30/05/2022
FACT OR MYTH ABOUT OUR SHIH TZU
Tanong: Totoo po ba na may "princess type", "imperial type", at "tea cup" shih tzu?
Sagot: MYTH. Wala pong "princess type", "imperial type", o "tea cup sized" na shih tzu. Hindi po accredited ng AKC (American Club Kennel), UKC (United Kennel Club), at iba pang mga Kennel Clubs around the globe, ang "princess, imperial, o tea cup" shih tzu na tinatawag ng karamihan sa atin. MARKETING STRATEGY lang po iyon ng mga breeders at sellers. Kapag maliit, tea cup daw. Kapag mas malaki, imperial type daw. Kapag naman hanggang sahig ang haba ng buhok, princess type daw. Pero, HINDI po iyon totoo. Lahat ng shih tzu humahaba ang buhok hanggang sahig o lagpas pa. Siguro ginaya lang ng mga sellers o breeders yung tawag sa ibang dog breeds na totoong may tea cup, imperial, o princess type. Pero kung titignan mo naman sa PCCI papers, walang princess type, imperial, o tea cup na naka-indicate doon. Isa lang po ang type ng shih tzu na mayroon. Yun ay ang "STANDARD TYPE". Hindi lang talaga maiiwasan na magkakaiba ang sizes ng mga shih tzu puppy. May mas maliit, may mas malaki. Pero again, standard pa rin yun. Basta ang shih tzu natin, hindi yan bababa ng 7 inches tall at hindi tataas ng 11 inches tall. Maliit man o medyo malaki ang shih tzu mo, standard pa rin yun. So, kung gusto mo magalaga ng shih tzu, kahit ano pa mapunta sayo, basta pure breed yan, shih tzu pa rin yan. Mamahalin ka niyan kahit ano pang "--type" ang gusto mong itawag sa kanya.
=====================