09/04/2024
ALAM MO BA, sa Senate Bill No. 2458, Revised Animal Welfare Act, ni Senator Grace Poe, na kapag 10 o pataas ang alaga mo, kailangan ka na mag-apply ng BAI Registration? at Mayorβs Permit? siyempre kasunod na rin ng BIR Certificate of Registration, at kailangan ka na magpaimprenta at mag-issue ng resibo, magbayad ng buwis kada taon o tuwing ikatlong buwan, at magpasa ng Income Statements (paano? magtanong at magbayad ka na lang ng CPA accountant). Kung di mo magawa ang mga ito, magmulta ka o makulong ka na parang kriminal.
PERO PAANO KA MA-APRUBAHAN kung nasa βresidential areaβ ka? hindi ka pala papasa sa Zoning Ordinance, o sa DENR environmental restriction. Relocate o lumipat ka sa βagriculture landβ sa bukid o bundok, at doon kailangan ka pa rin mag-apply ng BAI Certification at Mayorβs Permit, at BIR Certification.
AT BAGO KA MA-APRUBAHAN, dahil nga maituturing ka na ngang establisimyento, may magpupunta munang mga inspektor mula sa City Veterinary Office o Municipal Agriculture Office, Sanitation, Building Official, Fire Department, Environment, at BAI, at titingnan ang septic tank mo, palikuran, pwesto ng kulungan (paano kung nakakagala lang sila sa loob ng bakuran mo at sa loob ng bahay?), baka kailangan mo pa ng fire extinguishers, fire escape, masilip pa kung pasado ka sa New Building Code.
AT DAHIL ESTABLISIMYENTO KA NA, pwede ka nang bisitahin (na parang karinderya) ng Barangay, HOA, mga ahensya ng gobyerno na nabanggit, sa araw at oras ng trabaho ng gobyerno.
KUNG LUMABAG KA, makulong ka ng 6 na buwan hanggang 1 taon at/o multa ng hanggang P10,000. At makumpiska pa ang lumampas sa siyam (9) na alaga mo. Hindi mo naman pwede ipasa sa mga shelters at pare-pareho kayong nasisita. Kaya mai-impound talaga lahat sila nang libo-libo, at dahil di nga kakasya sa mga kulungan ng city/municipal pounds, at hindi naman nila pwedeng pakainin ang daan-daan, o libo-libo na mga kinumpiska at sinurender, dahil hindi nila mandato at walang budget, wala naming nag-aadopt, kailangan ang agarang pagpapatulog (euthanasia) at gagastos ba sila ng P400+ kada a*o/pusa para lang patulugin nang naaayon sa batas?
BILANG SHELTER, kailangan may partner licensed veterinarian ka para magamit mo license number niya sa permit, at siyempre may araw ng obligadong pag-bisita na sa tingin mo makalibre ka? (ganyan ang kalakaran sa mga pet shops na hindi vet clinic). Swerte kung di ka papagbayarin ng vet, at kung may pumayag sa iyo, kasi nga naman baka masabit ang lisensya nila kung magkabulilya*o ka. Isa pa, obligado sila magpasa ng report sa BAI, dagdag trabaho nila. Kailangan din sa istriktong implementing rules ng shelter ang clinic/treatment room (euthanasia room ang termino), stockroom ng pagkain ng alaga na di dina-daga o ini-ipis at walang moisture, proper ventilation, running water, medicine supplies, etc.
WALA KA NANG PANAHON MAG-ALAGA NG MGA ASOβT PUSA MO dahil unahin mo muna ang mga report, pagtupad sa mga obligasyon sa gobyerno, at ang perang ipapakain at ipapagamot mo sa kanila ay mapupunta pa muna sa buwis/tax, mga processing fees/charges, multa sa atra*o, lagay/padulas/regalo kung kailangan o malambingan, pagpapa-print/photocopy, pagpila-pila, paglakad-lakad, at pamasahe (pwedeng tiis ka na lang muna huwag kumain). Baka kailanganin ka pa nilang ipa-repair/renovate ang bahay mo.
AT KUNG NANGHIHINGI KA NG DONASYON O NAGRERESCUE NANG AYON SA KAHULUGAN SA BATAS NA IYON. Bakit may batas ba na nagbabawal manghingi ng tulong para sa kapamilya o alaga mo? Nanghihingi ba ng DSWD Certfication ang kung nanghihingi ka ng tulong sa kapamilya mo (senior, PWD, scholarship)? Bakit ang mayaman lang yata ang may karapatan mag-alaga ng sampu (10) pataas na a*o at pusa? Anti-poor ba ang batas na ito, na kapag tinuturing ka na di-mayaman ay hindi ka na maituturing na may-kakayanan mag-alaga ng sampu pataas na a*o at pusa at kailangan ka nang kumuha ng BAI Registration, Mayorβs Permit at BIR Registration na parang tindahan, restaurant, o vet clinic? Magkibit-balikat o sikmurain mo na lang ang mga a*oβt pusa na nakikita mo na nangangailangan ng pagpapagamot, lalo na kung 9 na ang alaga mo.
AT KUNG PINANGANGALANDAKAN MO RAW SA PUBLIKO NA βSHELTERβ (βanimal facilityβ) KA. Bakit trade name ba ang Facebook? Requirement ba sa Facebook ang DTI o SEC Certificate? So what kung may nakakabit sa FB name mo ang βAnimal/Pet,β βShelter,β βSanctuary,β βHaven,β o βParadise,β hindi ka ba pwede mangarap sa social media man lang? Ang importante, hindi ka nagtitinda ng hayop, o karne nito, o ginagamit ang hayop sa serbisyong may bayad -- katulad ng sa negosyong piggery, poultry, o pet breeder, atbp., o paggamit ng hayop sa K-9 security, entertainment, pagpapalitrato sa turista, o transportasyon, bilang negosyo may tubo (profit).
vvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvv
PLEASE PATIENTLY READ THE FOLLOWING, TO KNOW YOUR RIGHTS AND PROTECT YOUR PETS/RESCUES and LIVESTOCK ANIMALS, THE 3-PART POSITION PAPER of ANIMAL WELFARE ADVOCATE NORMAN MARQUEZ on SENATE BILL No. 2458 authored by SENATOR GRACE POE, co-authored by Senator NANCY BINAY and Senator JOEL VILLANUEVA.
YOU MAY DOWNLOAD ALL SLIDES (1-63) ON LAPTOP OR DESKTOP COMPUTER FOR BETTER ORGANIZED UNDERSTANDING OF THE PAPER.
FIRST PART:
COMPELLING PRIVATE PET OWNERS TO REGISTER AS ANIMAL FACILITY BY REASON OF ARBITRARY RESTRICTION ON PETS IS UTTERLY OPPRESSIVE AND UNCONSTITUTIONAL.
LINK:
https://facebook.com/media/set/?vanity=NormanMarquezBAW...
SECOND PART:
BAI or ANIMAL WELFARE BUREAU, IS THERE A NEED TO CREATE A NEW AGENCY?
LINK:
https://facebook.com/media/set/?vanity=NormanMarquezBAW...
THIRD PART:
ARE PENAL PROVISIONS COMMENSURATE ENOUGH TO DETER ANIMAL WELFARE CRUELTY AND COMPEL COMPLIANCE?
LINK:
https://facebook.com/media/set/?vanity=NormanMarquezBAW...
Due to time constraint and enormity of task, WE ONLY TACKLED SOME PRESSING ISSUES, WHILE RESERVING OTHER ISSUES FOR FUTURE DISCUSSIONS OR SUCCEEDING POSTS.
-------------------------------
1. TO REPORT:
a. ANIMAL CRUELTY INCIDENTS
b. OPPRESSIVE ORDINANCES
c. UNLAWFUL HOA PET POLICIES,
2. IF YOU NEED LEGAL ASSISTANCE OR CONSULTATIONS ON ANIMAL WELFARE CASES,
3. TO ADDRESS NUISANCE COMPLAINTS BY NEIGHBORS TO HOA, BARANGAY OR CITY/MUNICIPALITY,
PLEASE MESSAGE/TEXT/CALL:
NORMAN CORDERO MARQUEZ
Animal Welfare Advocate
Smart 0999 674 9666
Globe 0915 617 2992
Dito 0994 877 5767
Smart 0939 804 4272
Also on Viber, WhatsAp & Telegram
email:
[email protected]
[email protected]
Please be reminded that Norman Marquez is not a donor of financial support but a donor of invaluable free legal assistance and advice. He also needs funds to travel to the locations of crimes and local government concerns, while assisting mostly the non-viral, indigent pet owners and complainants.