02/08/2024
Let's help Lollipop
https://www.facebook.com/share/p/n5J3WmovYvNRjvhe/?mibextid=xfxF2i
CAKE & TOTE BAG FOR A CAUSE
LOLLIPOP needs your help 🐶🙏🏼
Last Friday, nagshishiver sya pero hindi naman malala. We thought baka nilalamig lang or dahil sa pabago bago ang weather. Until nagclose na kami ng cafe, habang nakahiga kami, tumayo si Lollipop and bigla sya bumagsak, hirap huminga and walang energy tumayo. We rushed her to veterenary rightaway. Madaming test na ginawa sa kanya and okay naman ang results ng blood test, and 2D echo nya. Sa x-ray naman, mejo cloudy yung lungs nya kaya binigyan sya ng Antibiotic na itatake nya for 10 days. So after that inuwi namin sya agad since okay naman sya habang nasa vet.
The day after, nag close muna kami ng cafe para mamonitor namin sya. By that time, nilalagnat na sya and mas madalas na yung pag shiver nya. Nag provide ulit doctor nya ng another set if medications (for pain & antibiotic ulit). Few days ang nakalipas, hindi sya nagiging better and inuubo na. So we figured, noong night na dinala namin sya, baka padevelop pa lang yung sakit nya. For 7 days, we took care of her kahit open na ang shop,
Yesterday, dinala ulit sya sa vet for a test. Then noong binalikan na sya, sabi ni doc mas dumami daw yung white sa lungs niya kaya sabi ni doc may Pneumonia na daw si Pop. We were stunned and heartbroken. In her 9 years of joyful life, never sya nagkasakit ng ganong level. Inadvise samin ng Vet nya na 3 times nebulization per day. So that night, nag nebulize na sya. Guminhawa yung hinga nya and nakatulog saglit. Nananaginip pa nga sya so natuwa kami kasi masarap tulog nya. After 5-10 minutes na tulog sya, bigla sya bumangon and winiwithdraw nya na yung phlegm nya. Kaya lang hindi nya mailabas kasi sobrang lapot. Then sobrang nahirapan na sya huminga ulit and mas lumala kasi siguro may naka stock na phlegm sa lalamunan nya plus naubos na yung energy niya.
We tried different remedies and position ng paghiga para makahinga sya ng mabuti. Nakakatulog sya pag nasa lap sya ni Jessa. Pero umaalis din pag nahihirapan na sya. So, we decided na ibalik namin sya sa vet kasi wala na kaming maisip na way just to make her feel better. 2:00 AM (today), Dinala namin sya para ipaadmit na and currently nasa ICU sya to maintain her oxygen with IV fluids para kahit papano palit sa energy na nawala sakanya from 4.2kg down to 3.8kg. All procedures and pagstay nya don is very expensive as much as we want hindi namin siya kaya lahat. Kaya nagdecide kami na mag post for a cause. For Lollipop.
Namimiss na namin sya na masigla and binabati mga customers namin. Sa mga dumalaw sa kanya habang minomonitor namin sya, thank you so much! Nakakatuwa kasi maraming nagmamahal kay Lollipop.
This time, you can bring joy and better health to Lollipop by buying a Yema Cake or a Tote Bag that we put great effort into designing just for her. All proceeds go towards her medical needs. Please help our Lollipop back sa dati niyang sigla. 🙏🏻 Pray for our Lollipop health na gumaling na siya.
PRE-ORDER of Yema Cake or Tote Bag:
1st Batch:
August 6, Tuesday
2nd Batch:
To be announced
For those who are willing to extend their help to Lollipop, you can send it via Gcash.
09053360552
BE****H JO*N F.
(See comments for proof of billing)