White Rabbit Territory

White Rabbit Territory This page is all about rabbits (& bits of my other farm buddies)
I've been farming rabbits since 2013
(1)

Andami palagi nagtatanong kung kay rabies po ang rabbits, heto po ang kasagutan. Basa po.
18/06/2024

Andami palagi nagtatanong kung kay rabies po ang rabbits, heto po ang kasagutan. Basa po.

Posible bang magkaroon ng Rabies ang mga Rabbit ?

Mang-Damo, Makalmot at Makagat. Yan ay Ilan lamang sa normal na nararanasan nating mga Rabbitero, kumbaga hindi kapa nabibinyagan kung hindi kapa nakakagat o nakakalmot ng Rabbit(s) mo.

Pero pag usapan natin yung katanungang:
“May Rabies ba sa kagat o kalmot ng Rabbit?”

Pero bago ang lahat ano nga ba ang Rabies ?
Ayon sa kaibigan kong si Merriam Webster, ang Rabies daw ay :

“an acute virus disease of the nervous system of mammals that is caused by a rhabdovirus (species Rabies virus of the genus Lyssavirus) usually transmitted through the bite of a rabid animal and that is characterized typically by 1. increased salivation, 2.abnormal behavior, and 3. eventual paralysis and death when untreated.”

Note:
(Nilagyan ko ng numbering yung mga signs na may rabies ang isang hayop)

Ito ay isang virus sa nervous system ng mga mammals na nakukuha sa kagat ng isang rabies infected na hayop.

So, paano pwedeng maging carrier ang Rabbit ?

Mammal ba ang isang Rabbit ? Oo syempre ! Lahat ng hayop na warm blooded at nagpapasuso ng anak nila ay isang Mammal.
At pag sinabi nating Virus, hindi po ito basta basta ! Dahil ang Virus po ay nakakahawa maaaring sa laway, dugo o anumang likido na maaaring manggaling sa isang virus infected na tao o hayop.
Malaking halimbawa ang nararanasan nating COVID sa sinasabi nating Virus.

Ngayon halimbawa, ang isang rabbit ay nakagat ng isang a*o, pusa o anumang hayop na may rabies, yes po ! Opo . Magiging carrier po ng Rabies ang inyong rabbit at kung makagat din kayo ng rabbit na may rabies , possible din po na mahawa kayo o magkaroon ng rabies.

Pero … wag kang mag-alala. Low chance at low risk naman talaga ang mga rabbits sa Rabies, bakit ? Syempre! Ang mga Rabbits ay madaling mamatay kung makakagat man sya ng isang hayop e, maaari mamatay agad sya sa pagkakakagat mismo o sa shock nito, bago pa sya maging carrier.

At bilang isang patotoo na talagang low risk o low chance ang rabbits sa rabies ay, ako po ay walong taon na sa pagra-Rabbit, kalmot at kagat ay naging parte na ng buhay ko. Pero hanggang ngayon .. i’m still kicking and breathing.

Kaya naman masasabi ko para maiwasan natin ang ganitong Rabies nato ay dapat i-safety natin mga alaga natin sa mga wild animals na umaaligid sa kanila, maayos na kulungan at tandaan po natin na 1 Rabbit = 1 Cage po palagi lalo pag 3 months pataas na ang alaga natin.

Salamat sa pagbabasa mga Kaibigan !
Kung may tanong ka o karagdagan comment mo lang dyan.
Pwede i share pero bawal copy paste.

At last na, paFollow narin ng aking Youtube Channel, magpopost din ako dun ng mga videos about Rabbits. Heto Link:

https://youtube.com/channel/UCJyxktkIKZ9eDKtCCAAVFWA

Salamat po ulit at Ingat po tayo lahat ! 🐰✌️

FAQ https://tinyurl.com/DextrosePowder❓Pwede ba ang Dextrose Powder sa buntis na rabbit? Yes. Pwede sa buntis, nagpapade...
22/06/2023

FAQ https://tinyurl.com/DextrosePowder

❓Pwede ba ang Dextrose Powder sa buntis na rabbit?

Yes. Pwede sa buntis, nagpapadede, nanghihinang rabbit.

❓Para saan ang Dextrose Powder?

It is a carbohydrate and valuable source of energy rapidly and easily absorbed. It stimulates healthy appetite and sustains adequate water intake. It is indicated for animals in building stamina and vigor before and after strenuous activities. It compliments treatment and management of debilitated animals in cases of dehydration electrolyte, imbalance, diarrhea, vomiting, convalescence, and during periods of stress and disease conditions.

❓Gaano karaming Dextrose Powder ang pwede kong ibigay sa aking rabbit?

Dissolve 2 tbsp of powder in 250 mL water. Serve! Either forced or not.

https://tinyurl.com/DextrosePowder

It's that time of the year! Tuyot nanaman mga damuhan.
17/05/2023

It's that time of the year! Tuyot nanaman mga damuhan.

Nahaggard kakahagilap ng Damo. 😝

Credits to: Khetts rabbitry

Nahaggard kakahagilap ng Damo. 😝Credits to: Khetts rabbitry
23/03/2022

Nahaggard kakahagilap ng Damo. 😝

Credits to: Khetts rabbitry

Mga Kaibigan !I-handa ang Unliwater at Mag-imbak na ng Kadamuhan. (pwede ring magtanim na ng damo.)Heto na ang tag-init,...
16/03/2022

Mga Kaibigan !

I-handa ang Unliwater at Mag-imbak na ng Kadamuhan. (pwede ring magtanim na ng damo.)

Heto na ang tag-init, Hello, Heat Stroke at Hello, Ubusan ng Grass na naman.

Maging Handa na sa Tag-init. Ika nga’y daig pa ng maagap ang masikap.

Keep safe y’all ! ☝️

IT'S OFFICIAL, DRY SEASON IS HERE! ☀️

JUST IN: PAGASA officially declares the start of the dry sea*on in the Philippines.

Naalala ko tuloy si Rubb , yung kinwento ko sa inyo na 8 years old kong Rabbit.Wala na sya. 9 years old na sana sya this...
25/02/2022

Naalala ko tuloy si Rubb , yung kinwento ko sa inyo na 8 years old kong Rabbit.
Wala na sya. 9 years old na sana sya this coming April.

Hop Free Rubb ! 🤧

Yung inuna mong magsalita kaysa mag-isip kung tama ba yung sinasabi mo.Wag ganon, Bad yun. 😆Kaya iwan ko nalang to dito,...
22/02/2022

Yung inuna mong magsalita kaysa mag-isip kung tama ba yung sinasabi mo.

Wag ganon, Bad yun. 😆

Kaya iwan ko nalang to dito, kayo na bahalang humusga.

Bye Babies ! Pakabait kayo sa mga bagong amo nyo. 🤧
20/02/2022

Bye Babies ! Pakabait kayo sa mga bagong amo nyo. 🤧

1st time Babies ni Poopy. 😍Nagulat ako nanganak sya ng hindi ko inaasahan.1 Falldown lang kasi yung nangyare.Anyway, buh...
12/02/2022

1st time Babies ni Poopy. 😍

Nagulat ako nanganak sya ng hindi ko inaasahan.
1 Falldown lang kasi yung nangyare.

Anyway, buhay lahat sila. 8Kits na naman. 😊

Update , baka may hahabol dyan ! 😉
05/02/2022

Update , baka may hahabol dyan ! 😉

UpLNZ Rabbits ! Pwede pang-Gift sa Valentines Date mo! ❤️2 Months ngayong araw sakto !2 Bucks & 2 Does Available.Message...
04/02/2022

UpLNZ Rabbits ! Pwede pang-Gift sa Valentines Date mo! ❤️

2 Months ngayong araw sakto !

2 Bucks & 2 Does Available.
Message lang for details.

May bagong salta samin. 🤣F1 Cali galing Novaliches. 🐇
02/02/2022

May bagong salta samin. 🤣

F1 Cali galing Novaliches. 🐇

Available ! PM for details.
01/01/2022

Available !
PM for details.

31/12/2021

Happy New Year !

Sa totoo lang, ang sarap sa pakiramdam ng ganito. ❤️Shout out po sa lahat ng may rabbits galing sakin.HAPPY KEEPING po. ...
08/10/2021

Sa totoo lang, ang sarap sa pakiramdam ng ganito. ❤️

Shout out po sa lahat ng may rabbits galing sakin.
HAPPY KEEPING po. 🐇

Yes! Pwede mo silang maging Pet for a Friend.Pero PAWS, hindi mo pwedeng sabihing hindi sila pwedeng gawing Food.May mga...
06/10/2021

Yes! Pwede mo silang maging Pet for a Friend.

Pero PAWS, hindi mo pwedeng sabihing hindi sila pwedeng gawing Food.
May mga klase ng Rabbit na Small Size which is karamihan nandoon ang Fancy or Pet Type.
Medium to Large Breeds naman ang mainam pang Food Consumption dahil di hamak na mas malalaki sila, kabilang dito ang NZ, Cali atbp.

Marahil, iba dyan iniisip kawawa naman yung Rabbit.
Pero sarap na sarap kumain ng Hotdog, Liempo, Ham atbp.
Tanong ko lang, naawa din ba kayo sa mga Manok, Baboy at kung ano pang mga hayop ang ginamit sa mga kinakain nyo ?

Wag po tayong IGNORANTE.
Hindi porke, Manok at Baboy lang ang kilala ng tiyan ng mga Pilipino ay hindi na tayo pwedeng makadiskubre pa ng iba.

Kung alam nyo lang at nagreresearch sana kayo, matagal nang main source ng karne ang Rabbit sa Europa at kung saan saan pang lupalop ng mundo. Pwede kang mag-Google para alam mo, pero kung tinatamad ka, may Link ako dito galing kay Oxford.

Heto magbasa ka :

https://academic.oup.com/af/article/4/4/62/4638826

Uulitin ko , pwede silang Gawing Pet, pwede ring Karnehin.
Its a matter of choice. At Please, wag po tayong IGNORANTE.
Salamat.

UPDATE: Not Available napo, may kumuha na. 😉Baka may naghahanap pa dyan 😏Doe and Buck yan.PM nalang for details.Keepsafe...
09/09/2021

UPDATE: Not Available napo, may kumuha na. 😉

Baka may naghahanap pa dyan 😏

Doe and Buck yan.
PM nalang for details.

Keepsafe everyone. 🐰

Address

Mahabang Parang
Angono
1935

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when White Rabbit Territory posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

Nearby pet stores & pet services


Other Angono pet stores & pet services

Show All