28/04/2024
YUNG TUMUTULO LUHA KO WHILE NAGTA TYPE NITO 🥹
Pauwi na ako ngayon from Iloilo city to Estancia, then kuya “collector” ng L300 van suddenly asked me,
“Ma’am bakit ikaw nalang mag-isa? Saan na yung mama mo? Diba parati mo siyang kasama?”
Yes! 5 yrs of monthly check up dito sa city halos kilala na talaga kami dahil sa monthly travel coz of my moms medication🥹 mula nang makapasok ako sa DepEd since 2018 from my 1st salary hanggang sa huling hininga niya last month I gave all the best for her kahit kapalit niyon ay kalimutan lahat ng wants ko and sometimes even my needs at mabaon ako sa utang coz of her previous hospitalization.
Oo! Totoo yung sinasabi ng nag re real talk na mga vlogger na “HINDI OBLIGASYON NG ANAK YUNG MGA MAGULANG NILA OR WALANG UTANG NA LOOB ANG MGA ANAK SA MGA MAGULANG NILA DAHIL RESPONSIBILIDAD NG MGA MAGULANG NA BIGYAN NG MAGANDANG KINABUKASAN YUNG MGA ANAK NILA”.
PERO BAKIT MAY MGA ANAK NA INAKO SA BALIKAT NILA ANG RESPONSIBILIDAD NA SUPORTAHAN AT PANGALAGAAN YUNG MAGULANG NILA? ACTUALLY HINDI RESPONSIBILIDAD ANG TAWAG DOON!
SIMPLE LANG!
SIMPLE LANG!
TAWAG DOON “PAGMAMAHAL NG ISANG ANAK” SA KANIYANG MAGULANG NA HANDANG PANGALAGAAN. WALANG IBANG TAO ANG PWEDENG MAG-ALAGA SA KANILANG PAGTANDA KUNDI TAYONG MGA ANAK! TAYONG MGA ANAK SIMULA PAGKABATA ANG NAKAKITA NG LAHAT NG PAGHIHIRAP NILA, YUNG BAWAT PAGPATAK NG LUHA SA MGA MATA NILA DAHIL HALOS HINDI NA NILA KINAKAYA ANG HIRAP NG BUHAY MAITAGUYOD LAMANG ANG KANILANG PAMILYA. NASAKSIHAN NATIN ANG BAWAT BUTIL NA PAWIS NA TUMUTULO SA KANILANG PAGAL NA KATAWAN SA WALANG TIGIL NA TRABAHO. KAYA THEY DESERVED THE BEST SA ABOT NG ATING MAKAKAYA!
YUNG PAG-AALAGA KO KAY MAMA?
HINDI IYON RESPONSIBILIDAD!
GINAWA KO LAHAT DAHIL MAHAL KO SIYA! MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL!
WALA AKONG PAKIALAM KUNG NAUBOS LAHAT NG SAHOD KO! LAHAT NG NAIPON KO! WALA AKONG NAIPUNDAR NA KAHIT ANO! HINDI KO NAPAGBIGYAN ANG SARILI KO FOR 5 YEARS SIMULA NANG MAGKATRABAHO AKO DAHIL MAS INUNA KO YUNG NEEDS NIYA!
WALA AKONG PAKIALAM KUNG MARAMING BAGAY ANG IPINAGKAIT KO SA SARILI KO! ❤️
MASAYA AT KONTENTO AKO SA SITWASYON COZ GOD ORDAINED IT FOR ME FOR HIS OWN GLORY!
NAMAYAPA MAN SI MAMA ALAM KO, NAMAYAPA SIYANG RAMDAM NIYA YUNG PAGMAMAHAL KO, YUNG PAG-AALAGA KO! AT NAPARANAS KO SA KANIYA ANG MGA BAGAY NA HINDI NIYA NARANASAN NOONG NAGSIMULA RIN SIYANG ALAGAAN KAMI AT KALIMUTAN RIN ANG KANIYANG SARILING KAPAKANAN PARA SA AMIN NA MGA ANAK NIYA!
SA UULITIN. . . HINDI KO SIYA RESPONSIBILIDAD!
GINAWA KO LAHAT DAHIL SA PAGMAMAHAL KO SA KANIYA!
YUNG MGA BAGAY NA IPINAGKAIT KO SA SARILI KO NOON? MABABALIKAN KO NA IYON LAHAT NGAYON NG PAUNTI-UNTI!
MAGAGAWA KO NA NGAYON YUNG MGA BAGAY NA GUSTO KO NA WALANG “GUILT” NA MARARAMDAMAN COZ I KNOW HINDI AKO NAGKULANG . . . 🥹❤️
Kaya SALUTE sa mga anak na hindi pinabayaan yung kanilang mga magulang! at congratulations sa mga magulang na may anak na NEVER KINALIMUTAN NG KANILANG MGA ANAK.
Habang kasama ninyo yung mga magulang niyo, “SULITIN NIYO YUNG PAGKAKATAON NA KASAMA SILA”.
NAG-IISA LANG SILA AT HINDI MAPAPALITAN NG KAHIT SINO SA MUNDONG ITO.
THANK YOU LORD FOR PROVIDING OUR NEEDS ALL THESE YEARS! 😇