16/08/2021
LECHON RABBIT, AGAW-ATENSYON SA BULACAN
Matapos magviral at ma- kamakailan ng mga giant rabbit sa San Ildefonso, Bulacan, mas marami nang netizen ang nagkaka-interes sa pagkain ng rabbit meat, lalo na't apektado ngayon ang suplay ng baboy dahil sa African swine fever (ASF) outbreak sa bansa.
Sa katunayan, naagaw ang atensyon ng ilang Bulakenyo sa "lechon rabbit" na inihahanda ng negosyo ni Aldrin Jonel Sahagun sa Poblacion, Santa Maria.
May pangalan na "Health Shaker," nagsimula ang negosyo ni Sahagun magluto ng lechon rabbit noong Oktubre ng 2020.
"Masasabi ko po medyo lumakas lalo na naipromote sa TV ang rabbit meat," pahayag ni Sahagun sa GMA News Online.
Aniya, bagay ang lechon rabbit sa kahit anong sauce, mapa-toyo mansi, gravy o ketchup man. "Pero I'm sure po malasa po kahit walang sauce," dagdag niya.
Ngunit sa kabila ng pagtaas ng interes sa rabbit meat ay marami pa ring Pinoy ang nagpapahayag ng kanilang agam-agam sa pagkain ng karneng kuneho.
Tugon sa kanila ni Sahagun: "Wala naman po mali sa pagkain ng rabbit meat. Sa ibang bansa matagal nang kinakain ang rabbit meat lalo na sa Europe."
"Ang rabbit meat is part of livestock kaya po walang mali sa pagkain nito," dagdag niya. (📷: Aldrin Jonel Sahagun via Health Shaker)
Bisitahin ang www.gmanews.tv para sa pinakabagong mga balita.