad ng Matibay at Magaling na Pundasyon kailangan nalamang ng Tamang Systema (Pagusapan natin ito sa susunod)

Bumili ng Kalapati na may Pedigree o Talaan ng Magulang nitoIsa sa mga pinaka importanteng bagay bago bumili ng Kalapati/Breeder ay ang Pedigree (Lalo na kung ikaw ay Baguhan) Ito ay mahalaga dahil dito malalaman at masisiyasat mo ang Bloodline/Strain/Lahi ng Kalapati na bibilhin mo, Ito rin ang ebidensya kung ano ang mga naging Resulta ng Karera ng mga Ninuno ng Kalapating Ito. Mahalagang Malaman mo ang Kasaysayan ng Lahi nito dahil dito mo matutukoy ang Kakayahan ng Ibon, Sa Paraang Ito hindi ka mag aaksaya ng Panahon o taon sa pag subok ng lahi ng Kalapati na bibilhin mo. • May mga sikat na Fancier ang hindi nag bibigay ng Pedigree, Walang problema sa bagay na to dahil ang mga ito ay Subok na at mapag kakatiwalaan na. gayunpaman halos karamihan sa mga Sikat na Fancier ay nag bibigay ng Pedigree dahil isa rin itong Katunayan na ikaw ay may Hawak ng Bloodline ng kanilang Ibon.

Higit sa lahat ay Kumalap muna ng Impormasyon. • Mahalagang kumalap muna ng mga impormasyon patungkol sa mga patungkol sa Kalapati na nais mong bilhin. Kung ano nga bang Lahi ang iyong nais at ano ang History ng Kalapating ito. • Kumalap ng Impormasyon patungkol sa mga Fancier na nag bebenta ng Kalapati, Mahalagang kilalanin muna o Kilatisin ang bibilhan mo ng Kalapati. • Pag aralan ang mga advance technique sa pag pili ng Kalapati, Halimbawa nalang ay ang Pag Eye Sign nito at pag tingin sa Kondisyon/Pangangatawan ng Ibon.

Laging tatandaan lamang ang may alam.

23/11/2022

To All News Media

Wag nyo naman palabasin na ang Pigeon Racing is gambling.

This is Pigeon Sports. There are a lot of technical factors, we breed and train our birds for several months just for them to be ready for a race.

There are only 3 seasons in a year Summer, NDR and SDR hindi naman gaya yan ng sabong na pede every week.

Matagal na po ang Pigeon Racing dito sa Pilipinas since 1960s pa. Bakit ngayon nyo lang yan pinapansin? Dahil ba lumalakas na yung industriya?

In my own personal opinion Pigeon Racing promotes friendship, brotherhood and camaraderie.

We also teach our children to be pet lovers and be responsible human being.

We also give pride to our country because some of our Filipino Pigeon Fanciers are now competing in international level like Pattaya Thailand, Victoria Falls, Afrika Pro and Dubai OLR.

We are just asking to be more responsible sa mga news lalabas nyo because you are not only hurting our industry but the dream of our young pigeon fanciers as well.

P.S. Ang bantayan nyo yung mga online gaming dyan pedeng maraming gambling kc before you use the game you need to provide gcash accounts para makataya.

Yours truly,

Proud Pigeon Fancier

Malapit nang matapos ang bagong tahanan ng Tomski Loft Davao City.
22/10/2022

Malapit nang matapos ang bagong tahanan ng Tomski Loft Davao City.

Back in the early '80s...Location: Nayong FilipinoEvent: High school field tripBird: Racing PigeonColor: "Kalawang" ang ...
17/09/2022

Back in the early '80s...
Location: Nayong Filipino
Event: High school field trip
Bird: Racing Pigeon
Color: "Kalawang" ang tawag kapag brownish. :-)
SELF TOSS or "BITAW" (that's what we call it back in the day)

16/09/2022

Parang jowa mo lang na kapag masama ugali mo, at pinalaya mo... hindi ka na talaga babalikan. :-D

Consistent mag throwback ang mag-tita na bluebar.
12/09/2022

Consistent mag throwback ang mag-tita na bluebar.

Wing Master products for sale:Racer Mix P55/kiloImmunity Booster P17/sachet
26/08/2022

Wing Master products for sale:

Racer Mix P55/kilo
Immunity Booster P17/sachet

23/08/2022

Nakaka-awang loft bwisitor... naka ilang bugaw nako bumabalik parin dalawang gabi magkasunod. Pangalawang gabi pinapasok ko na dahil sobrang lakas ng hangin may parating na bagyo. Hiniwalay ko agad ng cage para iwas hawa kung may sakit man.

Next video ipakita ko ang pag release ng ibong ito kung walang mag claim.

23/08/2022

Youngbird na walang appetite? Double check mo muna, baka nag a-acclimate lang siya!

Madalas, kailangan nila ng 1 - 2 araw para masanay sa bago nilang lugar, at sa pagkain na hindi kasama ang mga magulang.

Saturday Loft Visitor…. as in visitor lang talaga.2x ko binugaw nung umaga umikot lang at bumalik rin sa bubong ng loft ...
21/08/2022

Saturday Loft Visitor…. as in visitor lang talaga.
2x ko binugaw nung umaga umikot lang at bumalik rin sa bubong ng loft ko. Pero after after ng maghapon tumambay sa ibabaw ng loft eh lumayas rin hahaha. Naki chismis lang hahaha

20/08/2022

NAKAKAHAWA ANG MASAMANG UGALI NG IBON.
KAWAWANG YB UMUWI GALING LOFT FLY WALA NANG TUKA.

20/08/2022

Isang YB naten pag uwi galing loft fly wala nang tuka! Mabuti nalang di kasali sa SDR natin. :-D

WingMaster is UNAHCO’s newest business unit which carries a complete portfolio of specialized pigeon products that inclu...
18/08/2022

WingMaster is UNAHCO’s newest business unit which carries a complete portfolio of specialized pigeon products that include top-quality feeds, supplements, medication, and vaccines for the Champion Filipino Pigeon Fancier

15/08/2022

SDR YB Loft Fly Training... Walang kwento pero may kwenta. ;-D

One of my foundation birds.
15/08/2022

One of my foundation birds.

12/08/2022

Sa bawat batch ng YB's natin palaging may isang pasaway.
Parang sa barkada lang na palaging may isang bungingo hahaha

07/08/2022

LOFT VISITOR AGAIN. KAMUKHANG-KAMUKHA NG NAWALA KONG IBON HAHAHAHA MUKHANG JANSSEN RELAX NI XMAKINA BAKA SA KANYA ITO HAHAHA

Address

2A Galatian Street , Camella Homes Classic, Pilar Village
Almanza Dos

Telephone

+639168935229

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TG LOFT TV - Tomski Loft posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

Nearby pet stores & pet services