31/10/2023
Sa mga may balak mag "regalo" ng puppy especially ngayon pa tapos na ang taon... Lalo na pag "surprise"...Wag po ninyo gagawin yan hanggang makausap ninyo ang potential fur parent! Kawawa po ang mga aso. Discuss nyo muna sa potential owner kung dog lover ba sya, kung allergic ba sya, kung gusto ba nya at 100% committed na mag alaga sa buong buhay ng dog. Kasi pag nag bigay kayo ng puppy, buhay yan eh, trust nyo yung potential fur parent na alagaan nila ang puppy ng maayos, bigyan ng tamang lugar sa bahay nila, gastusan sila sa dog food at pa vet, at mamahalin sya sa buong buhay nila, hindi puro kulong lang. Malaki po ang responsibility mag alaga ng aso lalo na ang chow chows, high maintenance po sila, prone sa kung ano anong sakit. Financially handa po ba kayo sa ganyan. Mga bakuna, deworm, anti rabies, etc. Marami po nagpo post sa Facebook humihingi ng tulong. Hindi nila kaya ang vet bills. Pinapa bayaan ng iba hanggang mamatay na lang dahil hindi nila mapa gamot.
Mag isip isip muna kayo at gawin ang tamang research sa chow chows bago mag alaga. Yung inyong well intended gift na puppy ay maaaring maging unwanted pet, yung pet owner pwede maging overwhelmed, and yung puppy naman ang magiging kawawa at umabot sa neglect at abandonment. Tapos pa rehome lang or pamigay sa iba... Tapos magtataka bakit may temper issues. Yes, napaka ganda ng chow chows, my favorite breed. Yes, maganda sya as regalo dahil cute, fluffy, mukhang teddy bear... Pero please naman... Buhay yan... May feelings din...Dapat sigurado ang pag bibigyan na gusto talaga nila at super love nila, and magiging responsible fur parent na talagang maaalagaan.
Hindi po ako "backyard breeder" lang na walang pakelam basta maka benta lang ng chow... Ingat po sa mga super cheap priced na chows dahil sigurado hindi yan puro or standard quality lang. Always check the dam and sire. What you see is what you get. Quality po mga chows ko, ginawa ko silang investment, kasama ko sa bahay, kasama ko sa kwarto, sobra alaga ko sa kanila and hindi sila naka kulong at pa anak lang ang purpose. Ako lang po ang nagpapa anak sa kanila and ako lang din nag aalaga ng puppies hanggang ma release. Complete updated ang kanilang vet records. Kaya hindi po sila budget meal dahil pawis, hirap, pagod at gastos ginagawa ko sa kanilang lahat. Kaya expect 100% pure, high quality chows pag sa akin galing.