20/03/2022
BAGUHAN SA PAG-RARABBIT?
Narito ang The Rabbit Caring Guide na makatutulong sa ating pagku-KUNEHO!
The Rabbit Caring Guide
Rabbits are one of the most wonderful creations of our Almighty God so they deserve to have a good bunny parents and give the proper care for them.
Basic terminologies:
Buck/Sire- male
Doe/Dam- female
Kits-baby rabbits
Kindling-panganganak
Litters-dami ng anak
Weaning-pagwawalay
Ano nga ba ang mga kinakain ng kuneho?
Commercial Pellets:
-Bantrade, integra 3000, Gmp3
Grasses and Leaves:
- Nappier grass, Paragrass, Star grass, talahib
- -Madre de Agua leaves, Mulberry leaves, Banana leaves,Malunggay
-Hay/tuyong damo
--Tubig
PROPER FEEDING:
-Ang pagpapakain ng pellets ay sa umaga at hapon lamang sa daming 40grams sa palakihin at 70 grams sa lactating/nagpapasuso
-Unli grass at hay sa buong araw upang maging balanse ang kanilang kinakain
-Mahalaga na panatilihing may inuming tubig ang rabbits
-Maaring magbigay ng prutas gaya ng saging,mansanas,mangga,grapes,strawberry atbp. ngunit ibigay lng ito as treats sa knila at small amout lng dpat at siguraduhing natanggal ang buto nito
-Ang ihi ng rabbits ay nakadepende sa kinakain nla kaya no need to worry kpag napansin nyo na iba ang kulay ng ihi nla
Natural Vitamins for Rabbits:
-FERMENTED OREGANO- makakatulong pra makaiwas cla sa sipon at iba pang sakit. Maghanda lamang ng magkasing daming amount ng fresh oregano na hiniwa at molases/pulot at ilagay ito sa isang container na may takip at takpan ng mabuti at antayin maferment ng 1-2 weeks at pede nh ipainom sa mga rabbits naten. Paalala:huwag lalagyan ng tubig habang pineferment hayaan lamang na ang molases at oregano lng ang nakalagay sa container
-Maari din ipakain ang fresh oregano sa knila. Magbigay lamang ng isang dahon ng fresh oregano araw araw
APPLE CIDER VINEGAR- maraming pakinabang ang ACV sa rabbits in terms of their health lalo na sa fertility ng mga breeding doe. Sa isang galon ng tubig maglagay lamang ng 2-3 tbsp ng ACV at haluin at pede na ipainom sa kanila
Mga Pagkaing dapat iwasan:
-KANGKONG- ang kangkong ay nagtataglay ng high water content na maaring magsanhi ng diarrhea sa kanila
--maaring ipakain ang kangkong at camote tops basta kpag pinitas ngaun bukas na ng hapon ipakain upang malanta na at mabawasan ang sobrang tubig nito
-CARROTS- ang carrots ay nagtataglay ng high sugar content na maaring makasama sa kanila ang ipakain na lamang ay ang dahon ng carrots
- CABBAGE AND LETTUCE-maari clang magkaroon ng diarrhea at GI stasis kpag pinakain cla nito
-DAHON NG IPIL-IPIL- iwasang magpakain nito lalo na sa mga breeding bucks dahil maaring magresulta ng pagiging impotent/pagkabaog ng mga bucks naten
Pinapaliguan ba ang rabbit?
-Hindi. Maaring magkasakit ang rabbit kpag pinaliguan akala natin mabuti sa knila pero hndi natin alam isa ito sa pinaka ayaw nla. Maaring punasan nlang ng basang tela dahil ang rabbit ay parang pusa sanay silang maglinis ng sarili nila
CAGES
-all wired cage
- - flooring- 1/2 x 1/2 welded wire
-sidings- 1 x 1 welded wire
- -Cage size must be 2ft x 2 ft x 1ft
Ilagay ang rabbit cage sa malilim na lugar gaya ng ilalim ng puno o igawa sila ng sariling housing upang maprotektahan sila sa init at sa ulan
Ano gagawin kapag may sintomas ng heat stroke?
-karaniwang sintomas ng heat stroke ay ang biglang nagseizures/pangingisay o kaya bglang panghihina ng rabbit
- ang first aid ay punasan ng basang tela ang bandang tenga at batok o kaya nman ay ibalot ito sa tela upang mabawasan ang high temperature nito at ilagay sila sa malamig na lugar
Ano gagawin kpag nag diarrhea?
-ang sintomas ng diarrhea ay ang bglang paglambot ng dumi at malamig ang tenga ibig sabihin nadehydrate na sya
-Magpakain ng dahon ng caimito o kaya ilaga at ipainom ito
-alisin ang pellets at magpakain lamang ng hay at air dried na grasses
-Kapag ayaw uminom ay kumuha ng syringe alisin ang needle at iforce ng ipainom sa knya
-maglagay din ng dextrose powder o kaya pedialyte pra hndi sila madehydrate
Ano gagawin kapag may mange/mites/galis??
-magpahid ng virgin coconut oil, pinaglangisan ng niyog o kaya cooking oil sa infected area
Maari din magdikdik ng dahon ng madre de cacao at ipahid ito sa infected area
Kpag ayaw gumaling ay maaring magpainom ng ivermectin powder o kaya mag inject ng ivermectin pero consult expert pra sa proper dosage ng gamot
Kapag over grown ang ngipin at kuko ano gagawin??
-ang pagkakaroon ng overgrown teeth ay dahil sa pellets na kinakain nla kaya mainam na magbigay ng mga damo o kaya mga sanga ng puno gaya ng malunggay
-palagiang itrim ito pra sa kaligtasan ng bunnies at pra na din sa atin
Nakagat ako ng rabbit may rabies ba sila??
-ang rabbit ay hindi nagtataglay ng rabies dahil domesticated animals sila at all natural ang kinakain nla di gaya ng ibang pets
-hugasan lamang mabuti ang parte na nakagat
Kapag bago Lang sya sayo wag madaLas hawakan pwedeng mag dala sa kaniLa ng stress. Ilayo siLa sa maingay na ambience.
Sana makatuLong. ❤️