08/04/2021
Vet tips muna po tayo ulit...
Narito po ulit ang konting kaalaman sa tamang paggupit ng kuko nang ating mga alagang rabbits...
Nail Cutter - hindi po natin dapat gamitin ang nail cutter na pang-tao dahil flat ang kuko natin, ang mga rabbits ay rounded kaya dapat pabilog din ang panggupit. Maaring masira ang kuko kapag hindi tama ang pang gupit.
18 ang bilang ng mga kuko ng ating mga rabbits. Apat sa likurang paa, Lima naman sa harapan.Huwag natin kalimutan ang nakatagong kuko sa gilid o ang tinatawag na "dew claw". Importante ito dahil kapag ito ay nakaligtaan at humaba, maaari nitong masagi ang parte ng mukha nang rabbit kapag nililinisan nya ang sarili niya lalo na ang kanyang mata.
Quick - ito ay ang ugat na matatagpuan sa kanilang mga kuko.Ito ay dapat iniiwasan kapag magpuputol nang kuko. Kapag naputol ito ay napakasakit para sa mga rabbit at mahirap patigilin ang dugo. Ito rin ang ginagamit na gabay para sa angle ng pang gupit, dapat ay nakasunod ito at hindi taliwas.
Styptic powder - ito ay pwedeng gamitin para makatulong sa pagtigil ng dugo kapag aksidenteng nadali ng konti ang quick. Kung wala talaga, pwedeng first aid ang cornstarch habang papunta sa Vet.
Dagdag kaalaman...Mayroon din tayong ginagawa na βsqueeze, squeeze, cutβ.Ito ang paraan para sa mga itim ang kuko at hindi nakikita ang quick.I-try muna na i-pwesto ang nail cutter at pindutin, huwag madiin tama lang na may maramdaman sila. Dalawang beses ito gawin. Kapag hindi niya hinila ang paa ay pwede mo ituloy ang pagputol. Ngunit kapag hinila ng rabbit, ito ibig sbihin tatamaan mo ang quick.
Maging maingat sa pagputol ng kuko at mahirap patigilin ang dugo kapag nadali ito. Isa pa, napakasakit nito para sa mga rabbit. Minsan namimilay sila at minsan rin ay titigil sa pagkain dahil sa sakit na nararamdaman.Kinakailangan din na huwag ma-stress ang ating mga alaga. Mas maganda na bata palang sila ay nasasanay nang pinuputulan sila ng kuko.
Kung hindi talaga magawa, maari itong ipagawa sa mga exotic Vet para sigurado.
Sana ay may napulot tayong konting kaalaman...