10/08/2022
PAPAPANO BA MAKAHANAP NG βQUALITYβ NA STUD DOG ?
Una sa lahat, ang quality ng isang stud dog ay nasusukat sa quality ng kanyang mga puppies. Maski champion dog pa yan, untitled, imported o local.
May natatawag na prepotent stud dog. Ito yung stud dog na maski ano o sino pa man ang lahi o pangingitsura ng inahin ay nakakapag iwan pa rin ito ng bakas. Ganun pa man ay bihira ito sa dahilan na ang up to 70% ng puppiesβ characteristics ay nahuhugot mula sa kanilang inahin.
Dahil dito ay napaka importante na alam mo ang faults and strengths ng iyong inahin, karamihan ng faults ng inahin mo ay malamang na maipasa sa tuta, gaya ng east west, splayed feet, weak topline, long/short body, cowhock, undershot at elbow out. Ang mga faults na ito ay tinatawag na structural at nakakaapekto sa movement at overall health ng a*o at dapat sanang hindi na pinapadami thru breeding.
Ang mga faults naman na ring tail, white spot, pink gums, loose skin, dewclaw, tikwas na tenga, light eyes, o poor markings ng inahin mo ay walang epekto sa movement at sa health nya ngunit malamang din na maipasa ito sa kanyang mga anak.
Sa paghanap ng stud dog, ang kahinaan ng iyong inahin ay sya mong dapat i match sa strength ng stud dog and/or vice versa. Bagamat andun pa din ang risk na maglabas ng fault, mas malaki ang posibilidad na maglabas ito ng maayos.
Malaking bagay din ang pagpili ng stud dog na may credible o champion pedigree dahil masasabi mo na hanggang sa grandparents nya ay hindi paghuhugutan ng fault.
Syempre, tignan mo din ang mga naging anak ng kursunada mong stud dog, may pagkakaparehas ba sa itsura? May mga nanalo na ba sa mga conformation show?
Naipapasa nga pala ang temperament.
Tandaan na walang magic sa breeding. Kung inaakala mo na ang linebreeding ang solusyon sa magandang tuta, abaβy pag faulty ang parents ay lalo ka pang mapapasama.
Pero kung wala ka naman palang balak pag araalan o pakialam sa mga nabanggit namin dito, at ang definition mo ng quality stud dog ay yung pinakamura, pinaka accessible at pinakamadaming likes sa fb ay good luck na lang sayo. βNamo.
Kung binabalak mong magbentaβ¦sa hirap ng buhay ngayon at sa dami ng seller, asa ka pa na yung faulty mong puppy ang unahin na bilhin. Ebidensya ba kamo?β¦Try mo mag post ng LF puppy.
Gagawin mo na din lang naman at ayaw mo magpapigil, so gawin mo na ng ayus diba?